NAMAMAGA ANG MGA LABI KO.
Hindi ako tinigilan ni Asher hanggang hindi namamanhid ang mga labi ko. Inalis niya pa ang suot kong salamin para walang harang sa pagitan namin. Para ang mga labi ko ay mas malaya niyang maangkin.
Bago siya umalis ay hinalikan niya pa ulit ako. Nakangisi siya nang kapwa kami humihingal na naghiwalay. "Para talagang hindi mo ako makalimutan."
Na talagang nagkatotoo naman. Kahit nagkaklase sa university ay may mga pagkakataon na wala sa loob akong napapahawak sa mga labi ko gamit ang aking mga daliri. Kusang dumadaloy sa alaala ko ang nakakabaliw na hagod ng mainit at malambot niyang mga labi.
Buong linggo akong tila nahihibang. Hinihila ko sa isip ang mga oras at araw, hanggang sa sumapit na ang Sabado, na magkikita na ulit kaming dalawa...
MAAGA PA LANG AY NANDITO NA SI ASHER.
Wala kaming usapan dahil usually ay mga after lunch o pahapon ang schedule ng punta niya. Wala nga siya kahit text kanina, kaya nagulat ako na nandito na nga siya nang ganito kaaga. Mabuti na lang din at maaga akong naligo ngayon.
Hindi na nahintay ni Asher na ipagbukas ko siya ng gate. Siya na ang nagbukas para sa sarili niya. Baby blue na plain shirt, stripe na gray and white cargo shorts, Adidas slides ang suot niya. Dala niya ang kanyang school bag at may bitbit siyang kung anong papel. Test paper yata. Syempre, malayo pa lang ay ang bango-bango niya na.
Sobrang miss ko siya kaya sasalubungin ko sana siya ng yakap, nang biglang isalaksak niya sa akin ang kanyang test paper na hawak. "Tingnan mo, Lai! Up to fifty iyan! Thirty five ako! Hulaan mo ang passing score!"
Bagsak ang panga ko. So, kaya pala ang aga niya ngayon ay dahil yayabangan niya ako?!
"Oy, ano, Lai?! Sirit na ba, ha?!" Namewang siya at maangas na ngumisi pa. "O sige, sasabihin ko na. Ang passing score ay thirty five!"
Gusto ko na siyang pektusan sa ulo, pero pinili ko na lang na pumalakpak. "Wow. Pumasa ka."
Sumilip naman si Mama sa sala mula sa kusina. "Congratulations, tutoy!"
Napangiwi ako sa tawag ni Mama sa kanya. Ewan ko ba kung saan nito iyon napulot. Okay lang naman kay Asher, parang ang ligaya pa nga niya.
Lalo pa ngang naging proud sa sarili dahil sa papuri ni Mama. "Thank you po, Mama! Next time po thirty-six na ako!"
'Mama' na nga rin pala ang tawag niya sa mama ko. Matapos niyang makailang punta sa amin ay feeling niya, kapamilya na talaga siya.
Nag-thumbs up naman si Mama sa kanya. "Syempre naman, tutoy! Kaya mo iyan kasi magaling ka naman talaga tapos magaling din ang tutor mo!"
Nagkalkal pa si Asher sa dala niyang bag. Pati mga short quiz niya ay pinagsasalaksak niya isa-isa sa akin. Kung dati ay kalahati lagi ang mali niya, ngayon ay twenty percent na lang. Proud na proud siya kasi pasado siya sa lahat— Pasang awa.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...