Chapter 13

69.2K 3.5K 1K
                                    

MAGKADAOP ANG MGA PALAD NAMIN.


Nauuna ako kanina pero ngayon ay sabay na kami ni Asher. Marami-rami kaming kasabay na napapatingin sa amin, na hindi rin naman nagtatagal. Marami naman kasi ang mga naglalakad din na magkakahawak-kamay.


Sa panahong ito ng mga katulad naming kabataan, ay uso na talaga ang ligawan. Masyado na talagang napapaaga ang panahon ngayon kaysa noon. May kasabay pa nga kami na sa tingin ko ay nasa Grade 7 pa lang. Hindi ang mga ito para husgahan, may kanya-kanya naman kasi iyang pinagmulan at dahilan.


Sa kaso namin ni Asher, pareho na kaming nasa hustong gulang. Kahit paano siguro ay pasado na kami sa mata ng mapanuring lipunan. Iyon nga lang, marami pa rin talaga kaming kailangang patunayan.


"Dito na lang," sabi ko nang nasa tapat na kami ng paradahan pa-Pascam.


Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. Napayuko ako roon. Sandali, alam niya ba talaga na magka-holding hands kami?


Hindi kasi si Asher ang klase ng BF na ma-skinship. Sa mga past girlfriends niya, isa ang bagay na ito sa madalas na nagiging dahilan ng hiwalayan nila. He was kind of conservative unlike his friend, Miko. Ayaw niya ng touchy sa kanya. Unless na lang siguro kung siya ang mauuna?


Kaya alam niya ba talaga na kanina pa magkadikit ang mga kamay namin? O nakalimutan niya na lang? Napansin niya naman kung saan ako nakatingin, bumaba rin tuloy ang tingin niya sa magkahawak na mga kamay namin. Nang makita niya iyon ay napalunok siya at agad na napabitiw sa akin.


Asher was not afraid of touching girls, he was afraid of getting used to it. Simply put, he was worried about making mistakes. Kung sa akin lang din naman ay wala siyang dapat alalahanin. Alam ko naman ang limitasyon namin. Hindi para tangayin ko siya sa pagkakamali na kapwa namin pagsisisihan sa huli.


Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ako. Ngiti na nagsasabi na wala siyang dapat alalahanin. Hindi ko alam kung na-gets niya, dahil bago siya magbawi ng tingin ay nahuli ko ang sandaling pagngiti rin ng mga labi niya.


"Uuwi ka na?" tanong niya sa akin nang magtawag na ang umusad na tricycle sa pila. Nakaalis na iyong nauuna matapos mapuno ng mga papuntang Pascam.


"Uhm..." Nag-isip-isip kunwari ako habang nilalaro ng dulo ng sapatos ko ang bato na nasa aking paahan. "Uhm, what if pumunta muna ako sa tita ko sa Buenavista?"


"'Di ba pinapalayas ka niyon?"


"Hala, paano mo alam?!"


"Narinig ko noong isang beses na nakatambay ako sa terrace namin. Sabi niya, 'wag ka na raw babalik. Ibibitin ka niya nang patiwarik."


"Kailan iyon? Bakit di kita nakita?!"


"Madilim sa terrace namin niyon, hindi talaga ako nagbukas ng ilaw."


"Para di kita makita?" nanunubok na tanong ko sa kanya.


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon