Chapter 68

62.1K 3.2K 1.5K
                                    

"AYAW MO NG MABAIT. LAILA, PAGBIBIGYAN KITA."


Hindi naman siya nagkakamali, pero mali siya. Inaamin ko na iyon talaga ang dapat na aking gagawin, pero ngayon ay hindi na.


Palabas na siya ng pinto nang habulin ko siya. Pinigilan ko siya sa braso. "Asher, sandali!"


Pinagpag niya lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Humawak naman ulit ako.


"Let go, Lai."


Nakatalikod siya sa akin pero kitang-kita ko ang pagalaw ng panga niya.


"Sabi ng bitiw!" Napalakas na ang boses niya. "Bitiwan mo ako habang nakakapagtimpi pa ako. Tang-ina, baka sumabog ako rito. Baka may masabi ako sa 'yo na masakit. Kaya bitiwan mo na ako!"


Umiling ako na nakahawak pa rin sa kanya. "H-hindi ko pa sigurado kung delayed lang ba ang—"


"Delayed?" paasik na putol niya sa sinasabi ko. "Lai, alam kong nakilala mo akong tanga, pero hindi ba puwedeng kahit kaunti ay taasan mo naman ang tingin mo sa akin?!"


Humarap siya at ngayon ay malinaw na sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Galit pero may pagbabadya ng luha.


"Anong tingin mo sa akin? Sperm donor?! Breeder?!"


Sa sinabi niya ay wala akong maipansasalag dahil totoo naman na ganoon ako kasama.


Pinagpag niya ang kamay ko, at ngayon ay napabitiw na ako sa kanya. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Pulang-pula siya at nanginginig. "Please, ayoko sumabog. Kaya wag muna. Ayaw ko munang makita ka! Babalikan na lang kita rito mamaya pag di na ako galit at miss na kita ulit!"


Lumabas na siya ng pinto at sumunod na narinig ko na lang ay muling pag-activate ng smart lock. Nanghihinang napasalampak na lang ako sa sahig.


Napasabunot ako sa aking buhok. Mali na naman ang kalkulasyon ko. Naiintindihan ko naman siya, pero ako ay hindi niya naiintindihan. Normal lang naman na hindi niya ako maintindihan. Magulo ang isip ko, ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. No, hindi lang pala ako. I still had one person in this world who understood me. Bobbie.


But where was Bobbie now? Dang, wala na naman dito! Nasa ibaba na naman kasama ng ibang tao. Natitiis na nito na hindi ako makita ng lampas sa kalahating araw. Hindi na lang talaga sa akin umiikot lang ang mundo ng anak ko!


Nakayukyok ako sa sahig ng hindi ko na malaman kung ilang oras na ba ang nagdaan. Daig ko pa ang naka-rehab. Ako lang mag-isa rito. Wala akong marinig kundi sariling paghinga ko. Asher, nasaan ka na? Galit ka pa rin ba? Hindi mo pa rin ako nami-miss?!


Mga hapon na siguro nang mapataas ang tingin ko sa pinto nang makarinig ako ng nagta-tap ng smart lock mula sa labas. It was him, right? He finally missed me, right?!


Nahigit ko ang aking paghinga sa antisipasyon nang bumukas na ang pinto. Pumasok si Asher. Walang emosyon ang mga mata niya nang tumingin sa akin. 

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon