ALAM niya naman na sira na ang araw niya at mas lalo pa itong nasira nang maubos ang natitirang oras ng umaga niya sa kakaresearch online tungkol sa pangalan ng babaeng narinig at ng kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya nito. She knew it was irrational of her to waste her time doing that but she couldn't help herself. She felt like her chest would combust with anger if she will not find out a thing about that marriage proposal and that girl.
Abala pa rin siya sa pagbabasa ng mga online articles nang mag-ring ang phone niya. She was too engrossed that she did not realize it was almost eleven in the morning.
"Ria, ano yon?" sagot niya. Hindi siya ganoon bumati sa sekretarya ngunit hindi niya naitago ang pagkamainit ng ulo niya.
"Ma'am, sorry to disturb you but I sent you the details of your meeting location earlier. Hind po kasi kayo nagrespond at nag-read kaya tumawag na 'ko. On the way na po ba kayo? One thirty pa naman po kaso lang baka po ma-traffic kayo," magalang ang boses sa kabilang linya kahit na masungit ang pagkakasagot niya sa tawag.
She sighed and nodded her head kahit na hindi naman ito nakikita ni Ria sa kabilang linya.
"I'll check. I was too preoccupied with something. Aabot naman ako there's still time. I'll see you at the office if we finish early. If its five pm you may go home without me."
Ilang segundong katahimikan bago muling sumagot si Ria.
"Ma'am, are you okay?"
Kahit na tatlong buwan pa lang silang magkakilala ay nababasa ni Ria ang moodswings ni Janessa. Marahil dahil mas may edad na ito kaysa sa kanya. Namana niya si Ria sa dating may hawak ng pwesto niya sa kumpanya. She was the youngest hired manager sa investment company dahil sa credentials niya.
"Yes. I'm fine. Thank you for asking. I'll call you when I'm at the location already."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ria sa kabilang linya. Inilalagay niya na ang cellphone sa handbag at ang laptop sa bag nito nang mapansin na hindi pala niya naubos ang pagkain niya. Pagkaligpit ng gamit ay binitbit niya ang tray na may tirang pagkain at dinala sa counter.
"Hi. Please pack these to go. I'd also like to order seven turkey sandwiches and seven bottled water."
"I-warm po ba ang sandwich, ma'am?"
"Is it too cold?"
"Hindi naman po."
"Sige, wag na lang nagmamadali na rin kasi ako. Please pack everything in one bag," sabi niya sabay kuha ng wallet sa kanyang bag at iniabot na ang credit card sa kahera.
Tumango ang barista at agad na ipinaayos ang order ni Janessa. Kahit na hindi niya halos nagalaw ang pagkain ay hindi siya nakakaramdam ng gutom. Sumasagi pa rin sa isip niya ang lalaking nakita sa sementeryo at ang hindi sinasadya niyang narinig na sinabi ng babae sa coffee shop.
Hindi na naghintay ng matagal si Janessa. Nang iniabot sa kanya ang card niya at resibo, maya-maya lang ay isang malaking brown bag na may green na logo na naglalaman ng mga pinamili niya ang iniabot sa kanya.
Ipinagbukas siya ng gwardiya ng pintuan ng coffee shop noong palabas na siya. She walked briskly towards her car. She unlocked it and got inside. Ipinatong ang bag na may pagkain sa passenger seat at ang ibang gamit naman niya ay sa upuan sa likuran. Nailagay na niya ang bag niya sa likod nang maalala na hindi pa pala niya alam kung saan siya pupunta.
"Nessa, ano ba? Mag-focus ka nga!" singhal niya sa sarili. Kinuha muli ang handbag at kinapa ang cellphone mula sa loob. She sighed when she saw multiple messages from her Boss at dalawang mensahe naman mula sa sekretarya. Nang makita ang address ay agad na itinipa ang location sa GPS ng kanyang kotse. One hour and 20 minutes ang nakalagay na estimated time of arrival o ETA.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...