Epilogue

63.8K 3.4K 2.6K
                                    

SINO KA BA?


Nandito ka na naman.


Hangin na hindi nakikita, pero nararamdaman. Nagkukusot ako ng mga mata dahil inaantok pa, at sa nanlalabong aking paningin, naaaninag ko ang isang babaeng estudyanteng palaging nakatayo, ilang dipa mula sa aking puwesto.


Akala ko ay namamalik-mata lang ako. Pero nang isang beses ay sumubok ako. Kunwaring nagkusot muli ng mga mata, tapos pasimple akong dumilat nang kaunti, ay doon ko naaninag na naman siya. Pagdilat ko nga lang ay parang bula na naman siyang nawala.


Sa sumunod na araw na lutang na naman ako sa puyat dahil sa paglalaro sa computer shop, muntik na akong madapa. Kahit mamikit-mikit ay hindi nakaligtas sa akin ang isang pagsinghap. Nagpanggap ako na hindi iyon napansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. At sakto, natalisod naman ako sa bato. Pero hindi ako nasaktan, sa halip ay natuwa ako. Dahil napatunayan ko, hindi talaga siya isang guni-guni lang.


Hanggang sa nagkaroon na nga siya ng hulma sa gilid ng paningin ko. Palagi siyang nasa tabi-tabi. Noong una, akala ko nagkakataon  lang, pero hindi.


At kailan nga ba lahat nagsimula? Tumaas ang gilid ng mga labi ko. Noong Grade 7 pa yata.



...................................................................................KAILAN KA BA LALAPIT?


"Hi, baby!" Yumapos sa braso ko ang isang babaeng estudyante. Ahead sa akin ng isang taon.


Sa aking gulat ay naitulak ko ito sa noo. Muntik tuloy itong mangudngod. Pero sino ba kasi ito?


Sumipol ang tropa kong si Miko. Pagtingin ko rito ay bumuka ang bibig nito. "GF mo, gago!"


Aw, girlfriend ko pala. Kahapon nga pala ay nagkaroon ako ng girlfriend. Pang ilan na ba? Panglima na yata. Panglima na akala ko ay siya na. Pero hindi pa rin pala.


Dahil kahit sino ang maging girlfriend ko, nararamdaman ko pa rin ang mga mata na nakatingin sa akin mula sa malayo. At sa tuwing pipikit ako at muling didilat, ay aking nababanaagan pa rin ang isang babaeng nakatayo ilang dipa mula sa kinatatayuan ko.


Minsan ay naiisip ko pa rin na baka nalipasan lang ako ng gutom sa kalalaro. Hanggang isang araw ay parang naging slow motion ang paligid ko. Sa unang beses na dumaan siya, sa wakas ay nakita ko na rin siya nang buo.


Isang babaeng estudyante na may maliit na mukha, mapusyaw ang balat, maiksi ang buhok, nakasuot ng makapal na salamin, at may suot na braces sa ngipin. Nag-e-exist siya. Totoong tao siya. At mula niyon, hindi na siya nawala pa sa paningin ko. Nakikita at nakikita ko na siya, kahit saan pa man siya pumuwesto at magtago.


Sa tuwing umaga na papasok ako, sa gilid ng aking mga mata ay aking makikita siya na papasok din sa gate kasunod ko. Sa bawat recess at breaktime, sa bench, sa canteen, o sa stage, naroon din siya ilang dipa lang sa akin ang layo.


Sa ibang direksyon nakatuon ang mga mata niya, pero sa tuwing hahakbang ako, simpleng susunod siya. Kung saan ako pupuwesto, ilang dipa mula sa akin ay doon siya makikita. Maglalabas ng phone, magsusuot ng earphones, at ibabato sa malayo ang paningin niya.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon