Chapter 8

56.9K 3.3K 1.1K
                                    

BAKIT SILA MAGKASAMANG DALAWA?


Hindi ako pinatulog ng aking nakita kahapon. Sa puyat ay maaga pa lang kinabuhan ay nasa school na ako. Nasa may bench ako habang patingin-tingin sa labas ng schoolgate. Parang gigil na girlfriend na naghihintay sa taksil na boyfriend.


Mga kalahating oras bago dumami ang mga estudyante, at bago rin dumating ang taong talagang hinihintay ko. Pumasok siya sa gate na walang pakialam sa paligid. Naghihikab pa habang ang atensyon ay nakatuon sa hawak na cellphone.


Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo nang hindi pa siya agad umalis malapit sa gate. Nanatili siya roong nakatayo na tila may hinihintay. Bagay na hindi ko pa natandaan na kanyang ginawa sa mga past girlfriends niya.


Mula sa gate ay pumasok ang isang babaeng kilala ko. Kumuyom ang mga palad ko nang makita ito. Ang kaklase ko sa section, si 'Lou' o Marilou dela Cruz. Straight na straight ang maiksing buhok na akala mo ay dinilaan ng sawa sa sobrang kintab. 


Hinarang niya ang babaeng bagong dating. Noong umpisa ay parang timang na umiiwas si Lou sa kanya, kalaunan ay nakanguso na ipinabitbit na sa kanya ang bag na dala-dala.


Hindi naman ngayon ang una. Balewala na dapat sa akin kahit may bagong babae na naman siya, kaya nagtataka rin ako sa sarili kung bakit iba ang dating sa akin ng mga nakikita ko.


Hindi pa sila. Nililigawan niya pa lang si Lou. Sa lahat ng naging girlfriend niya, wala naman siyang niligawan nang ganito. Wala siyang ipinagdala ng bag sa mga ito. Pero bakit si Lou?!


Si Lou na pigil ang mga ngiti at pilit na nagsusungit kunwari. May paiwas pa itong nalalaman, pero noong tawagin si Asher ng mga babae nilang nakasalubong sa daan, ay doon pumantay ng paglalakad si Lou sa lalaki.


Bago ako nakatayo mula sa bench ay inabot pa ako ng ilang sandali. Hindi agad ako nakakilos dahil parang may kung ano na masakit sa loob ng aking dibdib. Ngayon ko lang iyon naramdaman kaya hindi ko iyon magawag pangalanan.


Sa bagal ng aking paglalakad ay hindi ko inaasahan na magpapang-abot pa kami ni Asher sa daan. Sa corridor kami nagkasalubong, papunta ako sa room habang siya ay paalis na mula sa paghatid sa kaklase kong si Lou. Napahinto siya nang makita ako.


Bumukas ang natural na mapupula niyang mga labi na akmang may sasabihin, nang iiwas ko sa kanya ang aking paningin. Nabitin ang kung ano mang dapat na sasabihin niya sa akin.


Nakalampas na ako sa kanya ay nakatigil pa rin siya. Ramdam ko rin sa aking likuran ang paghabol ng mga mata niya.


Hindi naman siguro siya nagtataka. Hindi naman kasi kami close na dalawa, ni hindi kami magkaibigan, kundi saktong magkakilala lang.


Pagpasok sa room ay dumako ang tingin ko kay Lou na nagbubuklat na ng notebook sa upuan nito. Tinabihan ito ng isa naming kaklase at kinuwento.


Naulinigan ko ang pag-uusap nila dahil sinadya ko na makinig. Ang kaklase namin na si Irish ay natural pa na malakas ang boses. "Lou, sino iyong naghatid sa 'yong semi-calbo na guwapo?"

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon