KAHIT ANONG MANGYARI, KAKAMPI MO AKO LAGI.
"'Wag na 'wag kang haharap, kundi magagalit ako sa 'yo," garalgal ang boses na banta ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya sa bewang mula sa kanyang likuran.
Hindi naman humarap si Asher o maski tuminag. Narinig ko lang ang mahinang boses niya. "Sige, iyak mo lang."
Ginawa ko nga. Tahimik na humikbi ako habang nakasubsob sa kanyang likod ang aking mukha. Basang-basa na ang likod ng shirt niya nang matapos ako.
"Okay ka na?"
Tumango ako kahit di naman niya nakikita. "Umuwi ka na. Ingat ka..."
"Magpahinga ka na, ha? Iti-text kita kapag nakauwi na ako." Nakapamulsa siya na humakbang paalis. Hindi na siya lumingon pa, dahil alam niyang iyon ang gusto kong gawin niya.
Ang dibdib ko na ilang araw at gabi nang mabigat ay tila nabawasan ng dinadala. Nang pumasok na ako sa amin ay hindi ko na nakita pa ang paghinto ni Asher sa kanto. Lumingon siya at inihatid ako ng malulungkot niyang mga mata hanggang sa pagpasok ko sa pinto.
SEMBREAK.
Wala pa ring pasok. Mula noong ilibing ang bunsong anak ni Tito Eloy ay hindi na gaanong naglalalabas ng kuwarto nito si Mama. Mas dinamdam pa nito kaysa kapatid ang pagkamatay ng pamangkin.
Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng kuwarto ni Mama. Natagpuan ko ito na nakahiga sa kama habang natutulog. Sa mga bisig nito ay yakap-yakap na naman ang isang lumang kahon. Kahon na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang laman, subalit may mga ideya ako.
Maingat akong pumasok upang ayusin ang pagkakakumot ni Mama. Bago iwan ito ay magaan ko itong hinagkan sa noo. "I love you, Ma. I will always love you."
I went down to the living room, and my expression darkened when I saw Rio walk in. Navy blue shirt ang suot niya na lalong nagpalutang ng kanyang pagiging mestizo, white shorts na cargo, at hinubad niya na sa labas ang kanyang tsinelas. Ang mahahaba at malilinis niyang paa ay nakatapak sa tiles ng aming sala.
Rio hadn't shown up in a couple of days; he had only now found the nerve to come to see me again. Although hindi naman siya ngayon makatingin nang deretso sa akin. "Uh, kanina pa ako nagdo-doorbell, pero walang lumabas. Pumasok na ako kasi nakabukas naman ang gate at pinto niyo..."
Hindi sira nag doorbell, hinugot ko lang talaga sa saksakan.
"Tulog si Mama," tamad na sabi ko kung sakaling ito ang gamitin niyang dahilan kung bakit siya nandito.
Napayuko siya. "I'm not here because of Tita Madi."
Tinawag niya si Mama na 'tita'? Nakakatakot, nabalita kaya sa TV na gugunaw na mamaya o bukas ang mundo?
Rio spoke again and in a very low voice, "Lai, I'm sorry. Dahil pinangunahan ko ang pagsasabi sa 'yo ng tungkol sa bagay na iyon. I shouldn't have done that. You must have been shocked, confused, and heartbroken to learn the truth."
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
RomanceAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...