PAGKAALIS ni Jonna sa condo unit ni Janessa ay nakatulala lang siya at nakatingin sa pintuang nilabasan ng dating kaibigan.
Ang kanang kamay ay napakapit sa kaliwang dibdib. She realized that her hands were trembling at mas mabilis kaysa karaniwan ang pagtibok ng puso niya.
"I don't care! Sige magpakasal siya sa iba!" she scoffed and rolled her eyes kahit na wala namang nakakarinig at nakakakitang ibang tao. Pumasok siya sa kwarto niya at dumiretso sa banyo. Sa harap ng salamin doon ay tinitigan niya ang sarili.
She saw her pale expression and held her hands together tightly to try and stop them from trembling.
She looked into her own eyes and said, "get a grip, Nessa. You wanted this. For him to be out of your life permanently."
Nang sabihin niya iyon ay parang may kumurot sa puso niya at mas bumilis pa ang pagtibok nito.
She hissed at herself. Wala naman talaga siyang ibang kalaban kung hindi ang sarili niya. Her anger and bitterness was unbearable. Pumunta siya ng closet at kumuha ng pulang tube top, fitted leather jeans, ang bagong bili niyang lace lingerie at ang make-up bag niya. Inilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng kama at saka bumalik sa cabinet niya sa banyo. Kinuha niya ang isang black box sa sulok ng lagayan ng mga tuwalya. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang mumurahing klaseng cellphone na may prepaid sim card. She sighed when she realized na tatlo na lang ang stock niya. She would have to think of another way to communicate kapag naging in effect na ang pagreregister ng sim card sa bansa.
She took the phone and went back inside her room. Dahil nakaligo naman na siya ay nagsimula na lang siyang magpalit ng damit. She looked at herself in the mirror while wearing her red lacy lingerie. Her lips trembled when she saw the faint horizontal scar on her abdomen. She shook her head at tinapos na ang pagbibihis. Parang second skin ang suot niyang damit dahil sa pagkakahulma nito sa katawan niya. Make-up naman ang inatupag ni Janessa. Sanay na sanay siya sa pagbabago ng anyo dahil sa dati niyang trabaho kasama si Daryl ay may mga pagkakataong kailangan niyang mag-transform at magdisguise. Sa pagkakataong iyon, hindi siya gumamit ng prosthetics. She wanted to feel more of herself kahit na ibang-iba sa normal na ayos niya. Makapal na make up, mahabang pilikmata at nagsuot siya ng pixie cut wig upang itago ang mahaba niyang buhok. Isang high heeled boots na hanggang tuhod ang isinuot niya. It took her more than an hour. When she was done, she looked at herself in the mirror. She smirked as she stared at her masterpiece.
"Akala mo ikaw lang ang pwedeng makahanap ng iba? I can do that with just a flick of my finger."
Isang black handbag na cash at cellphone lang ang laman ang bitbit ni Janessa nang lumabas siya ng condo unit. Sa parking lot kung saan nakaparada ang bago niyang kotse siya dumiretso. Naka-on na ang ignition at naka-seat belt na siya. She was about to drive away from her designated parking space nang makita niya ang isang pamilyar na lalaking bumaba mula sa isang itim na SUV. Umalis na rin ang sasakyan pagkababa ng lalaki mula roon.
Sa gulat niya ay napayuko siya para magtago. Dahil doon ay napindot niya ang busina. Umalingawngaw ang tunog ng busina sa basement parking kung nasaan sila. Iniangat niya ang ulo niya ng bahagya upang malaman kung naroon pa ang lalaki. She cursed herself for not making her car's tint a bit darker. Maliwanag pa naman sa tapat ng kotse niya dahil nasa may elevator ito ng building. Sa malayuan ay hindi siya makikita nito ngunit kapag malapit na ay baka maaninag siya sa loob.
"Shit!" bulong niya nang makitang lumingon sa kotse niya ang lalaki. He was squinting his eyes as if trying to see who was inside the car.
"Alis na--" bulong ni Janessa sa sarili. Humakbang ang lalaki palapit ng kotse. Nang isang metro na lang ang layo nito mula sa kanya, Janessa placed the gear on drive at ilalabas na sana ang kotse mula sa parking space nang bumunot ng cellphone mula sa bulsa ang lalaki.
"Yes? John Foul here," narinig niyang sabi ng lalaki.
"I'm not sure. My sister is there but yes, sure, I'm coming right up," sabi nito habang tumalikod na at naglakad patungong elevator.
