22-Announcement

105 10 0
                                    


PAGDATING ni John ng Maynila dalawang araw mula nang matanggap niya ang balita mula sa tauhang si Bong ay agad siyang nagtungo sa mansyon ng mga Valle. Kasama niya si Jonna ngunit ilang minuto pa lang ay umalis na ito dahil sa iniutos ni John sa kapatid.

Bago ang pagpunta nila sa mansyon na iyon ay nakabuo na ng proposal si John. Ang kailangan na lang ay ang pagpayag ni Venice Valle.

"My daughter Fiona will be down in a short while. I'm sorry for keeping you waiting," nakangiting sabi ng elegante at sopistikadang ina ni Venice. From John's research, napagalaman niyang Fiona ang ginagamit na pangalan ng heredera ng mga Valle. She was hidden from the public to protect her privacy at naexpose lang ang identity niya dahil sa kagagawan ni Janessa. She lived a very private life to the extent na hindi siya nakatira sa bahay na kasama ng mga magulang niya. Alam ni John na mahirap para sa herederang iyon ang pinagdadaanan niya ngayon na kada kibot at galaw ay nakabalita na sa social media, tabloid, news at ibang society pages.

"No problem po. I'm sorry to put you on the spot like this for my unannounced visit," magalang niyang sagot. Hindi naman talaga unannounced dahil nakipagappointment siya sa mga magulang ni Fiona sa telepono for an after office hour visit to their home. He told them about his intention of continuing with the proposed merger by marriage na napabalita noon. Nasa receiving area siya noon at nakaupo sa mahabang beige na couch nang mapalingon sila sa bagong paparating.

"Ah, ayan na pala siya--"

John stood up and smiled when he saw a tall and gorgeous woman wearing a revealing blue sundress and white sandals walk towards them.

"Good evening," nakangiting bati ni John kay Fiona.

"Fiona, this is John. His sister was just here a few minutes ago but had to leave to meet a friend." Tumango si Fiona at ngumiti sa pagpapakilala ni Mrs. Valle. Nag-abot ng kamay si John at nag-shake hands silang dalawa ni Fiona.

"Si Papa?" tanong ni Fiona sa ina.

"Padating na. Maiwan ko muna kayo. May kukuhanin lang ako sa taas."

Pag-alis ng Mama ni Fiona ay saka lang siya pinagtuunan ng pansin ng dalaga. It was obvious na kinikilatis nito ang itsura niya.

"Are you done staring at my face?" ngumiti siya at sinadyang ipakita ang dimples sa pisngi.

"Hindi pa. Wait lang," sagot ni Fiona.

Natawa si John nang tiningnan naman ni Fiona ang katawan niya. Hindi naman siya naconcious dahil sanay naman siyang pinagtitinginan ng mga babae.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli si Fiona, "ayan, okay na."

"Great. Sana pumasa 'ko sa eye scanner mo," biro ni John. He wanted to be on good terms with her lalo na at kailangan niya si Fiona para sa ikatatagumpay ng plano niya.

"Pwede na. So, what's your real motive for coming here?" Nakangiting tanong ni Fiona.

Iyon na ang chance niya. Kinuha ni John ang papel na inihanda niya para sa pagkikita nilang iyon.

He smiled and handed her a piece of paper with a draft article. Mayroon din itong blank space para insertan ng litrato.

SOCIETY PAGES MARRIAGE ANNOUNCEMENT : John Foul, the youngest Fil-American Billionaire of JF Enterprise will wed Venice Valle of Valle Realties in a month's time. This will be one of the biggest merger of two of the biggest business magnates of this lifetime.

Recently, Venice Valle was in the middle of an unfavorable scandal involving another man that was proven untrue. As of writing, the couple, John and Venice are in the middle of preparations for the biggest wedding of this century.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon