19-Preparation 2

108 12 0
                                    

NANG makita si John ng dalawang lalaki ay napansin niyang naningkit ang mga mata ng namukhaan niyang kaibigan ni Janessa. Lumapit siya sa dalawa at nag-abot ng kamay. Sanay si John sa mga business transactions at ang specialty niya ay negotiation. Kung sana naiaapply niya ang skills niyang iyon kay Janessa, hindi na sana sila umabot pa sa mahirap na sitwasyon. Kailangan niyang maging successful ang pag-uusap nila. Sa tingin ni John, hindi madadaan lang sa pera ang pagpapasunod niya sa dalawa. He needs leverage.

"I'm John Foul. Thank you for accomodating my request to meet here. Please sit down. This won't take long," sabi niya ng nakangiti.

"I'm Daryl and this is Fernando though I don't know if we really have to introduce ourselves. Mukhang kilala mo naman kami base sa sinabi ng kasama mo," lumingon ang isang lalaki kay Rolly na nakafull black na damit at nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Contrary to that, I don't know much. I just know that you were talking to my fiancee this afternoon."

"Fiancee?" si Fernando ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata nito at tumingin kay Daryl. Magkatabi sila sa mahabang couch ng hotel room habang si John ay nasa single couch naman na nasa kanan ng dalawa.

"Yes. Janessa is my girlfriend and fiancee. May misunderstanding lang kami ngayon pero I'm working hard to get her back, which brings me back to the reason why you're here."

Napansin ni John na nagsalubong ang kilay ni Daryl at mas umayos ng upo.

"I'll give you anything you want kapalit ng pagsabi ninyo sa akin kung anong ipinapagawa ni Janessa. I know there's something dahil pumayag siyang makipagkita sa 'kin mamaya. It's either that or I have to throw a party dahil gusto na akong makausap ulit ng mahal ko."

Mas lumalim pa ang pagsasalubong ng kilay ni Daryl habang si Fernando naman ay napakunot din ang noo at napanganga.

"Anything?" tanong ni Daryl.

Nag-ring ang phone ni John.

"Excuse me for a second, I have to take this call." Tumayo si John at pumasok sa isang kwarto ng hotel room na iyon.

"Bong, may nakuha ka na?" tanong niya. Ito ang lifeline ni John sa pagkakataong iyon.

"Yes, Boss. Si Daryl may girlfriend na nasa ospital, waiting for heart surgery ang girlfriend niya kaya todo kayod para makakuha ng pampaopera. Ang isang kasama naman niya, si Ferndando, may sakit din ang kapatid na babae kaya pumasok din sa ganiyang raket. They also work together in a legitimate business, a small Advertising Agency but its not flourishing right now."

"Okay. Find the best cardiologist and doctors to treat both patients kung wala dito kahit saang bansa. I'll shoulder all the expenses kapag naging maayos ang usapan namin."

"Yess, Boss."

"Good job. Ang bilis ng intel. Sana ganito rin kabilis kapag tungkol kay Janessa."

"Alam mo naman, mahirap i-trace si Janessa. Parang may mahika tuwing mawawala siya."

Napabuntonghininga si John. He knew that was true. Tuwing matatagpuan nila si Janessa ay bigla na lang itong nawawalang muli. It would take months bago siya makita ulit. There was this one time na sinubukan nilang gamitin ang credit card transactions ni Janessa to trace her ngunit hindi pa rin nila ito nahanap. She might have used cash during those times. Nakailang palit na rin ng kotse si Janessa. Tuwing lilipat ito ng trabaho lahat pinapalitan nito. Ang address naman na registered ay hindi din nito inuuwian. She's always been good at everything, and now even at hiding from him. He closed his eyes to rid himself of those awful memories and focused again on the task at hand.

Bumalik na si John sa may receiving area ng hotel room na iyon at naupo na muli.

"You can ask me for anything in exchange for your assistance. Though, I found out something that may interest you," humarap si John kay Daryl at saka nagpatuloy, "I don't know all the details but I will shoulder all the medical expenses of your girl and your sister," kay Fernando naman siya humarap, "kahit saang bansa o kung sinong doktor ang gusto ninyo, I can make that happen. You don't have to go back to this business to shoulder the surgery and treatment costs. When I say this business, you know what I mean." Binigyang diin ni John ang salitang business.

