Chapter 38

59.5K 3.3K 1.2K
                                    

I SAID SORRY AND THAT WAS HIS ANSWER. OKAY.


Hindi naman nakakagulat. Pero nakakasugat. 


"S-sige, ha? Akyat muna ako sa itaas. Parang narinig ko na nagising na si Mama, e." Tumayo na ako na hindi hinihintay ang sagot niya. Mukha rin namang wala siyang balak sumagot kahit obviously ay alam niyang hindi naman talaga nagising si Mama. Ipinikit niya ang mga mata habang prenteng nakasandal sa sandalan ng sofa. 


Iniwan ko na si Asher sa sala. Bahala na siya kung uuwi na siya. I-lock na lang niya ang pinto.  Around 11:00 PM nang pakainin ko si Mama. Gising na ito. Humingi ng pagkain pero biscuit lang ang gusto. Ipinagtimpa ko rin ng gatas na nasa garapon sa kuwarto nito. Mayamaya ay nakapikit na ulit.


Binantayan ko pa rin hanggang sa tuluyang makatulog. Nag-Internet ako sandali para tingnan kung online ba si Tita Judy. May chat pala ito. Nagka-emergency raw kaya hindi na ito nakadaan. Tingin ko nga ay emergency talaga dahil gulo-gulo ang typings nito.


Sinulit ko ang data sa pagtingin sa newsfeed. Nahagip ng aking paningin ang tagged photos sa isang kaopisina ko. Ang babaeng kapatid nito na tagakabilang kompanya ay nasa ibang bansa pala. According to the caption, they were sent to Korea under the 5-month company's staff exchange program.


Hindi ko na sana pakatitingnan kung di ko lang namukhaan ang katabi ng babaeng kapatid ng kaopisina ko. Pamilyar na mukha. It was Lou. Kung ganoon ay kasama ito sa pumunta sa Korea? Bakit? I mean, hindi ba nito alam na uuwi si Asher ng bansa? Sila ba talaga o hindi na?


If they were still dating, was Lou even aware that her boyfriend was paying a visit to his ex's mother? At kung alam nga ni Lou, I doubt na makakangiti ito nang ganito sa photo nito. Maybe she had no idea, or... they are no longer together.


Ang pagpitik ng kung ano sa loob ng dibdib ko ay sinabayan ng pagkalam ng tiyan. Hindi pa nga pala ako kumakain. Hindi ko na inaasahan may daratnan pa sa sala kung kaya basta na lang akong bumaba, kaya muntik na akong mapabalik sa itaas nang makitang naririto pa pala si Asher sa hanggang ngayon!


Bakit nandito pa ang lalaking ito? Nasa sofa pa rin siya kung saan ko siya iniwan kanina. Nakasandal pa rin sa sandalan sofa at nakapikit. Natutulog ba siya talaga?


Siguro ay pagod na siya bago pa pumunta rito. Ayaw ko siyang istorbohin sa pagpapahinga kaya marahan ang aking ginawang pagpunta sa kusina. Habang nag-iisip ng makakain ay panay ang punas ko sa aking leeg. Ang init dito sa ibaba. Pinapawisan pa ako dahil kanina pa ako kilos nang kilos kakaasikaso kay Mama.


"Do you want to take a shower?"


Napapitlag ako nang biglang may magsalita. Napalingon ako sa sala. Nakadilat na si Asher at nakatingin na pala sa akin. Kailan pa?


"You can take a shower. Ako na muna ang magbabantay sa mama mo. Aakyatin ko siya kapag narinig kong nagising." Tumayo siya at lumapit sa akin.


"Okay lang." Kinakailangan ko siyang tingalain dahil hanggang leeg niya lang ako. Matangkad na siya dati pero mas higit na talaga ngayon.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon