Chapter 6

63.2K 3.3K 1.4K
                                    

Sched updates: Every Wednesday and Saturday. 

Advanced updates in Subscribers Hub. Sneak peak, the trailer for FMBFIHS, Hyde's story, is now posted there too. Link to the hub is posted in > jfstories about me section. PS. The Subs Hub is an option only. You can still read jfstories on Wattpad. Thank you. 



----------------------------------------------------------------------


"BAKIT NGITING-NGITI KA?"


Pagbalik ko sa munting apartment ni Tita Judy ay napataas agad ang kilay sa akin ng babae. Pinamewangan niya agad ako.


Ngiting-ngiti pa rin ako na pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kanyang kama. "Wala po. Masama bang maging masaya ang pamangkin mo?"


"Oo, masama talaga. Kilala kita, Laila. Kakaiba ang mga bagay na kinaliligaya mo!" Dinuro niya ako. "Anong dahilan, ha? Para mapaghandaan ko na at masabihan ko na rin ang mga magulang mo!"


Napahagikhik naman ako. "Wala nga po, tita. May nakita lang po ako sa labas na guwapo."


Si Tita Judy naman ang napalabi. "At kailan ka pa nahilig sa guwapo?"


Matagal na. Pero sa iisang guwapo lang. Doon sa kapitbahay niyang semi-calbo. But I didn't tell her about it because it was my little secret.


"Sino naman sa mga Prudente?" tanong ni Tita Judy na ikinasamid ko kahit wala namang laman ang aking bibig.


"Tita, sila lang ba ang guwapo rito sa street?"


Umingos ang babae. "Basta 'wag ka sa kanila. Pare-pareho lang ang magkakapatid na iyan. Mga papalit-palit ng babae at salot sa lipunan."


"Hala, grabe siya o!"


"Totoo naman. Mula sa panganay hanggang sa bunso, mga sakit ng ulo ni Aling Ason. Dapat sa mga iyon ay itinatali ng isang bungkos at sabay-sabay na silaban."


Napanguso na lang ako. Ang tindi talaga ng gigil ni Tita Judy sa mga boys. Man hater kasi siya. May trauma sa babaerong tatay nila ni Mama.


Sa totoo lang din naman, maliligalig talaga ang Prudente Brothers. Pero kahit ganoon, malalambing naman ang mga ito. Kaya nga parang may split personality palagi si Aling Ason, minsan ay gustong gilitan ng leeg ang apat nitong barako at minsan naman ay halos ibida sa lahat kung gaano nito kamahal ang mga 'butihing' anak.


Hindi rin naman talaga lahat ay sakit ng ulo dahil malalaki na ang mga ito. Iyong panganay na si Abel ay may stable job na. IT Manager sa isang foreign company. Ayon na rin sa pagmamalaki ni Aling Ason, napaka-generous daw ng panganay nito, na kahit hindi hinihingian, ay napaka-palabigay. 


Kahit galante sa pamilya si Abel, hindi ito nauubusan. Matalino at magaling daw kasi itong humawak ng pera. Sa batang edad na twenty-seven ay may savings na ito at investments. Iyon nga lang, ayaw pa rin daw bumukod. Mukhang wala pa ring balak mag-asawa.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon