31-Relationship Goals

88 9 0
                                    




ALAM NI JANESSA na hindi dapat siya umiiyak dahil siya naman ang pumili ng tadhana nila ni John. She was the one who called off the wedding. Siya rin ang lumayo at nagtago. Siya rin ang nagpasiya na saktan at guluhin ang buhay ng ibang tao para ma-pacify ang galit niya at ma-justify ang paghihiganti niya. Ngunit bakit pagkatapos ng lahat ng ginawa niya ay miserable pa rin siya? Kailan mawawala ang sakit at pait?

Naalala ni Janessa ang sinabi sa kaniya ng kaibigang si Anika. It was the day na nagpasiya na siyang umalis ng US at magtago sa Pilipinas. Mugto ang mga mata niya noon dahil naglalaban ang puso at isip niya sa gagawin niya. Ang alam lang niya ay nasasaktan siya. Pakiramdam niya ay may mabigat na bloke ng sementong nakadagan sa dibdib niya tuwing gising siya.

"Sigurado ka na bang aalis ka?"

"Wala na 'kong dahilan pa para manatili pa rito. You know I can't work here because he would definitely know. Isa pa, nakuha ko na ang MBA records ko. Pwede na 'kong mag-apply ng trabaho sa Pilipinas. With my school credentials and recommendation, siguradong may tatanggap naman sa 'kin," sagot niya sa tanong ni Anika. Matagal niyang pinag-isipan ang gagawin at nang makapagpasiya siya ay nag-book kaagad siya ng flight paalis ng America. May kaunti pa rin naman siyang naipon mula sa mga sideline niya throughout the years na naroon siya.

"I doubt it na walang magandang offers for you with your perfect academic records, pero paano na si John? Siguradong hahanapin ka--"

"He could go to hell for all I care!" nanginginig ang mga labing singhal ni Janessa sa kaibigan.

Hindi naman nagpatinag si Anika. Hinarap siya nito bago nagsabi, "Nessa, he is experiencing hell just like you are. Batid ko sa boses niya na nagsisisi siya at gusto kang makausap at makasama. Araw-araw tumatawag sa'kin 'yong tao. Napapagkamalan na nga siyang jowa ko sa restaurant sa dalas ng pagtawag niya--"

"I'm sorry for inconveniencing you. Pwede mo naman i-block na lang ang number niya o kaya i-auto divert to voice mail kapag siya ang tatawag," sagot ni Janessa na hindi pinansin ang unang parte ng sinabi ni Anika.

"That's not the point. He's trying his best to reach out to you. Why don't you give him a chance?"

"Chance? Ilang chance ba ang dapat kong ibigay sa tao? Buong buhay ko, lagi na lang akong niloloko, inaapi, iniiwan, ginagago! I thought this time, it's different. Akala ko si Jonna at John ang magsasalba sa hindi magandang paniniwala ko sa ugali ng mga tao! They made me believe that I could live like a human being capable of loving and being loved. Pero anong ginawa nila?! Nilaglag nila ko sa mga sandaling kailangang kailangan ko ng taong maniniwala sa 'kin at magmamahal!"

"Nessa--" napatayo si Anika para lumapit kay Janessa.

Kahit anong pigil ni Janessa ay tumulo muli ang mga luha. Sumasakit ang lalamunan niya sa pagpigil sa pag-iyak ngunit hindi nagtagal ay humahagulgol na naman siya. She pitied herself for being vulnerable once more. Akala niya huling beses na siyang iiyak noong namatay ang umampon sa kaniyang guro na naging susi para makapunta siya ng America. She distanced herself from other people dahil takot siyang masaktan. She only cared about money and her success dahil tuwing magtitiwala siya sa iba at magmamahal dalawa lang ang kinahihinatnan, iiwanan siya o gagamitin siya. Parehong masakit at parehong hindi na niya gusto pang maranasan.

"Ayoko siyang makita o makausap. Masyadong masakit--"

"I understand, pero hindi ka ba nasasaktan na magkahiwalay kayo? Hindi ba mas masakit na hindi na kayo magkikita?"

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon