Chapter 5

66.9K 3.4K 1.1K
                                    

HINDI GANYAN ANG TYPE KO.


Nakalampas na sa akin sina Asher at Arkanghel ay hindi pa rin ako makaalis sa aking kinatatayuan sa bukana ng canteen. Nakaharang ako sa daan kahit may naiinis ng mga estudyante sa akin. Bakit parang biglang bumigat yata ang mga mata ko?


Parang may fog na nakaharang at nagpapalabo ng aking paningin. Kumurap ako dahil baka naman napuwing lang ako. Inalis ko ang aking suot na salamin at kinusot ang mga mata. Ayan, okay na ulit. Puwing nga lang talaga.


Umayos ako sa pagkakatayo at nakangiti nang umalis sa canteen. Habang naglalakad pabalik sa room ay naisip ko ang sinabi ni Asher kanina. Hindi raw katulad ko ang type niya. Hay, ang cute niya talaga.


Suplado at hindi raw ako gusto, alam ko na iyang ganyan. Ilang beses ko nang napanood sa TV at nabasa sa libro iyan. Ang tawag sa ganoon ay 'she fell first, but he fell harder'.


Impit akong napairit sa kilig. Normal lang talaga ang sinabi ni Asher dahil ganoon naman talaga karamihan sa umpisa. Hindi nagkakagustuhan agad. Naiintindihan ko siya, kaya pinapatawad ko na rin siya. Hindi rin naman ako nagmamadali, mahaba pa naman ang oras at mga bata pa kami. I could wait.


Pagbalik sa room ay doon ulit pumormal ang aking mukha. Back to academic goals. I immersed myself in studying for the next few hours. Huling taon na ni Papa sa abroad. Ang gusto kong regalo rito ay hindi lang basta matataas na grades, hindi lang din basta medal, kundi ang pagiging first sa special section. And I would do everything to make that happen.


Tama naman na maaari kang magkaroon ng mataas na grades sa pamamagitan ng sipag at utak lang, pero naniniwala ako na nakakatulong din talaga para sa dagdag points minsan kapag naging isa kang teacher's pet.


Nang paalis na ang teacher namin sa last subject bago ang last break ay nanguna akong tumayo. Agad kong sinalo ang hawak-hawak nitong libro. "Ma'am, tulungan ko na po kayo."


Narinig ko naman bulungan ng mga babaeng nakaupo sa unahan ng room na malapit kay Ma'am. "Ang aga-agang sipsip naman niyan."


"'Di ka pa sanay? Matagal nang ganyan 'yan," sabi naman ng isa.


Ang teacher naman namin ay ngumiti sa akin. "Salamat, Laila. Kaya ko na ito. Mag-recess ka na."


Matamis na ngiti naman ang sagot ko rito. "Hindi po, Ma'am. Hahatid ko na po kayo sa faculty dahil baka may iuutos din po kayo, libreng-libre po ako."


Wala akong pakialam sa mga kaklase kong sipsip, weird, at kung anu-ano pa man. Kahit pagtawanan pa nila ako at pintasan. Hindi naman kami habangbuhay na magkakasama-sama. Pagka-graduate ay hindi ko na rin naman makikita pa ang mga pagmumukha nila.


Pagkahatid kay Mrs. Montoya sa faculty ay nagbanyo muna ako. Sa loob ay may nakasabay akong dalawang babae na  na nagre-retouch sa harap ng lavatory. Mag-best friend yata. Familiar sa akin ang mga mukha. Habang nasa cubicle ay nakinig ako sa usapan nila.


"Beh, break na kayo ni Miko, di ba? What if maging kami, beh?" tanong ni Best Friend 1.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon