34-Broken

149 15 3
                                    



HINDING-HINDI MAKAKALIMUTAN ni Janessa kung paano siya kinundena ng mga taong akala niya ay bago niyang pamilya.

It made her cry her heart out na para bang isang balon ng luha ang ngayo'y umaapaw mula sa mtagal nitong pagtuyot.

Si John naman ay hindi na nakatiis at pumasok na sa loob upang pakalmahin si Janessa.

"Nessa, I'm sorry. Please calm down. Kung gusto mo ihahatid na kita ngayon, you've been crying non-stop since--"

"Alam mo ba kung anong mas masakit?"

Nagflash-back kay Janessa ang lahat ng nangyari simula noong maospital siya noong papunta siya ng airport para sunduin si John.

"She's pregnant," narinig ni Janessa ang doktor na kusap si Jonna.

"Wow! This is good news! My brother will be delighted!"

"Since it's only her second trimester, she's on her fourth month--"

"What do you mean fourth month?" napakunot ang noo ni Janessa ngunit hindi siya nagsalita at nagpanggap munang natutulog.

"Your sister is four months pregnant. I'll be prescribing her some vitamins for the baby. The ultrasound report is also available if you want to--"

"She should be six months pregnant and not four," nagtatakang tanong ni Jonna. Iyon din ang tanong ni Janessa. She felt something was off with the doctor dahil imposibleng apat na buwan pa lang ang ipinagbubuntis niya. She was feeling weak and dizzy a month after John left for Europe ngunit hindi lang siya nagpapacheckup dahil abala siya sa pag-aaral at sa wedding preparations.

Na-delay ang flight ni John kaya't kinabukasan na ito nakarating ng ospital. Nang hanapin niya si John mula kay Jonna ay hindi niya inasahan ang isasagot nito sa kaniya.

"Dumating na ba ang Kuya mo?" she was meaning to talk to Jonna about what she overheard from the doctor ngunit hindi sila nagkaroon ng pagkakataon dahil umalis kaagad iyon ng kwarto niya pagkatapos makausap ang doktor.

"He did but he already left. You know what, Nessa. I did not believe it at first when the doctor told me you're four months pregnant dahil imposible, eh, six months ago pa simula nang magkita kayo ni Kuya. Pero after my investigation, I realized it could really be possible. Look. I have all the proof here inside this envelope. Dito na rin sa phone na 'to. May mga video clippings pa. I showed these to my brother and he left immediately."

Pakiramdam ni Janessa ay yumanig ang paligid at nagdilim ang paningin niya. Nang makarecover siya ay wala na si Jonna sa harap niya at naiwan na lang ay ang isang brown envelope at cellphone. Pinilit ni Janessa na bumangon at maupo. Inalis niya ang swero sa kamay kahit na magdugo pa ito.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang envelope. Ang mga nakita niya sa loob ay mas lalong nagpagulo sa isip niya. Hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang mga litrato na iyon maging ang mga video kung saan naririnig ang boses niya. There were videos and photos of her with the man who kidnapped her, si Rodney na akala noon ni Janessa ay isang mabuting kaibigan.

She closed her eyes. Nakita ni Janessa ang pagkaing dinala ni John sa silid. Tinabig niya ang tray papunta sa pintuan sa kinaroroonan ni John at nagbagsakan sa sahig ang bulaklak, pagkain at inumin. Nabasag rin ang plato at baso.

Hindi naman nagpatinag si John. Bumalik si Janessa sa pagkakaupo sa may dingding at patuloy ang panggagalaiti kay John habang lumuluha pa rin.

"Mas masakit lahat ng hindi mo ginawa!" she screamed. Halos mapaos na siya sa lakas ng pagsigaw niya.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon