Chapter 7

61.4K 3K 892
                                    

ANO BANG DAPAT MARAMDAMAN KAPAG NAKINDATAN?


Ang kalas-lakas ng kabog ng aking dibdib habang nakatingin sa papalayong si Asher. Nakapamulsa pa ang isang kamay niya habang ang isa ay nakahawak pa rin sa kanyang leeg na nagasgasan ng alambre ng brace ko kanina.


Nasaktan ba talaga siya? Sanay siya sa pakikipag-basag-ulo, kaya hindi niya naman siguro ininda iyong alambre ng brace ko?


Ayaw kong makonsensiya at magsisi kahit pa nagasgasan ko siya, mas nangingibabaw kasi sa akin ngayon ang kilig dahil sa kindat niya. It was my first time. First time makindatan. At sa kanya galing. I was grateful for my photographic memory because I could recall that sight of him in perfect detail!


And I almost kissed his neck! Argh! Kung hindi lang sa nakausling alambre nitong brace ko, sana natuluyan na pag-landing ang mga labi ko kanina sa balat niya!


Tinampal ko ang aking pisngi nang mahimasmasan. No, no. Hindi pa kami dapat makarating sa ganoon. Unang-una, hindi pa kami mag-on. Hindi pa puwede ang pisikalan!


Mukhang hindi pa rin ready ang baby ko kahit sa simpleng lambingan. Okay lang, makakapaghintay naman ako. May perfect timing para sa lahat ng iyan.


Sa ngayon, ipapaayos ko muna siguro ang braces ko dahil baka mahirap na, baka makaaksidente na naman.



LUMIPAS ANG MGA LINGGO. Masaya ako. Masaya dahil nitong mga nakaraan, parang distracted ang Top 1 namin na si Jordan. Feeling ko ay malapit ko na itong maungusan.


Isa pang ikinasasaya ko, ang kindat ni Asher, which was still fresh in my memory. Siguro kahit senior citizen na ako ay hindi ko pa rin iyon makakalimutan.


Pag-uwi galing sa school ay napabusangot agad ang mukha ko pagkakita sa sedan na pag-aari ng mga Estrada. Panganay na kapatid ni Papa. Sina Tita Rica Valmorida-Estrada.


Pupunta nga pala ang mga ito rito dahil may package si Papa. Nagrereklamo na nga mga ito dahil na-delay ng ilang linggo ang padala. At ngayon nga ay narito na sila para sumahod ng grasya.


Pagpasok sa pinto ay nakita ko agad si Rio na kalalabas lang ng kusina. Umiinom ng juice sa baso. At talagang nagpatimpla pa ng juice ang demonyito sa mama ko!


"Lai is here!" maarteng sabi naman ng kapatid nitong si Renren, sabay irap sa akin.


Pareho pang naka-uniform pang-private ang magkapatid. Mukhang sinundo sila ng mommy nila para ideretso agad dito.


"O ayan na ang anak mo, Madi," nakaingos na sabi ni Tita Rica. "Napakatagal dumating. Pag talaga sa public, walang eksaktong uwi."


Katabi rin pala ni Tita Rica si Tita Tootsie, ang nakababatang kapatid ng mga ito. Walang anak na bitbit. Naki-ride lang siguro para makapunta rito. Syempre ay present dapat talaga kapag may padala. Kahit magkapatid ay ayaw na ayaw nila talaga ng nalalamangan sila ng isa't isa.

South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon