DIRETSO ang tingin ni Janessa. Iniwasan niyang tingnan ang kotseng nakaparada sa may matalahib na gilid ng bahay na ilang dipa na lang ang layo mula sa kaniya. Nang mapatapat na sa pintuan ng bahay ay binitiwan ni Rodney ang pagkakahawak sa mga kamay niya at saka kinuha ang baril na isinukbit sa likuran ng suot na pantalon.
"We're here. My surprise is waiting for you inside," sabi ni Rodney nang iniangat ang kamay na may hawak na baril at itinuro ang pintuan ng bahay.
Tumango si Janessa at pilit na ngumiti. Pinipigilan ang panginginig ng buong katawan sa maaring masaksihan sa loob ng bagong bahay na pinuntahan nila. Kagaya ng pinanggalingan nila ay mukha ring abandonado ang lugar. Ang pinagkaiba lang ay two-storey ang bahay na iyon. Kalahati ng itaas na palapag ay walang bubungan at basag ang mga salamin ng bintana. Ang ibabang parte naman ay may mga cracks ang sementadong pader na puro lumot pero ang mga bintana ay kulay itim ang salamin. Sinipa ni Rodney ang kahoy na front door. Dahil nakalapat lang ito sa frame ng pintuan at wala namang door knob ay agad iyong bumukas. Pagpasok sa loob ay saka naintindihan ni Janessa kung bakit itim ang salamin ng bintana. Imbis na kurtina ay may mga naka-tape roon na itim na garbage bag. Walang laman ang bahay. May mga bitak ang dingding sa loob ng unang palapag. Kita rin ang kusina at may banyo siyang naaninag na walang pintuan. Kapansin-pansin ang winding staircase na paakyat sa pangalawang storey ng bahay.
"Bro, where are you? I'm back!" pasigaw na tawag ni Rodney na nakatingala sa ituktok ng hagdanan na hindi gaanong kita mula sa kinaroroonan nila. Nang walang sumagot ay hinila nito si Janessa papalapit at iginiya siya palakad sa hagdanan. Palinga-linga ito habang naglalakad sila. Mahigpit rin ang pagkakakapit nito sa braso ni Janessa habang paakyat sila ng hagdanan.
Pakiramdam ni Janessa ay parang tatalon palabas ng dibdib ang puso niya dahil sa lakas ng pagbayo nito. Sa bawat hakbang niya sa madumi at mabatong sahig ng hagdanan ay mas lalong tumitindi ang pagnanasa niyang tumakbo at tumakas, ngunit hindi niya iyon magawa dahil hindi pa nya alam kung nasaan si John.
May narinig silang kumalabog sa itaas na palapag kaya't tumigil sa paghakbang si Rodney at ikinasa ang hawak na baril. Si Janessa naman ay nanatili lang sa tabi nito at nagmamasid sa paligid, tinatalasan ang pandinig at ang mga mata. Ilang segundo ring hindi gumalaw ang dalawa bago muling nagpatuloy. Tila napakabagal ng oras sa mga panahong iyon. Ang dalawampu't tatlong hakbang ng hagdanan ay parang isang oras ang iginugol nila bago marating ang landing ng second floor.
Pagdating sa ikalawang palapag ng bahay, sumandal si Rodney sa balustre ng hagdanan at ganoon din ang ginawa ni Janessa. Napatuon ang atensiyon niya sa tatlong pintuang nakasara. Hindi alam ni Janessa kung namamalikmata lang siya ngunit ang isang pintuan ng kwarto ay parang kalalapat lang nang makapanhik sila. Nang sumigaw ulit si Rodney ay napalingon siya rito.
"Shit, Bro?! Doc!?" Nakita ni Rodney ang mga patak ng dugo sa sahig ilang hakbang lang ang layo mula sa kanila. Binitiwan nito si Janessa at maingat na sinundan ang patak ng dugo.Janessa's instincts kicked in at that moment, dahil hindi na siya hawak ni Rodney ay hindi siya sumunod sa paghakbang nito. Nang isang metro na ang pagitan nila ay dahan-dahang naglakad si Janessa patungo sa unang palapag. Isang baitang na lang ay nasa baba na siya nang may marinig siyang tatlong magkakasunod na putok ng baril.
Imbis na dumiretso pababa at palabas ng bahay ay hindi napigilan ni Janessa ang pumihit at tumakbo muli paakyat patungo sa pinanggalingan ng tunog. Pagdating sa second floor ay tinungo niya ang dulong kwartong nakabukas ang pintuan. Hindi kaagad siya pumasok. Sinilip muna niya ang sitwasyon sa loob.
Doon niya nakita ang isang lalaking may hawak ng baril. May sira-sirang sofa sa gitna ng silid at sa likuran noon ay may lalaking nakahandusay sa sahig. Sinipa palayo ng lalaking nakatayo ang baril sa may paanan sofa. Napagtanto i Janessa na sapatos ni Rodney ang nasa lalaking nakahandusay sa sahig. Noon siya muling bumaling sa lalaking nakatalikod pa rin at hindi alam na naroon siya.
"John!" pabulong niyang pagtawag. Natatakot si Janessa na kapag sumigaw siya ay dumating ang kasama ni Rodney.
Kahit nakatalikod ay alam ni Janessa na si John iyon. Ang itim nitong suot na coat ay madumi at puno ng alikabok. Nang humarap ito sa kaniya ay may natuyo na dugo sa noo nito. Duguan rin ang kaliwa niyang braso.
Nakatitig lang si John sa kaniya ng ilang segundo bago nito nabitiwan ang baril na hawak at naglakad palapit sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan ng lalaki nang yumakap ito kay Janessa.
"Nessa," bulong nito sa may tainga niya. She could see that he was in pain but he still smiled at her.
"May tama ka! Sandali, baka matamaan ko ang sugat--"
Natigilan si Janessa nang maaninag ang taong kanina lang ay nakahandusay sa sahig. Hawak nito ang baril na nabitiwan ni John. Si John naman ay humarap at pumagitna kay Rodney at Janessa. He would use his body to shield her from harm.
"Anong akala ninyo? May happy ending kayo?! Kung hindi rin ako ang makikinabang sa 'yo, magsama na lang kayo sa impyerno!"
Ang bilis ng pangyayari. Pagkaputok ng baril ay itutulak sana ni Janessa si John palayo ngunit naunahan siya nito. Itinulak ni John si Janessa pakanan, palayo sa trajectory ng baril ni Rodney. Napaupo si Janessa sa may pintuan ng silid.
"No!" umalingawngaw ang sigaw niya kasabay ng nakabibinging tunog ng peligro.
Dalawang bala na magkasunod ang pinawalan ni Rodney. Tumama ang mga iyon sa likuran ni John kaya't napaluhod ito sa sahig dahil sa lakas ng impact. Bumaling si Rodney kay Janessa ngunit nang kinalabit nito muli ang trigger ay wala na siyang bala.
With the empty cartridge of his gun, she saw him panic and looked for the other gun, ang baril nitong sinipa ni John papalayo. Nang tumalikod ito para kunin ang baril, hindi na nagdalawang isip si Janessa. Bumangon siya at patakbong sumugod kay Rodney. Hindi pa siya nakakakalahati ay may humila sa braso niya at kapwa sila natumba sa sementadong sahig.
She felt like she was falling towards darkness. Kadiliman na hindi niya alam kung makakaalpas pa siya. Ang huling naisip ni Janessa bago siya nawalan ng malay ay ang vow na sinasabi tuwing ikakasal, to love and to cherish, until death do us part.
Wala pa nga silang to love and to cherish, death na agad?
Hindi na ba talaga sila aabot sa sarili nilang happy ending?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...