Chapter 57

80.9K 3.6K 1K
                                    

ASHER WAS NOT LYING. Hindi talaga siya takot sa baranggay o tanod. Noong high school ay madalas siyang mapasali sa gulo. Hindi naman siya napapaano dahil literal na matigas ang kanyang ulo.


E, bakit niya pa-sinuggest diyan? Parang tanga lang. At bakit siya nagdedesiyon bigla? Unang-una, sperm lang ang ambag niya!


Nakasimangot na sumunod na ako sa pagbalik sa loob. Gusto ko sana siyang dagukan, pero ang bilis niyang maglakad, para siguro hindi ko siya abutan. Hindi ko talaga naabutan dahil mas mahahaba ang biyas niya, kaya mas malalaki rin sa akin ang kanyang mga hakbang.


Pagpasok ko sa gate ay naulinigan ko ang masasayang boses ng mag-asawang Prudente sa sala. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba ang saya-saya ng mga ito?


Ang nagtatanong ay si Aling Ason. "Ano'ng paborito ng baby namin?"


Sumagot naman ang munting matinis na boses. "Moneyyy!"


Sumunod na magiliw na nagtanong ay si Mang Jacobo. "Ano'ng birthday wish ng baby namin?"


"Moneyyy!"


"Ano'ng gustong gift sa Pasko ng baby namin?"


"Moneyyy!"


Parang naka-record ang munting boses. Sa dinami-dami ng tanong, iisa lang ang sagot ng bubwit. Tuwang-tuwa naman ang lolo at lola sa mukhang perang apo. Napapangiwi na lang ako pagpasok sa pinto.


Pinagigitnaan ng dalawa ang bata habang hawak-hawak pa rin nito ang tag-iisang libong papel na pera. Si Asher na naunang pumasok ay inilapag sa gilid ng sofa ang dala niyang duffle bag.


Si Mang Jacobo ay napasunod sa bunsong anak ng nagtatanong na mga mata. Pero imbes mag-usisa ay napailing lang at nagbuntong-hininga. Pero iba si Aling Ason. Nabura na ang pagkaaliw sa mga mata nito, at napalitan iyon ng seryoso ekspresyon.


Sa akin na ito nakalingon. "Lai, gusto naming makasama ang nag-iisa naming babaeng apo. Gusto naming makita ang mga baby photos niya, newborn screening, pati ultrasound. Gusto naming malaman ang lahat ng tungkol sa kanya, dahil gusto namin siyang higit na makilala."


Ha? Ganoon sila kainteresado sa bata? Tanggap na nila ito nang ganoon-ganoon lang kahit ngayon pa lang nila nakita?


Namaypay sa hawak na pamaypay si Aling Ason kahit nakatutok naman dito ang electric fan. "Saka pala, Lai, magbi-birthday na raw itong apo namin. Maganda kung sa amin sa Buenavista ang party gaganapin, dahil maliit lang dito sa bahay mo. Para madali sanang makapunta rin ang mga amiga ko."


Windang na windang pa ako nang tuloy-tuloy pa rin ang bibig ni Aling Ason sa pagsasabi ng mga plano nito.


"Ang birthday nitong apo ko ay dapat na engrande. Marami akong iimbitahin, kaya hindi kakayanin kung dito gaganapin. Kaya doon na lang sa amin. Ipapasara ko ang buong street. Bale, dalawang handaan. Isa sa tanghali para sa matatanda at isa sa hapon para sa mga bata. Aarkila ako ng magician at clown."

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon