PAGLALABAHIN NIYA AKO?
Nakauwi na ako sa bahay ko sa Sunterra ay humihingal pa rin ako. Pabalibag kong binitiwan sa sofa ang plastic na kinalalagyan ng mga ukay na shirt. "Shit," usal ko.
Shit talaga. Ayaw kong nakakaramdam ng kahit anong emosyon na hindi kailangan sa buhay. Napahaplos ako sa aking noo na nakakunot pa. Ayaw kong dalhin ito hanggang mamaya. Should I do a yoga?
I had a better idea. Hinagilap ko ang aking iniwang phone dito sa bahay. Nang makita ay pinindot ko agad ang gilid upang lumabas ang screensaver. Nang lumitaw ang cute na cute na photo ni Bobbie habang nakangiti, ay doon na nabura ang kunot ko sa noo.
I unlocked my phone and went straight to the gallery. And after just a few swipes at the little girl's photos, my bad mood had completely disappeared. Ah, really my lifesaver.
Bago ako umakyat sa itaas kumuha ng pamalit na damit ay nag-beep ang phone ko. Ang text ay galing sa ibang bansa.
Israel:
Can I call?Napahilot ako ng batok bago ni-reply ang text.
Me:
Wala pa si Bobbie.Tumawag pa rin naman ito. Umakyat na ako sa itaas para doon ito kausapin. we talked for about an hour, which ended only because Tita Judy had finally arrived with my daughter, Bobbie.
SO PRECIOUS. 7:00 a.m. Ang lawak ng pagkakangiti ko habang nakatingin sa pader ng aking kuwarto. Ang dating bare wall ay ngayo'y napakakulay na. Makikita roon ang sari-sariling photo ngayon ni Bobbie, iba-ibang laki, iba-ibang background, mula noong ipinanganak ko hanggang sa paglaki.
Para hindi marumihan ay nilagyan ko iyon ng kurtina. Hahawiin lang kapag nandito ako sa kuwarto. Ganito rin noong nasa Mandaluyong kami, nakadikit din ang mga ito sa pader, at palagi kong pinakatititigan lalo tuwing gabi.
"Mamaaa?!" Isang cute na maliit na boses. It was my living doll, Bobbie. Gising na pala ito. The little girl was wearing partnered yellow pajamas, and she looked so adorable.
"Gising na pala ang baby ko!"
Bobbie pouted her pinkish small lips. "'Coz Mama is not with meee!"
Nagigising talaga si Bobbie pag hindi ako katabi. "Sorry, baby. But don't worry, Mama has no work later. Maaga mo akong makakatabi, okay?"
"Whyyy Mama needs work pow?" Matatas na talaga itong magsalita, maliit nga lang ang boses, pero super cute.
Nginitian ko ito. "Mama does not need to work; instead, Mama wants to work."
Kumiling ang magandang mukha ng batang babae.
Lumuhod ako upang pumantay sa bata at hinawakan ito sa balikat. "Hindi naman talaga kailangang magtrabaho. Puwede naman tayong umasa na lang kahit kanino, puwedeng makuntento sa kung anong nandiyan, o magpakagutom na lang tayo."
"Mamaaa, doesn't sound good pow!"
"Kaya nga. Kaya gusto ni Mama na mag-work kasi ayaw ni Mama ng ganoon. What Mama wants is the best for us, especially for you. Because Mama chose to have you, therefore she would do everything to provide you with a decent life."
"Thank youw, Mamaaa!" Yumapos sa leeg ko ang mabibilog na braso ng batang babae.
Ginanti ko naman ang yakap ni Bobbie at hinaplos ang malambot na buhok nito, nang bigla nitong pasimpleng hinila ang kuwelyo ng suot kong shirt. Napangiti naman ako. Gets ko na.
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...