"WALA NA SIYA, KAYA HINDI MO NA SIYA MAKIKITA PA."
Nakaawang ang mga labi niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya na pinangingiliran ngayon ng luha at ramdam ko ang lakas ng pagkakahawak niya sa akin na unti-unting nawawala.
"Kambal sila pero mahina ang puso ng isa."
Tuluyan nang napaluhod si Asher sa harapan ko. Ang pagkakahawak niya sa akin ay tuluyan na ring naalis. Nakayuko siya at dinig ko ang paghingal niya, habang ang malapad na balikat niya ay nanginginig. Pero dapat niyang malaman. Dapat niyang marinig.
"I did everything the doctor advised. I didn't even go out, I just stayed at home. Kahit nagtatrabaho ako sa online job ko, hindi ko kinakalimutang magpahinga. Pero wala, kinuha pa rin ang isa. Nawala pa rin siya."
Ang paghingal niya ay malalim na, dinig ko na rin ang kanyang hirap na paghinga na sumasabay sa kanyang paghikbi, habang hawak niya na ang kanyang dibdib.
Lumuhod na rin ako upang magpantay kaming dalawa. Nakayuko siya kaya kinailangan kong itaas ang kanyang mukha gamit ang mga kamay ko. Natulala ako nang makitang basang-basa na siya ng luha.
Umiiyak si Asher, walang patid ang pag-agos ng masaganang luha mula sa mga mata niya, namumula ang dulo ng matangos na ilong, nangangatal ang mapupulang mga labi. Ilang beses ko na siyang nakita na umiyak noon, pero iba ngayon.
He continued to tremble, weep, and pant, and I knew he was blaming himself. I was used to him looking pathetic, but I had never seen him this pitiful.
Habang nakatingin kay Asher ay dalawang damdamin ang pumapaloob sa akin. I felt sorry for him, and at the same time, I was glad seeing him in pain.
He was finally going through what I went through. So sure, I wished to see him cry some, break some more, and maybe he could die too. Because when the day I heard out about it, I died too.
Ako lang ang mag-isang nasaktan noon, mag-isang nadurog, at sa kabila niyon, kailangan ko agad magdesisyon. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas pero kailangan ko na agad sabihin kung ano ang gagawin, kung cremate ba, o ibuburol at ililibing.
Ang hirap magdesisyon mag-isa. Ang hirap mag-asikaso mag-isa habang hindi pa nga ganoon kagaling. Pero ang pinakamahirap ay ang masaktan mag-isa. Mawasak mag-isa.
Nasa tabi ko man noon si Renren pero mas naka-focus ang babae sa akin. Gayunpaman, inaamin ko na malaking tulong pa rin ang presensiya nito, lalo noong mismong oras na dinudugo na ako. Lumitaw ito at ito ang nagdala sa akin sa ospital. Kaya okay lang, okay lang na makita ko si Asher kung paano siya ngayon mawasak at madurog. Hinayaan ko siya na ilabas niya.
Ilang minuto ang impit niyang pag-iyak hanggang sa hindi niya na kinaya. Nagkatunog na ang iyak niya. Surprisingly, I didn't like it. I thought I would like hearing him cry, but I didn't. Iba na iyong tunog ng iyak niya, hindi na ako natutuwa. Niyakap ko ang ulo niya sa aking dibdib. Hinagod ko ang likod niya.
Hanggang sa nagulat na lang ako dahil naiiyak na rin pala ako. Dapat hindi na, kasi tapos na ako sa phase na ito, pero tumutulo pa rin ang mga luha ko. Tulo pa rin nang tulo.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...