TEXT MO SA AKIN KUNG NASAAN KA, PAPUNTA NA AKO.
Nakaupo ako sa gutter ng kalsada. Sandali lang ay nasisilaw na ako sa liwanag ng paparating na tricycle. Mula sa likod ay bumaba roon si Asher. "Dito na lang, boss. GF ko iyon."
Napaka-pajama na siya na kulay baby blue, sa pang-itaas naman ay puting t-shirt, at sa paahan ay itim na slides na hindi pa yata magkapareho ang kulay. Pagkabayad na pagkabayad niya sa driver ay dere-deretso na siya agad sa akin.
Inalalayan niya ako na makatayo mula sa pagkakaupo sa gutter. Hinawakan niya agad ako sa pisngi. "Okay ka lang?"
Tumango ako. Tapos na akong umiyak pero namumugto pa rin ang mga mata ko.
"Asher, ayaw ko pang umuwi..."
Nagtataka naman siya. "Ha? May pasok bukas at maaga ka pang uuwi ng Manila, 'di ba?"
"Hindi," maliit ang boses kong sabi. "W-wala kaming pasok bukas."
"Mukha mo walang pasok."
Napanguso ako. "Wala nga. At wala rin si Mama sa bahay kaya ayaw ko pang umuwi."
"Pero gabi na, Lai. Dapat umuwi ka pa rin." Napahaplos siya sa kanyang leeg. "O, sige. Tara, samahan muna kita sa inyo hanggang sa umuwi ang mama mo. Ano, G?"
Doon ako maliit na ngumiti at tumango. Tinanggap ko na ang kamay ni Asher at magkahawak-kamay kaming naghintay ng dadaang jeep o tricycle sa kalsada. Tricycle ang dumaan. Nagpa-special na siya pauwi sa amin sa Pascam.
"Baka maubos ang baon mo," ani ko. Kabababa lang namin. Buong one hundred ang ibinayad niya sa tricycle. Special siya papunta, tapos special pa pagsundo sa akin. Naka-two hundred na siya.
"Meron. Malaki allowance ko ngayong week dahil good mood ang nanay ko. Tapos, nanalo pa tropa sa bilyar noong isang araw, kaya mapera ngayon boyfriend mo. Sabihin mo kahit ano, bibilhin ko."
Muli ay napangiti na naman ako. Magaan talaga ang buhay sa lalaking ito. Kumbaga ay parang ang easy lang.
Niyaya ko na siya sa loob. Walang pasabi na dumeretso naman siya sa kusina para ikuha ako ng isang baso ng malamig na tubig. "O, Lai, inom ka muna."
Uminom naman ako. Hindi ko naubos ang laman ng baso, may natira pang kaunti. Siya ang umubos niyon sa isang lagok.
Sa sala lang kami pumuwesto. Tahimik lang, nagpapakiramdaman. Mga ilang minuto rin bago ko siya narinig na mahinahong boses niya. "Lai, puwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit nandoon ka?"
Napayuko lang ako.
Sinilip niya ang mukha ko sa pagkakayuko. "Ano bang nangyari? Pero sige, kung ayaw mong sabihin ay okay lang naman. Hayaan mo na lang akong magtampo. Pero promise, tampo lang ito. Hindi ako maghihinala o anupaman, kasi me tiwala naman ako sa 'yo."
BINABASA MO ANG
South Boys #5: Crazy Stranger
Storie d'amoreAs far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James Prudente, and that includes hardcore stalking. So how does Asher, who's totally not interested in a w...