AKO MUNA ANG BOSS SA ATING DALAWA.
Nang makawala ang aking isang kamay ay sinuntok ko si Asher, pero maagap na nasalo niya. "Nice try."
Binawi ko ang kamay ko. "Bakit mo ginagawa ito? Akala ko ba seaman ka? Change profession? Kidnapper ka na? Kriminal ka na ngayon?!"
"Hindi mo kailangang sumigaw, Lai," malumanay niyang sabi nang makitang labas na ang mga litid ko. "Sound proof itong kuwarto, walang makakarinig sa 'yo, at sasakit lang lalamunan mo. So just save your energy and speak calmly. Naririnig naman kita, e."
"Wala akong pakialam, gusto kitang sigawan!" Hinila ko siya sa shirt niya. "Paalisin mo ako rito! Ayaw ko rito! Anong karapatan mong ikulong ako?!"
"Di ba magkaibigan tayo?" nakangiwing sabi niya. Alam niyang pantanga ang sagutan niya.
"Kaibigan?!" Halos magtalsikan naman ang laway ko sa kanya. "Ginagago mo ba ako, ha?! Saan ka nakakita ng kaibigang ikinukulong?!"
Bumuga siya ng hangin. "You want an honest answer? Okay. Ito na iyong dulo ng pagtitimpi ko. Nasagad mo na ako. Kaya dito ka hanggang sa maalis na lahat ng hangin mo sa ulo. 'Wag kang mag-alala, kahit naman hindi maalis iyan, hindi pa rin kita susukuan."
Napasigaw ako nang kabigin niya ako sa bewang para kapkapan. Nang makuha niya ang phone ko ay ibinulsa niya iyon agad.
Lalo akong nanggalaiti. "Ano ba?! Ibalik mo sa akin iyan! Bakit mo kinuha ang cell phone ko?! Kidnapper, snatcher, swindler!"
"Hoy, anong swindler?!"
"Akina sabi ang cell phone ko!" Nakipag-agawan ako sa kanya para maabot ang bulsa niya, pero magaling siyang umiwas, kung anu-ano tuloy ang nadadakot ko.
Naitulak ni Asher ang ulo ko nang iba ang madakma ko na ang isa pa sa pinakaiiwas niya. "Hoy, manyak!"
"Akina kasi ang cell phone ko!"
"No! Hindi ka muna magse-cell phone hanggang hindi ka bumabait!"
Nang lumabas siya ay kandahabol ako, pero mabilis siya masyado. Nakalabas na agad siya at naisara ang pinto. At pesteng pinto ito, naka-smart lock pala! Buwiset! Buwiset na Asher!
Sinubukan kong pagpipindutin iyong smart lock pero nag-e-error dahil hindi ko naman alam ang code. Napasabunot ako sa aking buhok. Hindi puwede ito. Lumingap ako sa paligid. Maliban sa kama, mga unan, water dispenser, plastic cup, toiletries sa personal bathroom ay wala na akong ibang makita.
Ang kinaroroonan kong kuwarto ay katamtaman ang laki. May sariling banyo, may split type aircon, may water dispenser, may bintana na sliding window, kaya lang ay may takip na wall foam. Malamang din na naka-lock sa labas iyon. Parang movie room nila ito rito sa rooftop o guestroom.
Nagpalakad-lakad ako. Anong gagawin ko rito? Walang TV, wala ang cell phone ko, at wala akong magawa na kahit ano. Lumipas na ang mahigit isang oras, napaos na ako kasisigaw at kahahampas sa pinto nang wala namang tulong na dumarating. Nakadipa ako pahiga sa kama dahil sa pagod nang bumukas ang pinto. Bumalik na ang kriminal.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...