Nakita ni John ang pagbabago ng mga mata ni Daryl at ni Fernando. Their glare softened. Bullseye, ang naisip ni John. Ilang segundo lang ay sumagot na ang lalaki.

"Anong kailangan naming gawin?"

Napangiti si John at bahagyang lumapit sa dalawa.

"Tell me what she paid for you to do," he said seriously.

Nang ipaliwanag ni Daryl ang detalye ay nakinig ng mabuti si John.

Si Janessa ang mag-iinstall ng hidden camera sa hotel room at pupunta lang sila doon kapag napatulog na niya si John. They would add more kung kailangan pa pagdating nila. She planned on using something to make him sleep. Pagkatapos noon ay magsisimula na ang pag-stage ng scandal at doon na papasok ang dalawang lalaki. They would execute the plan and send Janessa the results the following day.

"She knows how to install hidden cameras?" tanong ni John.

"She knows a lot of things kaya hindi ako magtataka kung gagawin niya ulit ito na mag-isa. Whatever it is na hindi ninyo napagkasunduan, you might want to expedite your reunion dahil mahirap kalabanin si Nessa. She's been through so much in her life and doing this to someone who caused her pain is easy for her."

He felt his eyes twitch and his hand trembled. He remembered all his promises to her and then he bailed out during the time na pinakakailangan siya ni Janessa.

"I know. I hope this will be the last time we'll be planning something like this."

"Do you have something in mind para sa gagawin mamaya? We can't just not show up. She will know and she will do something worse--"

"I know, Daryl. Kaya stick to the plan until the part na ilalabas ang mga photos at videos. Make sure she wouldn't have a copy para maprevent natin ang scandal na gusto niyang i-stage. I'll try to stall for time and try to convince her how much I---" natigilan siya at napabuntonghininga bago muling nagsalita, "anyways, I'll do my part and do yours. One more thing," tumayo si John at kinuha ang envelope na may mga litratong ipinaprint niya. Inalis niya sa brown envelope ang isang set at saka binitbit papunta sa kinauupuan nila Daryl.

"Instead of the results she wanted, include this. Wait I'll write something for her," he walked towards one of the rooms. Naalala niya ang blue pad paper at white marker na nasa drawer ng bawat silid sa hotel na iyon. He used that to write a note for Janessa. Kung sana lang ay kayang bawiin ng simpleng sulat lang ang lahat ng nangyari at mapabalik na niya si Janessa sa buhay niya, siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

When he was done writing the note ay bumalik siya kaagad at inilagay sa loob ng envelope na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa tapat nila Daryl.

"You might want to return the money she paid you. I don't know how you guys work but I hope the next time she asks for your help about something like this, please let me know. I'm trying to separate her from that part of her past. Gusto ko rin sanang hindi makagawa si Janessa ng mga bagay na pagsisisihan niya sa huli."

Tumango si Daryl at Fernando.

"Give me your number so we can send you an update tomorrow. Pasensiya na rin mamaya sa gagawin namin. If you'll be sedated, hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ni Nessa aside sa napagusapan namin kanina."

Nag-abot ng business card si John kay Daryl. "Just ensure nothing will get leaked. Kahit iwanan niyo na lang ako sa hotel na 'yon. Ilang oras ba ang epekto ng sedative?"

"Four hours at the maximum," sagot naman ni Daryl.

"Okay. Siguro naman walang camera sa receiving area at sa may pintuan ng hotel?"

"Ang alam ko she didn't want to be filmed whatsoever kaya sa kwarto lang ilalagay ang camera."

Tumango si John. Nagpaalam na ang dalawa nang masiguro ni John na nasa kwarto lang si Janessa at walang risk na magkita ang tatlo by accident.

Now, its up to him to use that small of window of time bago siya gamitan ng pampatulog ni Janessa para maiparamdan niya sa babaeng iyon kung gaano niya na ito namimiss at gaano niya ito kamahal. He knew words would only provoke her kaya gagamitan niya ng action. He needs to make her remember and feel again. Sana lang ay may patunguhan ang lahat ng gagawin niya sa gabing iyon. 

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon