NAKADAPA sa kama si Janessa habang si Anika ay nakaupo sa couch sa hotel suite nito. Nakakapit si Janessa sa ulo. Tuwing ididlat niya ang mga mata ay nahihilo siya. Inisip niya kung ilang bote ng alak ang naubos nilang tatlo ni Jonna at Anika ngunit hindi na niya mabilang. She was trying to drown herself and forget her misery pero ang ending matinding hangover.
"Ano? Sa ilang araw natin dito sa hotel na ang nagbayad pa ay ang ex-fiance mo na ikakasal na mamaya, ang tanong ko ay, natauhan ka na ba?" Ang lakas ng boses ni Anika parang may pumupukpok sa ulo niya sa tuwing magsasalita ng malakas ang kaibigan.
"Anika, ang lakas ng boses mo ang sakit ng ulo ko--"
"Oo na. Kung may hangover ka pa dahil sa dalawang gabi mong paglalasing, well, dapat makagetover ka na rin sa ex mo na never mo na makikita for life kapag hindi ka pa rin umayos sa kagagahan mo!"
Ipinikit ni Janessa ang mga mata. Nang mabanggit ang ex ay si Jonna kaagad ang naisip niya.
"Si Jonna?"
"Umalis syempre mamaya na ang wedding of the century. Pwede ba siyang mawala sa kasal ng kuya niya. Kahit paulit-ulit niya sinasabi na ikaw ang real sister in law niya forever, e kung fake ka naman anong magagawa niya hindi ba?"
Wedding. Sister in law. Forever.
Gustong magmura ni Janessa dahil lahat ng salita ni Anika ay parang tumusok sa puso niya at pumupokpok sa ulo niya.
"Anika!"
"Gusto ko lang talagang maging mabuting kaibigan kaya andito ako pero please naman Janessa, dalawang gabi ka na naglalasing at iyak ng iyak! Sino bang pinaparusahan mo! Sarili mo lang at kaming mga kaibigan mong kailangan ring uminom at makinig sa kangangalngal mo! Kung masokista ka sa katangahan at pagka Ms. MaPride mo, 'wag mong idamay ang iba!"
Gusto na namang umiyak ni Janessa. She wanted to forget his face when he was crying in front of her. His eyes looked haunted. Parang takot na takot habang kausap si Janessa. Ang naisip lang ni Janessa ay ang sakit na pinagdaanan niya. Hindi niya naconsider kahit kailan ang feelings ni John. She was miserable because of that realization. She wanted to hurt him more than how she was hurting. Pero nang ma-realize niya iyon, instead of feeling vindicated and satisfied, mas bumigat ang pakiramdam niya.
"Anika, please--"
"Kaming mga spectator ng love story ninyo ni John, umaasa ng happy ending samantalang ikaw na mismong bida, gusto mo pa magpakamartir na wala namang kapararaan!"
"Anong kapararaan?" tanong niya. She wanted to divert her attention. Hindi na siya dapat umiyak. She needed to compose herself.
Tumawa ng malakas si Anika.
"I don't even know! Pero what i meant was napaka-useless na ng drama mo. Sarili mo na lang ang nag-eenjoy na pinapahirapan mo ang self mo. Si John nananawa na rin ng pagtatago mo at pagpapahirap sa kaniya. Sabagay, kahit naman sino kung ilang taon na pagtaguan hindi ba mababaliw din, tapos lakas mo magconfide sakin na nakipagchukchakan ka ng ilang beses, eh tinaguan mo naman ulit after. Ano 'yon? Gaga ka sa no strings attached! Hindi applicable 'yon sa lalaking kulang na lang sambahin ang nilalakaran mo! Maawa ka naman sa tao."
She felt deflated. Tuwing maalala niya ang mga ginawa niya, she wanted to hit herself in the head. Pero hindi niya pa rin inamin.
"Ang OA mo mag-describe! Ang lakas pa ang sakit sa ulo!"
"Hoy, hindi ako OA! Ulol ka rin!
"Sabi ko masakit sa ulo 'yang boses mo!"
Napatingin sa kaniya si Anika at natawa. Hindi alam ni Janessa kung lasing pa rin ba si Anika dahil diretso naman ito magsermon at ang lakas pa ng boses.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...