Chapter 10

61.9K 3.7K 1.8K
                                    

"HINDI KITA KILALA PERO OKAY KA LANG BA?"


Hindi niya ako kilala pero concerned siya, kurutin ko kaya siya sa ngala-ngala?


At bakit nandito pa rin si Asher? Anong oras na, ano ang ginagawa niya rito? Di ba paalis na sila ni Miko kanina? Magbibilyar sila, di ba? Bakit bumalik siya? Ayaw kong mag-assume pero nag-a-assume na ako ngayon.


Pumasok na lang siya basta sa room. Nakapamulsa, nakataas noo, at nakasimangot. Ang angas pa kahit mag-isa lang siya, habang tatlo rito sina Atong.


"Prudente, ang wrong timing mo naman!" Nakasimangot na sabi ng isa sa may hawak ng electric fan. Iyong pinakapayat pero ang mukha ay matapang.


"Boi, may diskarte kami rito, 'wag ka nang sumawsaw," anang naman ng isa pa. "Walang pakialamanan, di naman kami nakikialam sa tropahan mo, eh. O kung gusto mo, ambunan ka namin sa pagbebentahan namin neto."


Nagtutule ng tainga si Asher gamit ang hinliliit sa kaliwa bago tamad na sumagot. "'Sensya pero di ko kailangan ng limos. At wala akong pakialam diyan sa electric fan na balak niyong dekwatin, naka-aircon ako sa amin."


Bumalasik naman ang mukha ni Atong. "Yabang talaga nento ni kalbo! Hoy, wala ang tropa mo rito kaya 'wag kang maangas! Wala kang backup dito!"


Iyong matapang ang hilatsa ng mukha na may hawak ng electric fan ay maaskad ulit na nagsalita. "Prudente, kahit tuliin ka pa namin dito, walang tutulong sa 'yo!"


Natawa si Asher sa mga ito. "Excuse me, mga pangit, matagal na akong natuli. Kaya thanks, but no thanks!"


Hindi na ako nakatiis na di sumabat. "Excuse me rin? Anong tingin nyo sa akin dito, display?!" Itinuro ko si Asher. "At sa tingin niyo, papayag akong tuliin niyo ito?!"


Dinuro naman ako ni Atong. "Hoy, syota kita! Sa akin ka dapat kumampi at di riyan kay kalbo!"


Nagrindi ang tainga ko sa sinabi nito. "Syota? Mga ilang araw kang nalipasan ng gutom, ha?!"


Talaga ngang nalipasan ng gutom si Atong, dahil pinangatawanan talaga ang sinabi. "Prudente, umalis ka na habang mabait pa ako. At lumayo ka riyan sa syota ko!"


Nagusot ang matangos na ilong ni Asher. "Ow? Paano mo magiging syota ito eh, ampangit mo!"


Nanggalaiti lalo si Atong. "Ano kamo?! Tangina, saksakan ka talaga ng hambog!"


Siniko ako ni Asher. "Oy, syota mo nga ba iyan? Kung oo, ang walang taste mo naman."


Tinampal ko siya sa nguso. "Ni sa bangungot di ko papatulan iyan! Ayoko sa magnanakaw ng electric fan!"


Muli siyang bumalik ng tingin kay Atong. "O, narinig mo? Hindi raw."


Nakarinig kami ng yabag na may paparating. Nagpulasan ang tatlong kawatan. Nagmamadali na isinako ang electric fan. Hindi talaga mga susuko, mukhang hindi magpapahuli ng buhay!

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon