6 MONTHS.
Malaki na ang tiyan ko. Halatang-halata na. Bilog na bilog na. Nararamdaman ko na rin iyong pagkilos ng munting buhay sa loob. Wala pa nga lang may alam ng gender. Ayaw ko pang alamin. Kahit ano naman, okay lang sa akin. At alam kong okay lang din sa kanya.
I opened the curtain of the room I was in. The real owner of this room was not here. He was no longer here.
Minsan tumatawag, madalas sa umaga kaya lahat kami ay nakakausap siya, tapos wala na ulit. Bihira din mag-online. Kahit ganoon, hindi ko nakakalimutang mag-chat. Mangumusta. Sabihan siya na palaging mag-iingat. Sinasagot niya naman minsan. Sagot lang din na katulad ng chat ko. Na kung kumusta na ba ako, kami, at si baby. Tapos mag-iingat din kami. Ganoon. Pagkatapos ay wala na ulit.
Now, I realized that he never actually said goodbye when he left. Katulad nang dati, umalis lang siya ulit. Iniwan ako ulit. Kahit pa alam ko ngayon ang pag-alis niya, hindi kami nakapag-usap man lang muna. Hindi talaga siya sa akin nakapagpaalam.
We were both silent the entire night while his mother and I helped him pack. Ang halos na nagsasalita lang ay ang nanay niya na maraming bilin at pangaral sa kanya, habang kaming dalawa ay kapwa lang tulala.
On my part, I was afraid to hear anything he could say. Ang nasa isip ko ay at least, wala siyang uuwiang iba kundi dito lang. Sa parte naman niya, windang pa rin siya dahil sa huling oras niya pa nalaman ang tungkol sa pagkawala ng kakambal ni Bobbie. Ni wala na siyang oras para magluksa pa, kasi aalis na agad siya. Tulala lang siya hanggang sa nag-umaga na.
Nagising na lang ang diwa ko noong talagang alam ko na wala na siya. It seemed like all of my emotions—including my fears—came back, and anxiousness struck me.
This time, though, I wasn't alone because there were people who were by my side, supporting me and never leaving me behind.
Si Ason Agoncillo Prudente na kahit palaging naka-max volume ang boses ay inaalala ako lagi. Akala ko ay maiirita ako sa pagiging masalita, pagkapala-desisyon, at pangingialam nito sa akin, pero ayos lang pala. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nakakapagpahinga ang utak ko. Hindi ko kailangang mag-isip, aasa na lang ako, at maghihintay. And it felt good, surprisingly.
As much as I enjoyed the nosiness of Asher's mother, ay nae-enjoy ko rin ang pagiging tahimik ng tatay niya na parang display lang ito minsan sa bahay, ang pagna-nag sa akin ng aking tiyahin, ang ingay ng mga bata sa paligid, lalo ang paglabas ng kakulitan ni Bobbie, at kahit ang kawalang paki ni Amos sa tuwing nagkakasalubong kami nito. It still felt surreal, but I thoroughly enjoyed being a part of this big chaotic, loving family.
Ito ang pinag-iwanan ni Asher sa akin, dito niya kami pinagkatiwala ni Bobbie, at dito kami. Dito rin namin hihintayin ang kanyang pag-uwi.
I picked up the photo frame of his college graduation. He was wearing his immaculate white maritime uniform here, and he looked so neat and elegant in it. He also had his pershing cap on his head. Pormal na pormal na sana kundi lang sa klase ng ngiti ng mapupula niyang mga labi. May kung ano roon na parang kikiliti sa imahinasyon mo.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...