Chapter 23

60.8K 3.3K 1.4K
                                    

KALMADO SI ASHER.


Kalmado nga ba talaga? Hindi ako sigurado. Basta buong biyahe ay payapa ang paghinga niya. Wala ring kahit anong bayolenteng reaksyon, subalit tahimik siya at hindi nagsasalita. Hindi ko tuloy masabi kung ano ang nararamdaman niya.


Kapag nagtatama ang aming mga mata sa nasa unahang salamin ng tricycle ay ngingitian niya ako. Nakangiti pero may kung anong dilim sa mga mata. I got it. He was controlling his emotions.


Sa gate kami bumaba at magkahawak-kamay na lang na naglakad papasok ng subdivision. Paliko na kami nang matanaw ko ang sedan ng mga Estrada. Hindi iyon dala ni Rio. Si Tita Rica ang bumaba mula sa driver's seat. 


Kahit madilim ay alam kong nakasimangot ito. Dinig mula rito ang boses nito nang magsalita. "What is happening with you, Rio Theodore? Kung 'di pa nag-text si Madi ay hindi ko pa malalamang nandito ka sa labas ng bahay nila!"


Hinablot ko agad ang braso ni Asher at hinila siya palayo. Hindi ko inaasahan na magigising si Mama at iti-text ang mommy ni Rio. Baka ano pa ang masabi ni Tita Rica kapag nakita ako nito. Mukha ring kapag nakita ako ni Rio ay magmamatigas pang umuwi ito. Ang ma-stress si Mama ang pinakainiiwasan ko.


Nang makalayo kami ni Asher ay saka ko siya hinarap. Wala siyang pagtatanong o pagtataka man lang sa ekspresyon. Parang susunod lang siya sa akin kung ano man ang aking desisyon. Nagpaliwanag pa rin ako, "Iyong bumaba sa vios ay tita ko sa side ni Papa. Ayaw sa amin niyon ni Mama. Baka lang kapag makita ka ay may masabi pang di maganda."


Ngumiti si Asher. "Okay."


Nang dumaan ang sasakyan ng mga Estrada ay hinila ko si Asher sa gilid ng katabi naming mga halaman. Sumunod naman siya ulit sa akin nang walang reklamo. Nagtago kami roon upang hindi kami makita. Nang tingalain ko siya ay ngumiti siya sa akin.


Mga ilang minuto ang nagdaan nang may pumatak mula sa madilim na kalangitan. Umaambon at mukhang mauuwi pa sa pag-ulan. Hila-hila ko na naman si Asher sa pulso niya pabalik sa bahay namin. Nakangiti at walang reklamo pa rin naman siyang sumunod sa akin.


1:00 a.m. na. Madalang na sa ganitong oras ang dumaraan sa kalsadang pamasadang jeep, lalo ang mga tricycle. Puwede namang maghintay si Asher ng masasakyan kaya lang ay mababasa siya ng ulan. Pasisilungin ko muna siya sa amin.


Pagdating namin ay patay na ang lahat ng ilaw sa bahay. Umakyat na ulit si Mama sa kuwarto nito at malamang na tulog na. Ang akala siguro nito ay tulog na ako sa aking kuwarto, kaya dahan-dahan ang pagbukas ko ng pinto para hindi makagawa ng ingay.


Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay hindi pa nabubuksan ang ilaw na yumakap agad ako kay Asher. Nagulat pa siya pero sandali lang. Nang tumingala ako ay yumuko na rin siya agad para magdampi ang mga labi namin sa isa't isa.


Mapusok siya laging humalik pero parang mas mapusok pa ngayon. Through this, he released his suppressed feelings. Walang kahit katiting na kainosentehan sa mga mata niya nang sandali siyang dumilat. Kahit sa dilim at kapirasong liwanag ay purong mapang-angkin ang emosyon doon na masisinag.


He was also more aggressive. His burning kisses fell on my neck causing me to lean against the closed door.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon