Chapter 12

64.6K 3.7K 1.5K
                                    

DREAMING ABOUT THE DAY WHEN YOU WAKE UP AND FIND, THAT WHAT YOU'RE LOOKING FOR HAS BEEN HERE THE WHOLE TIME!


"Kailan pa naka-saved sa 'yo ang number ko?"


Iyong tanong ni Asher sa akin ay parang ang ringtone ng phone ko, nag-e-echo sa pandinig ko. Alam niya na naka-saved, dahil ibang ringtone ang naririnig niya, at malamang na nahagip ng mga mata niya na hindi number ang naka-saved sa screen, kundi pangalan. Na mabuti ay naitago ko bago niya tuluyang mabasa.


Bumukas-sara ang bibig ko na walang lumalabas na kahit anong salita. Si Asher naman ay nakahalukipkip na ngayon sa akin, nakataas ang isang kilay, nakataas din ang gilid ng mga labi, at may kung anong kislap sa mga mata.


Lumunok ako. Mga limang beses bago malinis ang bara sa lalamunan ko. Itinaas ko rin ang aking baba para kuwari ay wala akong kakaba-kaba. "Matagal na," sagot ko na deretso at walang kurap sa kanya.


"Ow?" Kumiling ang ulo niya habang nakataas pa rin ang isang kilay at nakahalukipkip. "Eh, puwede bang malaman ang detalye niyang 'matagal na' 'yan?"


Tumikhim ako at pinagana nang mabilis ang isip. "Kinuha ko kay Lou ang number mo nang di niya alam. Wala lang, gusto lang sana kitang balaan noong gusto mo siyang ligawan. Alam ko kasi na paaasahin ka lang niya. Concerned ako dahil hindi man tayo close, anak ka pa rin ng landlady ng tita ko sa apartment niya."


Napahimas ng baba si Asher. "Hmn, walang butas, ah." Pagkuwa'y tumango-tango siya. "Okay."


"O-okay na?" Itinago ko na ang phone ko na galing sa kanya. "Saka iyong ringtone, wala lang iyon. Random selection."


"Okay." Ngiting-ngiti siya na parang tanga.


Napanguso na lang ako dahil hanggang sa ihatid niya ako sa sakayan ng tricycle, hindi pa rin maalis ang pagkakangiti niya. Special ako pauwi sa Pascam, at hindi ko na siya napigilan nang siya ang mag-abot sa driver ng bayan na buong isang daan.


"Kuya, pakiingatan GF ko. Bago pa lang kami niyan," bilin niya pa sa driver. At nang makaalis na, nakita ko pa siya sa rearview mirror na kinakawayan ako.


Hindi pa siya umalis sa kinatatayuan hanggang hindi ako nakakaalis nang tuluyan. At sa pag-uwi, may text ako na natanggap mula sa kanya. At ganoon na lang ang pamimilipit ko sa kilig nang mabasa ang laman ng text niya.


Future Hubby:

Ei Lai..,pahinga kana paguwe mo. .. o pasado ng sentence yan aah.!,



ANG SARAP NA NAMAN ng gising ko kinabukasan. Pakanta-kanta pa ako, na pati tuloy si Mama ay napapangiti na. Bihira kasi ako nito marinig na kumakanta, kaya pati ito ay nahawa na.


Pagdating ko sa school ay naghagilap agad ang aking mga mata. Wala mang usapan ay parang nakaugalian na namin ni Asher ang magpaligsahan kung sino ang mauuna na pumasok sa aming dalawa. Sa mga nagdaang araw at linggo, mas madalas na ako palagi ang nauuna. Siya kasi ay may pagkakataong hindi siya nagigising sa alarm niya.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon