Chapter 35

58.1K 3.3K 1.3K
                                    

PARA KAY MAMA AT HINDI PARA SA AKIN.


Hanggang sa makaalis na ang owner na minamanahe ni Asher, ay hindi na siya lumingon. Kahit sa rearview mirror ay hindi siya nag-abalang tumingin pa. Yeah, I knew that. Alam ko naman. Wala rin naman akong inaasahan.


May past sila ni Mama bilang hilaw na ex-mag-biyenan dati, kaya normal lang na concerned siya. At isa pa, ilang beses siyang nakikain dito sa amin. Minsan mula almusal hanggang hapunan pa. Kaya normal lang talaga na isang chat ko lang tungkol kay Mama, liliparin na agad niya papunta rito mula sa kanila sa Buenavista.


Nagkibit-balikat ako at pumasok na ulit sa bahay. Kinabukasan ay bumalik na rin ang kasambahay na si Ate Tentay. Kahit paano ay napanatag na akong pumasok sa trabaho dahil may kasama na si Mama pag-iwan ko rito.


Nagbilin ako kay Ate Tentay. Tungkol sa mga gamot, gamit, at pagkain. Lumalala na kasi ang kalagayan ni Mama, hindi na talaga dapat ito inaalisan ng tingin. I also repeated that the humidifier should always be turned on when Mama was in the room.


Papasok pa lang ako ay para na akong pauwi sa amin. Amoy-pawis na agad. My make-up had been smudged, my hair was greasy from sweat and dust, and my clothes were wrinkled from moving around the house before leaving. The only good thing was that I wasn't late for work.


I performed well in the office today even though I was always worrying about Mama. Kapag may pagkakataon ay pumupunta ako sa banyo para i-text si Ate Tentay at mangumusta sa bahay.


Sa breaktime ay ka-video call ko si Mama sa tulong ni Ate Tentay. [ Anong oras na naman uwian mo, Laila? Aba, hindi ka pa college ay ginagabi ka na! ]


"Ma, nasa work po ako," malambing na pagpapaalala ko naman sa kanya. "Ma, hindi na po ako pumapasok sa eskwela, di ba po?"


[ Ang boyfriend mo, parang hindi na naman nagpupunta rito? Ano ang nangyayari, Laila? ] malayong tanong ni Mama.


Tumabingi ang aking ngiti sa pagbanggit niya ng tungkol sa 'boyfriend' ko. Bakit ba hindi umuubra ang power of kalimot ni Mama sa semi calbo na iyon?


Mahinahon ako na nagsalita ulit. "Ma, kapupunta niya lang po noong nakaraan. Siya po ang tumulong sa atin para madala kayo sa ospital."


[ Papuntahin mo siya rito sa Sabado. Magluluto ako ng meryenda, spaghetti. ] Napakamot si Mama sa ulo niya. [ Ay, teka! Paano nga ba lutuan ang spaghetti? Ginagamitan nga ba iyon ng gulaman? ]


Mahapdi ang puso na sinikap ko pa ring manatiling nakangiti. "Ma, kung gusto niyo po ng spaghetti ay ako na lang po ang magluluto para sa inyo..."


[ Tama, lutuan mo si Tutoy! Pansin ko ay parang may hindi kayo pagkakaunawaan. Kapag hindi ka nakatingin ay titig na titig sa 'yo. Pero pag nag-iiwas ng paningin kapag nakatingin ka na! ]


Ha? I was startled for a second. I might believe what she was saying was true if only Mama wasn't in this state. Pero alam ko naman sa sarili na hindi.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon