Chapter 25

61K 3K 1.7K
                                    

HILA-HILA AKO NI ASHER PAPASOK SA BAHAY NILA.


It was dark but he didn't turn on the light. Gayunpaman, hindi niya binibitiwan ang kamay ko mula sa pagpasok sa gate, sa pinto, hanggang makarating kami sa hagdan. Inaalalayan niya ako dahil baka madulas ako o mabangga sa kung saan.


"Asher..." mahinang tawag ko sa kanya. Bigla kasi akong nag-alala. Baka may magising at makahuli sa amin.


Nilingon niya ako. "Tulog na lahat, maliban ke Kuya Abel na nasa galaan pa." Inalalayan niya ako sa hagdan. Marahan ang aming mga hakbang.


Asher immediately closed the door as we reached his room. He did not switch on the light, but that was alright because the lampshade was on. May pumaloob na init sa dibdib ko sa isiping pangalawang beses ko na itong nakatungtong sa kuwarto niya.


Hinarap niya ako at hinawakan ako sa aking magkabilang pisngi. "Okay ka lang?"


Tumango ako. Kahit sa malamlam na liwanag ay nakikita ko ang totoong concern sa mga mata niya.


"Gutom ka ba? Gusto mong canton?"


"Busog ako."


"Tubig na lang?"


"Gusto ko na lang matulog."


"Oks. Wait." Pinagpagan niya muna ang kanyang kama. Kumuha rin siya ng bagong kumot sa drawer para palitan iyong gamit na. Nag-spray pa siya ng alcohol sa paligid at nagpagpag pa ulit. Mga ilang ulit pa bago niya ako pinalapit.


Maliit lang iyong kama niya pero kakasya naman kami. Kaya lang, magtatabi ba talaga kami? Hindi siya ang inaalala ko, kundi ang sarili ko. Paano kapag hindi ako nakatiis at habang tuloy siya ay magapang ko siya bigla? Binatukan ko agad ang sarili sa naisip.


"Okay na, Lai. Higa ka na."


Dinampot ni Asher ang isang unan na ipinagtaka ko naman. Papunta na siya sa pinto nang pigilan ko siya sa pulso. "Saan ka pupunta?"


"Sa kuwarto ni Nanay. Doon muna ako."


"Ha? Kapag ginawa mo iyon ay mahahalata niya na may tao rito sa kuwarto mo."


"Hindi naman. Natabi naman talaga ko ke Nanay matulog minsan."


What? Hanggang ngayon ay tumatabi pa rin siya sa nanay niya?!


At bakit nga kailangan niya pang lumabas? Puwede naman siya sa lapag na lang kung talagang ayaw niya akong makatabi. Di ba ganoon naman dapat?


Napakamot naman siya ng hintuturo sa kanyang kaliwang kilay. "Ayoko matulog sa lapag kasi matigas. Di ako sanay. Alangan naman din na ikaw ang patulugin ko sa lapag, e di doon na nga lang muna ako ke Nanay."


"Puwede naman tayong magtabi sa kama," mahinang sabi ko.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon