"PAPA!"
Para akong itinulos sa kinatatayuan habang namimilog naman ang mga mata ni Asher habang nakayuko sa batang babae na hirap man sa pagtingkayad, ay nagsisikap para maabot ng yakap ang bewang niya.
"L-Lai..." Ang kanyang mga kamay ay nanigas sa ere at hindi malaman kung hahawakan ba niya ang ulo ng batang nakamaskara ng Spongebob. Bukas-sara ang bibig niya, at wala siyang masabi maliban sa pagtawag sa akin.
Hindi ko naman alam ang gagawin dahil sa pagkabigla, si Bobbie ay nakaabot pa rin sa bewang niya, at mukhang walang bumitiw ang bata. Parang pinipilas ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Why? Why was this happening? Hindi ito kasama sa kalkulasyon ko.
Nakaramdam ako na may nakatingin sa amin. Sa pagbato ko ng paningin sa likuran ni Asher ay nakita ko sa di kalayuan si Zeph. Iyong lalaki kanina, at mukhang may balak kaming sundan ng anak ko. Salubong ang mga kilay nito ngayon habang dito nakatingin. Kitang-kita ko ang pagtatagis ng mga ngipin nito bago madilim ang mukha na tumalikod na sa amin.
At noong wala na si Zeph ay saka biglang parang magic na bumitiw si Bobbie kay Asher. Parang walang nangyari na lumayo ang bata sa kanya, at nanakbo upang magtago sa likod ko.
"L-Lai, who's that kid?" Halos hindi ko marinig ang boses ni Asher sa sobrang hina. Parang hindi na siya humihinga, habang hinihintay ang magiging sagot ko sa kanya.
Natigilan naman ako dahil may kakaibang emosyon akong nakikita sa mga mata niya. Parang takot, pag-aasam, pananabik. Ang cute. But what should I tell him?
Bumukas muli ang mga labi niya. "Lai, is that kid our..."
"Kay Renren," sagot ko bago pa siya makarating sa kung saan.
"Huh?"
Naramdaman ko ang paghila ni Bobbie sa akin. Nang yukuin ko upang silipin ay hindi pa rin nito inaalis ang suot na maskara, subalit alam ko na nakasimangot na ito. Naiinip na.
Hinarap ko muli si Asher. "Oo, kay Renren." Iyon lang sinabi ko, hindi naman na kailangang sabihin ang pangalan ng bata. "Pinaalagaan sa akin. May gagawin kasi siya. Kaya ipinasyal ko muna. Sige, una na kami."
Hawak-hawak ko sa kamay si Bobbie na iniwan na si Asher na nakatanga pa rin doon sa cashier, habang ang ibang customer na nakapila sa likod niya ay mga nayayamot na.
Nakalabas na kami ng department store kaya hindi ko na nakita pa ang pagdidilim ng ekspresyon sa mukha ni Asher.
Nang nakalayo na kaming mag-ina ay saka ako nagsalita sa mahina pero seryosong boses. "Why did you do that?"
Narinig ko ang mahinang hagikhik ng bata sa loob ng suot na Spongebob na maskara nito. "Why did you do that too pow?"
Ang itinatanong nito ay ang pagsabi ko na ang mama niya ay si Renren. With this kid's sharp memory and being quick-witted, no one could easily tell her true age. Lalo pa at malaking bulas na bata ito. Matangkad na parang nasa 4-5 years old na.
Yumuko ako sa harapan ni Bobbie upang magpantay kami, then gently removed the mask she was wearing. Her cute face was full of sweat, and her plump cheeks were flushed from being covered in the mask. Pinunasan ko ang pawis nito ng aking dalang panyo. Ngingiti-ngiti naman ito tila ba may ginawang nakakaaliw. Ang mga ngiping maliliit ay nakalitaw.
"What's funny?" Napabungisngis ito lalo nang mahinay kong kinurot ang kili-kili.
"I love youw, Mamaaa!" Yumakap na sa akin ang bata. Alam ko na kung bakit nito iyon ginawa, to show Zeph na meron kaming ibang kasama. Para ibangon ako sa mga pinagsasabi ng lalaking iyon. At para din magtigil na ito sa pangangarap nang gising.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...