"IT WAS ENTIRELY MY OWN DOING."
My eyes welled up with tears as I looked up at Asher, and he bent down to dry my tears with his gentle kisses.
"Nagulat ka ba, Lai?" masuyong tanong niya habang hinahalikan ang balat ko. "'Wag ka munang masyadong magulat."
I was about to push him again when he grabbed my wrists and locked them tightly in his hands. He kept showering my cheeks with kisses, which continued to be wet with my tears.
Nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko ay napatitig na lamang ako sa kisame ng kuwarto. Ang mga sinabi niya ay ginugulo ang utak ko. Oh, right. He wanted to confuse me that was why he lied. He wanted to trick me.
Hindi niya ako maloloko dahil mas alam ko ang totoo. Alam ko na ako ang unang lumapit sa kanya noon. Alam kong hindi siya sa akin tumitingin kahit kailan. Alam ko ang bawat kilos at galaw niya, ang lahat ng nangyayari sa kanya, at minsan ay kahit iyong mangyayari pa lang!
Itinulak ko siya kahit ang hirap dahil mas malakas siya. Nagsumikap akong makawala sa kanya. Pumalatak siya.
Nang makawala ay lumayo ako sa kanya. "Hindi mo ako maloloko!"
Sa gulat ko ay ngumiti lang siya nang matamis. "Sure."
Sinamantala ko na nakawala na ako sa kanya. Nanakbo naman na ako palabas ng kuwarto. Hindi naman niya ako hinabol. Pinuntahan ko si Bobbie kay Tita Judy. Doon ako naglagi. Quarter to 6:00 p.m. nang magsibaba na kami.
Si Aling Ason ang nagluto ng dinner namin. Ginataang tulingan ang ulam at panghimagas ay mango tapioca na ginawa nito kanina. Sa mga bata naman ay tortang talong na may ground beef. Pagbaba namin ay luto na lahat.
Kami na lang ni Tita Judy ang naghain sa hapag. Si Asher ay pinauna nang pakainin si Bobbie at ang kambal sa center table sa sala. Pagkakain ng mga ito ay pinanood muna ng TV, habang kami namang matatanda ang kakain na sa mesa.
Sa mahabang mesa ng mga Prudente ay naririto kami. Si Mang Jacobo, Si Aling Ason, Si Tita Judy, si Amos, si Asher at ako. Buhay na buhay ang hapag-kainan. Makalansing ang mga kutsara sa babasaging plato habang kumakain, at maraming kuwento si Aling Ason tungkol sa mga amiga nito, at puro tango naman ang good listener na si Mang Jacobo.
Kung saan-saan napunta ang kuwento hanggang sa makarating tungkol sa side ni Mang Jacobo. Ngayon ko lang nalaman na may kambal pala ito. Babae. Maaga lang kinuha. Teenager pa lang daw nang mabangga ang school service na sinasakyan.
"Umasa rin ako na magkaroon ng kambal na anak, para sana isang irihan na lang," ani Aling Ason. Sa amin na nakatingin ni Tita Judy. Si Amos naman ay tahimik lang, mukhang sawa na sa kuwentong paulit-ulit na siguro nitong naririnig.
"Hindi man tayo napagbigyan, sulit ka rin naman dahil nakaapat ka sa akin, Ason!" nakangising sabi ni Mang Jacobo.
"Puro naman barakong matitigas ang ulo!" ismid ni Aling Ason.
May balak din pala noon sila na maghabol pa ng babae, kaya lang ay nagkaproblema raw si Aling Ason sa pagluwal sa bunso. Nag-fifty-fifty ito. Nang maka-recover ay talagang nangako ang mag-asawa na hindi na iisa pa. Si Mang Jacobo na mismo ang kusang nagpa-vasectomy para sa asawa nito.
Inabot ni Mang Jacobo ang tagiliran ng asawa upang sundutin. "Okay lang, ang popogi naman ng mga barako natin, sweetheart! Halatang mahal na mahal mo ako, kaya lahat kamukha ko!"
Noong umpisa ay masungit pa si Aling Ason sa asawa, kalaunan ay may paghampas na. Nagsusubuan na ng panghimagas na mango tapioca.
Pagtingin ko kay Asher ay ngumiti siya sa akin. Mahinang bumulong. "To have a child with the person you love, what could be a greater joy than that?"
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...