"Coming right up? So dito talaga sila nakatira?!" mabilis ang kaba ng dibdib na sabi ni Janessa sa realisasyong iyon.
It took her a few minutes to compose herself. Nang makabawi na siya ay pinaandar na niya ang kotse palabas ng parking lot at patungo sa isa sa mga kilalang bar sa BGC.
Dahil siguro weekday ay hindi masyadong crowded sa bar na iyon. Naisip niyang mas mabuti iyon para mas madali siyang mapansin ng mga lalaking pwede niyang turuan ng leksiyon.
"One Mojito, please." sabi niya sa bartender pagkaupo niya sa booth doon sa bar. She made sure na walang nakaupo sa magkabilang gilid ng upuan niya. That way, men would be more than willing to sit beside her.
Pangatlong punta pa lang niya sa lugar na iyon at every time ay iba ang anyo niya. She was sure na hindi siya mamumukhaan ng bartender na sakto namang laging naroon kapag nagpupunta siya.
She watched closely habang ginagawa sa harapan niya ang inumin niya, una dahil gusto niyang makasigurong walang ibang halo iyon at pangalawa, she wanted to keep her mind off of things.
Nang mailapag na sa harapan niya ang inumin ay agad niyang sinipsip ito. She felt refreshed with just a sip kaya't ininom niya ng tuluyan ang isang baso. When she was done with her glass of mojito, she felt a little lighter. Nag-order pa siya ng tatlo while wishing na may maupo na sa tabi niya para madivert ang atensiyon niya sa alak. Pagkaubos niya noon ay mas gumaan pa ang pakiramdam niya. Wala pa siyang treinta minutos sa bar na iyon ay nakaapat na baso na siya ng cocktail na may halong rum. She looked around at wala siyang makitang prospect. May mga magkakagrupo na nagsasaya roon at may ilan ring couples na naglilingkisan sa ibang lamesa. She scoffed and shook her head. Parang nahihilo na kaagad siya kahit kadarating lang niya. Is she getting drunk already?
"Imposible," bulong ni Janessa sa sarili. She has a high alcohol tolerance level at maghahanap pa siya ng mabibiktima sa gabing iyon.
"Three blowjob shots, please," sabi niya sa bartender. Ngayon, gusto naman niyang magising kaya't ang may halong irish cream naman na usual niyang order ang hiningi niya. Napangisi siya nang marealize na laging blowjobt shots ang order niya tuwing may lumalapit sa kanyang lalaki.
She was done with the drinks ay wala pa ring lumalapit sa kanya. Napaisip siya kung masagwa ba ang damit niya. Tiningnan niya ang suot na damit. Kita naman ang cleavage niya at hapit naman ang damit. She looked gorgeous kung standards ng mga manyakis na lalaki ang batayan. She sighed and shook her head. Pakiramdam niya ay nahihilo na siya kahit na kaunti pa lang ang nainom niya. She had to admit na failure ang lakad niya sa gabing iyon.
"Tatlong daiquiri, last order," natatawa niyang sabi sa bartender nang mag-order siya ng matamis na inumin naman. Baka sakaling mabawasan ang pagka-bitter niya sa buhay. She took out 4,000 pesos from her bag at inilapag sa counter. Kasya na siguro iyon sa mga inorder niya. She wanted to pay bago pa niya makalimutan. Kailangan niya rin palang mag-taxi dahil hindi siya makakapagmaneho sa lagay niyang iyon.
"Can I have a pen and paper?" tanong niya sa bartender. Nang iniabot iyon sa kanya ay isinulat niya ang address niya, with a little note at the bottom. She would ask the bartender to give that to the cab driver kung sakaling malasing siya ng tuluyan.
Habang nasa pangatlong daiquiri na siya ay may lalaking naupo sa tabi niya. She smirked dahil lumapit ito kung kailan tipsy na siya. Very bad behavior. She still knows what's happening kaya't hindi naman siya kinakabahan. She could still use that man to her advantage. Kailangan lang niya ng effort to stay sober.
"One coke zero and a glass of water for the lady."
When she heard that voice ay nabura ang ngiti sa mga labi niya. Paglingon niya sa tabi niya ay eksaktong paglapag ng isang itim na coat sa mga balikat niya. Kinuha nito ang papel sa ibabaw ng counter na pinagsulatan ni Janessa.
She remembered what she wrote kaya't sinubukan niyang agawin ang papel na iyon. Dahil nahihilo na siya ay napadantay siya sa katabi. His arms were around her in seconds.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...