WARM AND HARMONIOUS.
Madalas magulo, maingay, pero totoo. Ganito ang pamilyang ito. Malalaman mo agad kung ayaw ka, o gusto, dahil walang pagpapanggap o pagpapakitang tao.
Si Aling Ason ay nakabungisngis pa rin habang nagre-reply sa mga comment ng post nito. Nang makitang pababa sina Aram at Amos sa hagdan ay saka napasimangot. "Hoy, kayo! Nakikita niyo ito?" Ihinarap niya sa dalawa ang hawak na ultrasound ko. "Tagdalawa na ang kuya niyo at bunso!"
Si Mang Jacobo ay sumingit. "Sweetheart, 'wag mong madaliin ang aking mga barako. Baka naman kasi hindi pa natatagpuan ang magpapatibok sa kanilang mga puso."
"Puso?" pasinghal na gagad ni Aling Ason. "Asan ang puso ng mga iyan?! Ako na nagluwal sa kanila ay hindi man lang malambing ng mga barakong iyan! Inuuwian lang ako rito dahil may mga kailangan!"
Si Amos ay napatirik na lang ng mga mata sa suot na specs nito. Sanay na pero nai-stress pa rin sa ina. Naduro tuloy siya.
"O di ba't totoo naman?! Itong si Amos ay kaya nandito pa rin kasi alam niyang gugutumin siya kapag bumukod na siya, dahil hindi siya marunong magluto! Hindi rin marunong maghugas ng pinagkainan! At hindi rin marunong maglaba ng pinaghubaran niya! Hanggang ngayon ay puro nanay pa rin, pero wala namang kalambing-lambing!"
Dinuro na sumunod ni Aling Ason si Aram na tayo-tayo pa ang buhok dahil halatang kababangon lang. "Ito namang Aram na ito, isa ring walang kuwentang anak! Nagbibigay nga ng pera pero wala ring kalambing-lambing sa katawan! Pag nauwi ay mas gusto pang mag-inom at magkulong sa kuwarto niya!"
"'Nay, puso mo." Niyakap ni Asher si Aling Ason. "Saka, dapat happy ka ngayon di ba kasi madadagdagan na ang apo mo?"
Lumabi naman si Aling Ason at gumanti ng yakap sa bunso nito. "Hay naku, mabuti na lang at naririto ang aking bunso. Ang kaso, sasampa ka na naman sa barko. Mami-miss ka ng nanay."
Si Aram na dumaan sa gilid ko ay hindi nakaligtas sa akin ang sinabi. "Sipsip gago."
Ngingisi-ngisi lang naman si Asher nang bumalik sa akin. "Gutom ka na?"
"Nagluto na ako!" ani Aling Ason. "May ulam na riyan, pero baka may ibang gusto si Laila?! Hindi ba't ganyang unang buwan ay maselan sa pagkain iyan? Bunso, tanungin mo kung ano ang gusto!"
"Okay lang po kahit ano," magalang na sagot ko. Nilapitan ko si Aling Ason at hinimas ito sa braso. "Kahit naman ano pong ulam iyan ay siguradong masarap, dahil luto niyo."
Si Tita Judy ay nasamid kahit walang laman ang bibig. Ngingiti-ngiti lang naman ako. Bakit, threatened ba siya? Aba, e di galingan din niya!
"Tulungan ko na po kayo maghanda," malambing na sabi ko kay Aling Ason. Kung meron akong dapat gawing kakampi sa pamamahay na ito ay iyong dapat pinakamalakas.
Si Aling Ason naman ay tila kinilig. Kumindat pa ito kay Asher at pasimpleng nag-thumbs up, pero kita ko naman, kunwari na lang hindi.
Magkakaharap kami sa mahabang mesa para sa tanghalian. Ang padre de familia na si Mang Jacobo na nasa kabisera ng mesa, sa kaliwa nito ay si Aling Ason, si Aram, si Asher, at ako. Sa kabilang gilid naman nito na kaharap namin ay si Amos, si Bobbie, ang kambal na sina Adam at Atlas, at si Tita Judy.
Ang ulam ay monggo at pritong galunggong, luto ni Aling Ason. May saging, pakwan, at mangga na panghimagas. A-atake na si Mang Jacobo nang tumikhim ang pangatlong barako nito na si Amos. Yumuko ito na ibig sabihin ay magdasal muna.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...