Chapter 47

5.3K 101 1
                                        

CHAPTER 47

KATE POV

Hapon na, magpapaalam na ako kay yuki. Mahaba ata ang naging bonding nilang magkapatid.

Dala ko na ang bag ko at naka pagpalit narin ako. Papunta na ako ngayon sa room nya. Pero hindi pa ako nakalabas nakita ko na si Toff na kakalabas lang ng pintuan ng room ni Yuki.

"tapos na kayong magbonding?" tanong ko sa kanya.

"oo, pinatulog ko narin, alam mo na, ayaw nyang maiwan dito" ani Toff na parang napagod siguro.

"ahhh, cge silipin ko nalang sya" sabi ko at nagtulak na papuntang room ni Yuki.

Pumasok ako at hinalikan sya sa noo nya, hinaplos ko ang ulo nya at nag whisper.

"ill go ahead, i hope to see you again next duty ko. Love you yuki" at tumayo na at lumabas.

Paglabas ko ng room, nakita ko si Toff na nakasandal ng wall. "hindi kapa aalis?" tanong ko sa kanya.

"i actually wait for you" at ngumiti sya sa akin na parang nahihiya.

"bakit? May kaylangan ka boss?" tanong ko na seryoso habang naglalakad kami papuntang labasan ng building.

"no, isasabay nalang kita pauwi tutal diretso ka naman sa coffee shop diba?" aniya.

"oo, pero nakakahiya naman sa kotse mo kung sasabay pa ako sayo" nahihiya kong sabi.

Natawa sya, for the first time nakita ko syang nakatawa. Ever since hindi ko sya nkitang tumawa lagi kasing seryoso ang mukha nya noon.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing "seryoso ka ba talaga na isasabay mo ako? Mabigat ako baka masayang lang gasolina mo"

Umiling sya, "sakay na Kate" at pinagbuksan pa ako ng pintuan sa front seat ng kotse nya.

"wala tong bayad boss ha?" pahabol ko pa.

"wala nga, promise!" umupo sya sa drivers seat at nag start na magdrive.

Nabalot kami ng katahimikan dalawa. Napapansin ko na panay ang sulyap nya sa akin at tumatawa sya.

"what's funny Toff?" tanong ko na naguguluhan sa mga ngiti nya.

"nothing, just happy to see you around Kate" nag smirk sya na parang nakakaloko.

"ang labo mo!" sagot ko nalang at hindi pinansin ang mga tawa nya.

Si Toff? Una ko syang crush sa Varsity Club, rookie pa sya noon tapos tahimik pa at magaling talaga sya maglaro. Hindi sya mayabang tulad ng ibang mga kasama nya. Lagi lang syang tahimik.

Maraming nagkakagusto sa kanya lalo na nung nagpalate sya ng one month sa senior year nya na. Sabi nag abroad daw sila kaya nalate sya ng pasok sa school. Nabigla ang lahat sa pagbabago nya. Tumangkad kasi at nanlaki ang mga muscles nya. Naging maganda ang kulay nya at bumagay sa kanya ang gupit nya noon.

Gusto ko sya that time, mas nagustuhan ko si Jelo kasi kung ihahambing sila, si Jelo matalino, tahimik at hindi babaero while si Toff magaling at determinado sa sport nya at hindi nauubusan ng babae kaya sumikat sya lalo sa school na womanizer.

"san tayo papunta?" tanong ko nung lumiko sya sa highway.

"kain muna tayo, gutom na kasi ako." ngumiti sya at nakita ko na itinigil nya sa harap isang fine restaurant ang kotse nya.

Ipinagbuksan nya ako ng pintuan at naglahad ng kamay. "huwag ka ngang matakot. You look so scared!" nakangiting sabi nya.

"hindi naman ako takot noh, ayaw ko lang magkautang ng malaki" sabi ko. "baka kasi bigla mong sabihin na KKB tayo tapos wala pa naman akong pera dito, isa pa hindi ako sanay sa ganyang klase ng restaurant boss" dagdag ko pa na nakanguso ako.

Broken InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon