Chapter 60

70.6K 3.9K 1.9K
                                    

BAGSAK KAMING DALAWA NI ASHER SA IBABA NG HAGDANAN!



Nakakapit pa siya sa bandang gitna, kaya nakabuwelo pa siya sa mismo naming pagbagsak, pero natuluyan pa rin kami sa lapag. Nakahiga siya habang ako ay yakap niya pa rin sa kanyang ibabaw. Napaungol siya, "Ah, pota..."


Nakangiwi ang mga labi nang idilat ang isang mga mata. Napakapa siya sa likod ng kanyang ulo. Wala namang dugo, matigas talaga ang bungo. Tiningnan niya ako. "Lai, 'you okay?"


Bumangon ako mula sa pagkakadapa sa kanya. Umupo ako sa kandungan niya at pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa akin maliban sa kaliwa kong braso. Na-sprain yata.


Yakap ako ni Asher nang mahigpit, ang isang malaking palad niya ay nakahawak sa ulo ko, bago kami nahulog, at siya ang nasa ilalim, kaya talagang kung may mapupuruhan sa amin ay hindi ako iyon.


Tumayo na ako nang tuluyan at kinapa ang switch ng ilaw. Ako naman ang napangiwi nang makita ang itsura niya sa liwanag habang nakatihaya siya sa lapag. Nakahubo pa pala kasi siya sa ibaba! Kaya para may naupuan ako na parang malamig na lamog na gulay!


Inayos ko muna ang sarili dahil sali-saliwa pa ang aking damit, lalo ang pang-itaas, pero sira na pala talaga ang kuwelyo ng shirt ko. Nahatak siguro kanina nang mahulog kami kaya nagkapunit. Hindi ko muna iyon inintindi, dahil sa gulat ko nang mapansin ang sentido ni Asher. Meron doong tumutulong dugo!


Kinapa niya iyon at muli siyang napangiwi. Nang maupo siya ay hawak-hawak niya pa rin iyon. "Tumama lang ito sa kanto," sabi niya kahit hindi naman ako nagtanong.


Nilapitan ko siya. "Kaya mong tumayo?" Kahit ang tanong ko dapat ay kung kilala niya pa ba ako. Malay ko ba kasi kung nagka-amnesia siya, di ba?


"Y-yeah." Tumingin siya sa akin, pagkuwa'y biglang nag-panic. "Ikaw? May masakit ba sa 'yo? Baka may sugat ka o pilay?!"


"Wala." Pero napaigik ako nang hawakan niya ako sa braso.


"Shit!" Hinagilap niya ang phone sa sahig. Nakita niya iyon sa di kalayuan, may basag ang gilid pero maliban doon ay mukhang okay pa naman.


May hinagilap siya sa contacts. Napamura ulit dahil siguro hinid sumasagot. Anong oras naman na kasi, baka tulog na ang tinatawagan niya. Sa pangatlong contact sa kanya may sumagot. Dahil malapit sa kanya ay naulinigan ko ang isang paos na boses na parang kagigisng lang dahil may paghingal pa.


[ Tangina naman, Asher! Dapat sleeping beauty na ako ngayon sa tabi ni Vivi, kaso istorbo ka, e! Ano ba kasi iyon?! ] Nabobosesan ko pa, boses iyon ng isa sa mga kaibigan niya na si Isaiah Gideon.


"Papi, emergency."


[ Emergency? ] Doon umayos ang boses ni Isaiah. [ Anong nangyari sa 'yo? Nasaan ka? Sinong kasama mo?! Mabubuhay ka pa naman ba?! ]


"Nandito ako sa Sunterra. Naaksidente kami ni Lai. Pasundo ng kotse mo rito, bilisan mo!" Sinabi niya ang block at lot dito.


Tapos na sila mag-usap nang mahimasmasan ako. Ano? Pasusundo siya rito sa kaibigan niya? At anong aksidente? Iyong pagkahulog namin sa hagdan?!


"Asher, okay lang ako. Hindi ko kailangan ang ospital. Ikaw na lang kung—"


"No. Hindi puwedeng hindi ka mapa-check. You have a sprain in your arm and we are not sure if that is your only injury. What if you have internal bleeding?"


Tumayo siya at parang nahilo-hilo pa dahil napahawak siya sa pader. Nag-alala naman ako dahil baka iyong pinagsasasabi niya ay sa kanya pala mangyari. Kahit matigas ang bungo niya, sanay siya sa basagan ng ulo, at sakit ng katawan noong high school, iba pa rin iyong mahulog ka sa hagdan.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon