2-Trash

467 12 1
                                    



Nang lumabas na ang lalaki ay tumayo na siya para tapusin na ang nasimulan. She flipped her long hair and walked towards the exit of the bar. Ilang hakbang pa ay narating na niya ang sasakyan. She took the keys from her mini bag, unlocked her car and got inside. Pagkatapos ay kinuha ang camerang nasa back seat ng sasakyan. She turned the ignition on, wore her seat belt and released the hand break. She reversed her car to leave the parking slot. She drove slowly with her left hand while her right one was holding the small camera that she had with her. Nang mapadaan na siya sa tapat ng kotseng napili niyang gamitin sa gabing iyon, she smirked and almost laughed.

In front of the car, she saw the young man hastily removing his clothes. Using her camera, she zoomed in and took several pictures. Maliit man ang camera niya ay state of the art ito para talaga sa ganoong sitwasyon, pangmalayuang pagkuha ng video at litrato. When she was satisfied that she got as much footage as she wanted, tuluyan na siyang lumabas ng parking lot.

Nang makalayo na siya ay pumarada siya sa gilid ng isang kalsada at saka ginawa na ang sunod niyang plano. She transferred all the photos from the high tech camera to her spare phone with her dummy number. Isang prepaid number na ginagamit niya lang para sa mga ganoong kaganapan. Pagkapasa niya ng mga litrato at short video clip na nakuha niya ay sinimulan naman niya ang editing. Nilinawan niya ang resolution para mas makita ang mukha ng lalaking manyakis. Nang masiguro ni Janessa na handa na ang footage, tiningan niya ang cellphone number na natanggap niya at isinulat ng lalaki sa kanyang hita.

She sent to that number the files and the note that would give Janessa another feeling of satisfaction.

All men are trash and you're one of the trashiest of them all.

Kasama sa mensahe niya ang account number na kailangan ng lalaki para matahimik ang buhay nito.

Alam ni Janessa na ilang minuto lang ay magriring na ang kanyang cellphone. When it happened, she smiled from ear to ear. Pagkasagot pa lang ng tawag ay nagsalita kaagad ang lalaki. Hindi pasigaw ngunit hindi rin pabulong. Parang nagpipigil itong magwala habang pinipilit ding pakalmahin ang sarili.

"Sino ka? Bakit mo ginagawa 'to?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Sa pakiwari ni Janessa ay kasalukuyang nagbibihis pa rin ang lalaking iyon nang mapagtanto kung anong nangyari sa kanya.

"I'm the worst villain of your kind."

"Ano namang kind ang sinasabi mo?" Nagsisimula nang tumaas ang boses ng lalaki. Imbis na sagutin ito ay tinawanan muna siya ni Janessa. Sa lutong ng tawa niya ay siguradong natigilan ang manyakis na iyon.

"The kind that I want to banish from this world. Mga lalaking manyakis at katawan lang ng babae ang hanap. If you want your good for nothing body to not be one of the amusing scandals this month, magpadala ka ng dalawampung libong piso sa account number na ibinigay ko. Magpadala ka ng screen shot kapag okay na. Ciao!"

Ibinaba na ni Janessa ang tawag at saka inihagis papuntang backseat ng kotse niya ang cellphone na 'yon. Saka na lang niya titingnan kung nagawa ng lalaking iyon ang utos niya. Sa buwan-buwan na ginagawa niya ang ganoon, hindi pa siya nakatagpo ng matapang na lalaking hindi sumunod sa napagkasunduan.

Pagdating ni Janessa ng bahay niya sa Quezon City ay sa gilid ng kalsada niya lang ipinarada ang kanyang kotse. Maaga din naman siyang aalis para magpunta ng sementeryo kaya't wala ring saysay kung ipapasok pa niya ang puting kotse niya sa garahe. Bitbit ang isang bag na pinaglagyan niya ng camera, spare phone at ng maliit niyang bag, she went out of her car and walked the few paces from the sidewalk to the gate of her house.

Sa isang bungalow sa maliit na subdivision sa QC nakatira si Janessa. Nagrerenta lang siya sa bahay na iyon. Mababa lang ang upa dahil noong dumating siya roon ay halos siya ang nagpagawa ng lahat dahil matagal na walang nakatira at walang gustong mag-upa sa bahay. Gusto nga ng may-ari na nasa America na bilhin na lang niya nang tuluyan ang bahay kaso lang ay wala pa siyang ganoon kalaking perang naiipon para bilhin iyon. Ang may-ari ng bahay ay namana ang bahay sa magulang na pumanaw na. Wala na raw silang balak umuwi ng Pilipinas at gusto na lang kumita mula sa property.

Pagpasok ni Janessa ng pulang gate ay inilock niya kaagad ito. Ilang hakbang lang naman ang layo ng gate mula sa front door ng mismong bahay. May pinturang puti ang exterior habang ang loob naman ay light blue. Pagpasok pa lang ng pintuan ay agad niyang hinubad ang suot na sapatos. Ipinatong niya iyon sa shoe cabinet sa may kaliwang gilid ng pintuan. Agad din niyang isinuot ang kanyang puting bedroom slippers. She moaned in satisfaction when she felt the soft and fluffy texture of the insole. Siniguro niyang naka-lock ang pintuan at nakapatay ang ilaw bago siya pumasok sa kanyang silid. May dalawang kwarto roon ngunit walang laman ang isa. Ginawa lang niya iyong tambakan ng mga luma niyang gamit. As she got in her bedroom ay sa banyo siya dumiretso. She looked at her face in the mirror at saka napailing. Kung titingnan ay parang ibang tao ang nakaharap sa salamin. Hindi kamukha ni Janessa De Luna ang babaeng nakikita niya. Inalis muna niya ang makapal na naka-arkong kilay na ipinatong niya at ang fake eye lashes niya sa mga mata. Napangiwi siya sa sakit. She sighed and took a piece of cotton pad and squirt some Micellar water make up remover on it. Marahang binura ang makapal na kolorete sa mukha. Ang mukha niya na nagiging canvass ng kanyang obra maestra isang beses isang buwan. Minsan pa, kapag sinisipag siya, she would go all out. She would do extra effort to change her appearance, adding to the normal contour makeup are some prostethics to make her cheeks fuller or her nose bigger.

Lahat ng iyon para lang makalabas siya at makapag-enjoy sa buhay. She smiled when she remembered how another charity institution would be receiving a donation of 20,000 pesos tonight. Ilang minuto rin bago tuluyang nawala ang make-up sa mukha niya. Naghilamos siya bago pumasok ng shower at saka naligo. She wanted to remove the filth of the men who went near her especially the one who touched her waist and tried to grab her breasts. Naiisip pa lang ni Janesaa ay nandidiri na siya.

She stayed under the showers cleaning herself for more than thirty minutes. Nakatatlong ulit siya sa pagsabon gamit ang iba't-ibang scent ng body wash na koleksyon niya sa banyo. Kulubot na ang mga daliri niya nang siya ay umahon. Nakatapis ng puting tuwalya, nagsepilyo na siya at bumalik sa silid para magbihis. Wearing only a white oversized shirt na may itim na check, she went to sleep.

Kahit na pagod at pasado ala-una ng madaling araw na siya natulog ay hindi pa rin siya nakaligtas sa bangungot na taon-taon ding dumadalaw sa kanya. 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon