Chapter 63

56.7K 2.7K 1.3K
                                    

Replaced with edited chapter. We had to omit some scenes that contain major spoilers. Thanks for understanding. -G

----------------

I DON'T LOVE YOU ANYMORE.



Ang dilim ng paligid ay walang sinabi dahil kitang-kita ko pa rin kung paano mamutla ang mukha niya. Ang mukha na halos sambahin ko noon, na kulang na lang ay gawin kong relihiyon.


Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi. "Asher, wala na akong pakialam kung sino man ang may mali sa atin, basta ang alam ko, hindi na kita mahal."


Kasabay ng kanyang pamumutla ay ang pagguhit ng hindi matatawarang sakit sa mga mata niya.


"And, about Bobbie... You don't have to feel guilty. It was all my choice anyway."


Nang bitiwan ko siya ay napayuko siya. Walang kakilos-kilos, walang pakialam kahit pa nakababa pa rin ngayon ang suot niyang boxer shorts, iyong bahagi niya sa ibaba ay wala ring kasing lungkot. Yet, it was still scary.


Tapos na kami niyong magtuos kaya tumalikod na ako. Iniwan ko na siyang mag-isa sa kusina. Sa hagdan ay naulinigan ko pa ang marahas na paghingal niya, pero hindi na para aking lingunin pa siya.





TUMITINGIN SIYA PERO HINDI NAGSASALITA.


Pagbaba namin ni Bobbie noong umaga ay si Asher ang nasa sala dahil naliligo si Rio. Nagpapagpag siya ng sofa. Bagong paligo rin siya, nasasamyo ko pa ang gamit niyang men's shampoo. Nakalugay ang may kahabaang buhok na wolfcut, ang suot niya ay plain white shirt, plain black jersey shorts, at iyong isa sa mga spare house slippers ko. 


"Good mowning, babyyy!"


Kinuha niya sa akin si Bobbie. Ibinigay ko naman sa kanya, pero hindi ako sa kanya tumitingin. Magkalapit ang mga mukha namin dahil nakayuko siya sa akin. Nang makuha niya na ay lumayo na ako.


Lumabas na rin si Rio ng banyo. Bagong paligo, shirt na plain cream at grey na cargo shorts ang suot, nakayapak lang ang mahahabang mga paa, at bahagyang tumutulo pa ang buhok na kinukuskos niya ng hawak na puting tuwalya. Napakunot noo lang ako dahil magkaamoy sila ni Asher ng shampoo. Share ba sila?


Kami naman ni Bobbie ang sumunod na gumamit ng banyo. Napakalinis sa loob. Parang pati mga tiles sa pader at iyong kisame ay kinuskos ng mop. Iyong exhaust fan na hindi ko abot kaya hindi ko malinisan ay ngayo'y tila bago. Wala na maski kapiranggot na alikabok. Ang bangu-bango pa dahil bukod sa may diffuser ay meron pang dried flowers.


Hindi lang sa banyo ang malinis. Pati ang buong bahay ko. At katulad kahapon, hindi ko na rin problema pa ang kakainin. Paglabas namin ni Bobbie sa banyo ay may nakahanda na sa mesang pagkain. Ultimo plato, kutsara, tinidor, at baso ay naroon na rin. Uupo na lang ako.



Kung may nakakaasar lang dito sa mga boarders ko ay iyong nagsisikap naman sila, ang kaso ay hidni talaga sila perpekto. Pareho ba naman kasi silang prinsipe sa mga bahay nila, kaya talagang pag kumilos ay may mga kapalpakan pa rin talaga.


Katulad ngayon. Ininit ni Rio sa microwave iyong natirang ulam kagabi. Okay na sana, ang kaso lang ay isinama niya sa mangkok iyong stainless kong sandok. Umusok tuloy ang microwave at muntik nang pumutok. Nakarga agad ni Asher si Bobbie at nahila ako sa kaliwa kong pulso palayo.


Nahugot naman agad ni Rio sa saksakan ang microwave, kaya hindi natuloy ang pagputok, pero iyong gigil ni Asher sa kanya ay parang gusto na siyang bigyan ng mag-asawang suntok. Pagkababa niya kay Bobbie ay sinugod niya si Rio sa kusina. "Magpapakamatay ka ba?!"


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon