The Final Chapter

58.7K 3.2K 1K
                                    

THIS WAS LONG OVERDUE.


Suot ko ang singsing nang alalayan ako ni Asher na bumaba sa kotse. Nasa garahe na kami ng bahay nila sa Buenavista. Hinalikan niya ako sa noo. "Come on, Lai. Umuwi na tayo kay Bobbie."


Namumugto sa luha ang mga mata na tumango ako. Inalalayan niya ako hanggang sa pagpasok sa loob ng bahay. Hindi na kami nagbukas pa ng ilaw dahil lumalagos naman ang liwanag mula sa salamin na bintana ng sala.


Nauna akong pumunta sa kuwarto habang si Bobbie ay kinuha ni Asher mula sa kuwarto ng nanay at tatay niya. Karga-karga niya ang bata pagbalik. Maingat niya itong ihiniga sa kama. Maingat din na kinumutan at inayos pagkakahiga.


Hawak pa rin ni Asher ang isang kamay ko habang malamlam ang mga mata niya na nakatunghay sa natutulog na bata sa kama. "Lai, I'm sorry that I left you to deal with everything alone."


Tiningala ko siya. "Since you brought up the past, why don't we continue talking about it now?"


Gusto kong maintindihan kung bakit bigla niya akong iniwan. Iyon iyong bagay na gusto kong malaman pero dahil sa takot ay iniiwasan ko naman.


"Ang sabi mo, hindi ka nagalit sa akin. Pero umalis ka pa rin."


"Because I had to." He helped me to sit on the edge of the bed then he knelt in front of me while holding both of my hands. "Kailangan kong umalis kahit pa sobrang sakit mong iwan."


Nakayuko siya sa mga kamay ko na hawak-hawak niya habang mahina ang boses na bahagyang maaligasgas.


"I had to leave while I still could. Kahit pa parang hinihila ko na lang ang isang paa ko makaalis lang. Hanggang kaya kong iwasan ang mga mata mo, bago ka pang may masabi na kahit ano, dapat makaalis na agad ako."


"B-bakit?"


"Kailangan ko nang umalis kasi kung hindi ko gagawin, anong buhay ang maibibigay ko sa 'yo? Hindi pa sapat ang ipon ko, hindi ko pa natutupad ang mga pinangako ko noon sa 'yo, at sa mama mo..."


Nagulat ako. "Kay Mama?"


Tumango si Asher. "Noong unang alis niyo papuntang Manila, pumunta ako. Alas tres ng madaling araw, pumunta ako sa inyo." Napailing siya habang nakayuko. "Ah, no. Alas dos pala. Nasa labas niyo na ako. 'Di ba, ang tigas ng ulo ko?"


Umawang ang mga labi ko. Iyon iyong sinaktan ko siya at iniwan sa Buenavista, pero pumunta pa rin siya?!


"Naabutan ko ang mama mo na nakatulala sa dilim. Nandoon siya sa gate niyo. Nang makita niya ako ay tinawag niya ako. Sinabi niya na aalis na nga raw kayo. Na ilalayo ka na nga niya sa tunay na pamilya mo. Na ikaw na lang ang meron siya, kaya sana pabayaan na rin kita sa kanya."



Nanginig ang mga kamay ko na hawak-hawak niya.


"Pero ayaw ko, Lai. Tumutol ako kahit nagalit pa ang mama mo. Sabi ko, hindi tayo okay, kaya hindi ka puwedeng umalis. I even knelt in front of her to stop her from taking you to Manila. She was angry at first, but in the end, she hugged me.



Your mother said she admired my determination. She said it's fine with her if you end up with me, but before she give me her blessing, I have to promise her something. That I should make myself worthy of you. And I agreed with her. I must give you a comfortable life, one free of worries and suffering. Because you deserve it. Because you deserve nothing but the best in this life."


Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam na may ganoon silang usapan ni Mama noon.


"So, while you were away, I worked hard to obtain all I have now, so that when we meet again, I can offer it all to you. I can finally give you everything."


South Boys #5: Crazy StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon