DITO NA RIN AKO SA 'YO TITIRA.
Kalmado na tumingin si Rio sa suot na wristwatch. "It's my daughter's birthday. Ilang oras na lang matatapos na. But, it's okay. We can celebrate her birthday tomorrow. Parang noong nasa abroad ako, di ba late din doon ang oras ko."
Si Asher na kahit karga ang natutulog na si Bobbie ay hindi na nakapagtimpi. "Who the hell is your daughter here?!"
Kalmado pa rin si Rio nang tingnan siya. "Who the hell else? Alangan naman si Lai? O gusto mo, ikaw?"
"Tumigil kayo. Naririnig kayo ng mga kapitbahay." Pumagitna na ako hindi lang dahil baka makaeskandalo kami rito, kundi dahil naririndi na ako sa kanila. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga.
Binuksan ko ang gate. Nauna akong pumasok sa loob pero ramdam ko ang tensyon sa akin likuran. Sa loob ng bahay ay inilapag ko ang ilang gamit at paper bag na dala-dala. Sandali lang ay nasa loob na rin ang dalawang lalaki. Si Rio ay bitbit ang maleta niya na naupo sa sofa.
"I can sleep here on the couch."
Tamad ko siyang tiningnan. "Okay lang sa inyong dalawa na magkapatong kayo?"
Umabante si Asher. "I can sleep in the room. Sanay naman na si Bobbie na katabi ako. Pag nagna-nap siya ay magkatabi kami sa hapon."
Bago pa may masabi si Rio ay tinakpan ko na agad ng kamay ko ang bibig niya. Sinenyasan ko naman si Asher na dalhin muna ang karga na si Bobbie sa kuwarto, dahil baka sa ingay nila ay magising pa ito.
Habang nasa itaas si Asher ay hinarap ko si Rio. Para namang maamong tupa ang lalaki na nakatingala sa akin. Hinuli niya pa ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. "Lai, can't you see? I am also here to protect you. Nag-aalala ako na may ibang lalaki rito na kasama kayo ni Bobbie!"
"Do you think I can't protect myself and Bobbie?"
Napalis ang ngiti ni Rio. "No! H-hindi sa ganoon! Hindi kita kinukuwestiyon! Ang akin lang, nag-aalala ako dahil mamaya kung ano pa ang gawin niya sa inyo!"
Idinikit niya ang makinis na pisngi sa palad ko habang namumungay sa akin ang kanyang mga mata. "You still like me more than you like him, right? His era is over, and I am now more useful than him."
Hinila niya ang kamay ko sanhi upang mapalapit ako sa kanya. Niyakap niya ako sa bewang saka isinubsob ang mukha sa aking tiyan. Lumayo naman ako at iyon na rin ang pagbaba ni Asher mula sa hagdan.
"Okay, para walang gulo, ayusin niyo bukas iyong kabilang kuwarto. Doon kayo." May kurtina doon, puwede nilang gawing harang para talagang hindi sila magkita. Isipin na lang nilang nasa magkaibang planeta silang dalawa.
Sakto na pagbaba ni Asher nang marinig niya ang sinabi ko. Naihatid niya na sa itaas si Bobbie. "What? Iisang kuwarto lang kami?!"
"Oo, unless may isang gusto rito sa sofa."
Itinuro niya si Rio. "Bakit hindi na lang siya, at ako ang sa kuwarto!"
Hindi naman nagpapatalo ang isa. Mabangis na naman. "Why should I do that? How about you, huh? Don't you have a house? Why are you here? Nakikisiksik ka pa rito! Why not go home at bumalik ka na lang sa isang taon?!"
"Malayo ang sa amin."
"You live in Buenavista. One tricycle ride from here. Saan doon malayo?"
Napa-tsk si Asher. "Bakit mo alam? Ini-stalk mo ba ako?!"
Lumikot naman ang mga mata ni Rio. "I just guessed that you live there, and it just so happened that my guess was right."
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...