Chapter 22

60.5K 3.5K 1.3K
                                    

ASHER WAS KISSING ME AGAIN IN THE SAME WAY, LIKE HE WANTED TO SWALLOW ME WHOLE.



Magaling na pala talaga siya, hindi na katulad nang dati na nangangapa pa, sumasablay ang mga labi, at parang pumapapak ng kung anong masarap. Ngayon ay kumbaga, hustler na. Alam na alam na rin kung paano ang tamang galaw, at kung mas paano ako babaliwin.


Ano ngayon kung papadilim na? Malamok na, at kahit pa maalikabok ang silong ng saradong tindahan kung saan kami naroon? Wala kaming pakialam dahil ang mahalaga lang ay maibsan ang aming pagkauhaw at pananabik.


Sa sobrang dalang-dala si Asher sa tuwing magkalapat ang mga labi namin, ay huli niya nang napansin na wala ng pagitan ang pagitgit niya sa akin at ramdam na ramdam ko na ang buhay na buhay na parte na ngayong nakadiin sa tapat ng aking sikmura.


Napaungol ako sa bibig niya dahil parang may nakadiin na matigas na bagay sa tiyan ko. Nagtangka pa iyong humagod sa akin nang mapadilat siya bigla. Nagtama ang mga mata namin, at doon niya napagtanto ang nagawa.


Napabitiw siya agad sa akin. "Lai, sorry!" Sabay hila niya sa laylayan ng kanyang shirt upang matakpan ang bahaging iyon ng school pants niya.


Nakasandig pa rin naman ako sa saradong tindahan, may paghingal pa habang namumungay ang mga mata na nakatingala sa kanya. "Happy anniversary, Asher..."


Napahilamos siya ng kanyang palad sa mukha. Nang tumingin ulit sa akin ay maliit siyang ngumiti. "H-Happy anniversary din..."


Iniwan ko muna siya roon sa madilim na silong. Mga limang minuto ako na nakatalikod sa kanya, bago siya sumunod sa akin. Kalmado na pero may paghingal sa paghinga.


Inabot ko naman ng aking panyo ang pawisang leeg niya. "Okay ka na?"


Matamis siyang ngumiti bilang sagot.


Nakaakbay siya sa akin na naglakad na kami patungo sa labas na kalsada. Nanood lang kami ng sine, kumain sa fastfood, at umuwi na rin. We were both exhausted, but we didn't want the night to finish without us enjoying ourselves...





BACAO.


Pagkauwi sa Cavite ay dito ako dinala ng mga paa ko. Hindi sa amin sa Pascam o kina Asher sa Buenavista, kundi rito. Hindi ko rin alam kung bakit. Probably because this issue was still bothering me even as I was immersed in my studies the whole week.


This was not the first time, nor the second time.


I began to search for them when I was in fourth grade. However, there were no emotions involved, only pure curiosity. For me, it was entirely by coincidence that I was born into their family. Except for blood, we have no relationship.


Kaya alam ko lang kung saan sila nakatira, pero hindi ang mismong bahay nila. Hindi ko rin para usisain kung sino-sino sila o kung buhay pa ba sila. Dahil wala naman akong pakialam. But Rio, the jerk, stepped in.



I thought that he just knew something about my origin, pero hindi ko inakala na alam nito ang buong detalye. Ginamit nito ang talino upang kunin ang gusto. But sad to say, wala itong makukuha na kahit ano. He was just a pawn in my plan. I wanted to keep him a little longer, but he overdid it, thus he was now a worthless piece of junk to me.


Sa pinagtataguan kong pila ng mga tricycle ay natanaw ko nang parating si Linda. Maputla at payat na payat. Ganoon pa rin ang aura, mabigat na akala mo'y pasan ang buong mundo. Kasi pasan naman talaga nito. Naglalakad lang ito mula sa pagbaba ng jeep sa labasan.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon