YOU HATE ME FOR REASONS I CAN NOT UNDERSTAND.
Matagal na nakahinang ang mga mata namin ni Asher sa isa't isa. Ang mga titig niya ay mapupungay, may kung anong lambong doon, may tila hinihintay.
Nginitian ko siya. "Do you think I hate you?"
Hindi siya makasagot. Nakatingin pa rin sa akin, like he was saying na ako ang mas higit na nakakaalam, dahil kung siya ang tatanungin ay wala siyang alam. Gustong magtagis ng mga ngipin ko sa harapan niya, pero pinili ko na manatiling nakangiti.
"Do you really know me?" I let out those words in a normal tone.
Umawang naman sa akin ang mga labi niya.
"Do you think you'll be able to breathe well in front of me if I hate you?"
Dinampot ko ang baso na nakapatong sa center table, iyong babasaging baso na pinag-inuman niya kanina, at nilaro iyon sa kamay ko. Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya, na sanhi ng aking pagngiti.
"And do you really believe na habang galit ako sa 'yo ay hahayaan kitang relaxed na maupo riyan sa sofa ko, na naka-electric fan pa, at pagkatapos ng lahat ng ito ay uuwi ka nang payapa?"
"But you didn't answer my question, Lai."
Tumamis ang ngiti ko sa kanya. "Pero sa tingin ko ay nasagot ko na."
Yumuko siya ulit. Nang mag-angat ulit ng mukha ay burado na ang kapungayan ng kanyang mga mata. "Was it hard?"
"Ha?" Ano ba iyong tanong niya?
"Your work, I mean. Katatapos mo lang kamo ng trabaho mo kanina bago pagdating ko."
"May madali ba?" Meron namang madali na trabaho, pero matatawag ba iyong trabaho? Kaya nga trabaho, kasi iyon ang bagay na pinaghihirapan mo para kumita at makapag-provide ng isang tao.
Hindi naman na nagsalita si Asher. No follow up question na sa trabaho ko, o kung anong klase ng trabaho meron ako.
Mga ilang minuto pa siya na nag-stay, habang nakaupo lang sa sofa. Nakasandal sa sandalan at nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung saan siya galing, kung pagod ba siya, o kung kulang ba ang tulog niya, pero hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya na ganoon habang malaya ako na pinagmamasdan siya.
Nang magmulat siya ng mga mata ay hindi ko masabi kung nakatulog ba siya. Hindi siya sa akin nakatingin nang tumayo. Hinihintay ko siya na magsalita para magpaalam na, pero parang wala siyang mailabas na boses.
Nilapitan ko siya para ihatid sa pinto, nang hawakan niya ako bigla sa pulso. Napatingala ako sa kanya. "Asher."
Hindi siya sa akin nakatingin nang hilahin niya ako. Inikot niya ang braso ko sa bewang niya. Sa kanang gilid niya. Dahil sa gulat ay natulala ako. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya rin pati ang kabila kong braso. Inilagay niya naman iyon paikot sa kaliwang bahagi ng bewang niya, hanggang sa parang nakayakap na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...