Chapter 28

53.5K 2.8K 1.2K
                                    

BAHALA KA.


Kahit iyon ang dapat ko talagang marinig ay ang sakit pa rin pala. Mabigat ang dibdib na humakbang ako para mauna na siyang makasakay ng jeep. Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang bigla siyang magsalita. "Ano, ganoon na lang ba talaga?"


Hinuli niya ang pulso ko dahilan para gulat ako mapalingon ulit sa kanya. "A-Asher..."


Mas higit na seryoso ngayon at may talim na ang mga mata niya. "Ganoon na lang? Aalis ka na lang?"


Napatanga ako sa kanya kasabay nag pangingilid ng mga luha ko. "P-pero akala ko..."


"Bahala ka sa gusto mo, pero bahala rin ako ako sa gusto ko. At ang sagot ko riyan sa desiyon mo ay: AYOKO."


Napahikbi na ako.


"Nagtatampo ako sa 'yo, 'tapos ganyan iyong solusyon mo? Susukuan mo na lang ako? Nananahimik ako, ginulo mo ako. Tinuruan mo akong mabaliw sa 'yo, 'tapos ngayon ay aayaw ka na? Feeling mo naman papayagan kita? Nakalimutan mo na ba iyong sinabi ko sa 'yo noon? Hindi kita pakakawalan, kahit magwala ka pa sa kalsada. Asa ka!"


Kumawala na ang mga luha ko. "Asher, uwaaa sorry...!"


Doon na siya ngumiti at kinabig ako sa kanyang dibdib. "Tahan na, hindi naman talaga ako galit. Gusto ko lang na pag-usapan natin ito. "


Lalo na akong napaatungal ng iyak. "Asher, sorry... Waaa, sorryyy...!"


Mahinang kinaltukan niya ako sa ulo. "Sira ka, ayaw mo rin naman pala. Tapos iiyak-iyak ka riyan."


Sumisinghot at humihikbi ako na tumingala sa kanya. "A-ayos lang sa 'yo kahit ang gulo-gulo ko?"


"Okay lang, magulo rin naman ako."


Lalo akong napahikbi. Sargo na ang luha ko. "Sinasaktan kita, sabi mo. Narinig ko na sumbong mo sa nanay mo."


"Nagtatampo nga kasi ako, pero ayaw ko pa ring makipaghiwalay."


"Ang dami kong kasalanan..."


"Okay lang. Basta mag-sorry ka na lang."


"Sorry..."


"Sorry pala para saan? Sa pagtatangka mong makipaghiwalay o sa ginawa mong pangmomolestiya sa akin kagabi?"


Kinurot ko siya sa makinis niyang pisngi. Pero ang puso ko na kanina'y tila babagsak na, ay ngayo'y kahit paano'y marked safe na uli. Akala ko talaga wala na, akala ko katapusan na. 


Tatawa-tawang inakbayan naman ako ni Asher. "Gutom na ako. May two hundred pa ko rito, tara kain tayo."


Sa may gotohan kami sa Sunny Brooke 1 pumunta. Fifty lang per order ng goto. Sa softdrinks naman ay maghahati na lang kami. While waiting for our order I found myself confessing everything to Asher. Ang sekreto nina Mama at Papa na alam na rin naman na ng iba, ang tungkol sa pagiging ampon ko. Ayaw ko nang ilihim pa iyon sa kanya. Alam kong medyo huli na, pero deserve niyang malaman dahil boyfriend ko siya.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon