"BAKIT NANDITO KA?"
Standing in front of me was the Valmorida's matriarch. Ang mama ni Papa. Lola ko at ang tawag dito ng aking mga pinsan ay Mamila. Malaking babae, puti na ang mga buhok, at pustoryosa, at matapang ang mukha.
I was about to show her my medal when a door suddely opened behind us. Doon ay lumabas ang dalawang bata na hindi nalalayo sa edad ko.
"Mamala!" the two called her.
At mula sa matatalim na tingin ni Mamala sa akin kanina ay napuno ng fondness ang mga mata nito.
"Ang ganda naman ng apo ko," masayang sabi nito habang yakap ang batang babae na naka-pink mula ulo hanggang paa. Pinsan ko, si Renren. Kahit walang medal ay ayos lang dahil malambing ito at maganda.
Ang kuya ni Renren na si Rio ay may medal din katulad ko. Nang makita iyon ni Mamala ay tuwang-tuwa ito at pinaghahalikan ang batang lalaki sa ulo.
May mga bumukas pang mga pinto, at mula sa mga iyon ay naglabasan ang mga pamilyar na mukha. Mga kapatid ni Papa. Sina Tita Rica, Tito Geroy, at Tita Tootsie. Lahat pinupuri ang magkapatid na sina Renren at Rio.
Looking at them, I realized something. I wanted praises too. I wanted the same attention they were giving to my cousins.
Palapit ako sa kanila para ipakita rin ang medal ko, kaya lang ay nagsarado ang mga pinto. Dumilim ang paligid ko.
Just when I started to feel anxious, another door opened. Inside, I saw a woman sitting on the edge of the bed. Sabik akong lumapit nang makilala siya. Si Madeth Enfante-Valmorida. Si Mama!
When I got close, I noticed a box in her hands. Iyon iyong kahon na laging yakap-yakap niya. Gusto kong malaman ang laman ng kahon. Puwede ko kayang itanong?
Mama didn't have that gentle smile when she finally looked at me. Instead, her eyes were serious, as if she wasn't happy that I was here.
Bumukas ang nanunuyong mga labi niya. "Laila, sinabi ko na wag ka munang papasok dito, di ba? Lumabas ka! Doon ka muna!"
The door closed and another one opened. May mesa at doon ay malungkot na nakayuko si Guillermo Valmorida. Ang aking Papa Gil.
"Papa, may medal po ako."
Mula sa pagkakayuko ay tumingin ang malungkot nitong mga mata sa akin. At ang pinto na sumara kanina ay bumukas muli. Lumabas si Mama na ngayon ay may mga ngiti na sa mga labi.
Kinuha nila ang medal ko habang parehong maaliwalas na ang kanilang mga mukha. "Narinig mo? May medal ang anak natin. Mabuting bata, malambing, at matalino pa. Napakasuwerte natin."
My chest, which earlier felt empty, was now filled with warmth. Malawak ako na sa kanila ay ngumiti.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...