NAPAKAMALAS ng araw na iyon. Pumikit si Janessa at huminga ng malalim. Pilit na pinakalma ang sarili. Sa mga pagkakataong ganoon, wala siyang ibang choice. Ibinaba niya ang bintana ng driver's seat at saka nakataas ang kilay na sinabihan ang tao sa labas.
"Sakay. Sa daan na tayo mag-usap. Busy ako ngayon."
Mabilis ang mga hakbang na umikot ang taong iyon sa may harapan ng kotse. Nakatatlong subok ito na buksan ang pintuan bago inunlock ni Janessa. Hindi nito napigilang mapangisi ng sa wakas ay nakasakay na siya ng kotse.
"Seatbelt," iritableng sabi ni Janessa na sinunod naman ng bagong sakay. Nang naka-seatbelt na ay saka pinaandar ni Janessa ang sasakyan. Nang nasa main road na sila ay saka nagsimula ang pangalawang kabwisitan ni Janessa sa umagang iyon.
"Buti naabutan kita. Sa sementeryo ba ang punta mo? Sabay na 'ko hanggang sa may sakayan papuntang bahay. Ah, eto pala pinapabigay ni Mama. Pambili mo raw ng bulaklak--" Dinukot sa bulsa ng maong na pantalon ang isang sobreng may punit at mantsa na brown. Sa pakiwari niya ay may mga coins pa ito sa loob.
"May pambili ako sana hindi na kayo nag-abala," ibinaling niya ang tingin sa harapan ng sasakyan at hindi kinuha ang envelope.
"Nessa naman--"
"Jen, 'wag nga tayong magpanggap na parang close na close tayo. Anong kailangan mo? Sabihin mo na para matapos na." Kahit anong pilit ni Janessa na maging kalmado ay umiinit ang dugo niya sa taong katabi. Ibinulsa nito ang envelope at saka nag-ayos ng tali ng buhok. Inalis ang suot na sapatos at saka inayos ang medyas na naninilaw na bago muling isunuot ang sneakers na mukhang kabibili lang. Alam ni Nessa na kahit luma ang mga damit ni Jen ay hindi ito papayag na magsuot ng sira-sira ang sapatos.
"Grabe ka naman sa pinsan mo. Ngayon nga lang tayo nagkita ulit," pagmamaktol na sabi ng pinsan niyang mas matanda sa kanya ng dalawang taon.
"Ngayon lang after one year ba ang ibig mong sabihin?" Isang taon na rin ang nakalipas simula nang puntahan siya nito sa bahay. Isang taon na simula nang mahanap siya ng mga kamag-anak. Isang taon na rin mula nang umuwi siya galing ng US kung saan siya nakapagtapos ng pag-aaral.
"Alam mo namang wala kaming ibang malalapitan, ikaw lang."
Eksaktong nasa stop light na sila. Napahigpit ang kapit niya sa steering wheel at napapreno ng madiin. Narinig pa niya ang pag-aray ng pinsan na kung hindi naka-seatbelt ay baka nauntog sa salamin ng kotse.
HIndi na makapagpigil si Janessa. Humarap siya sa pinsan. Bakas sa mukha noon na hirap sa buhay dahil kahit na beinte sais anyos pa lang ay marami ng guhit ang noo at visible na rin ang laugh lines. Kahit na naka-make up pa ito ay bakas ang mga tigyawat sa mukha.
"Look how pathetic you are now, para sabihin sa'kin 'yan?!" mariin niyang sabi.
"Grabe naman sa pathetic. Nessa, kung galit ka pa rin dahil sa nangyari noong mga bata pa tayo--"
Hinampas ni Janessa ang steering wheel. Kahit namula pa at sumakit ang kanang kamay niya ay mas hinigpitan pa ang kapit sa steering wheel. Green light na kaya't pinaandar na ang kotse muli bago siya sumagot.
"This is what I hate the most. You're the one who's trying to bring back the past na matagal ko nang gustong kalimutan!" Her past was not something to be proud of. Maraming nangyari simula nang mawala ang mga magulang niya.
"Aminin mo man o hindi pero kung hindi nangyari ang lahat ng iyon, hindi ka makakarating sa kinaroroonanan mo ngayon, Janessa. Tumanaw ka naman ng utang na loob." Medyo napataas ang boses ni Jen kaya't natawa ng malakas si Janessa.
"Are you serious right now?!" tumatawa pa rin siya bago napatingin sa katabi. Seryoso naman ang mukha ng pinsan niyang parang na-offend pa dahil sa pagtawa niya. Nang maka-recover ito ay saka muling nagsalita ng mahinahon.
"Akala mo ba sapat ang ipinapadala mong sustento sa'min na 30,000 monthly? Ang laki ng mga gastusin namin sa bahay. Si Mama ang daming gamot. Gamot pa lang niya at dialysis 20,000 a month na. May kuryente pa, may tubig, may internet at---" ginamit pa nito ang mga daliri para isa-isahin ang sinasabing mga bayarin.
Isa na namang stoplight kaya't nagpreno muli siya ng madiin saka siya humarap muli kay Jen. Permanenteng nakataas ang kaliwang kilay ni Janessa at namumula na ang mukha sa galit.
"Sandaleee! Bakit parang obligasyon ko na bayaran lahat ng gastusin ninyo? Wala ka pa rin bang trabaho? Ang asawa mo ba wala pa ring makuhang trabaho? Nasaan ang tricycle na binili ko para ipasada niya? Nasaan ang tindahan mo sa bahay na dapat source ng daily gastusin ninyo? Bakit walang ibang kita? Ako lang ang gatasan ng pamilya mo at ng nanay mo?!" She was livid. Nag-flash back sa kanya isang taon na ang nakalipas kung saan malaking pera ang inilabas niya para lang sana tantanan na siya ng pamilyang iyon. Pera na inipon niya ng ilang taon sa maraming trabaho at sidelines. Ang pera na dapat ay pambili niya ng sariling bahay o condo unit man lang.
"Janessa! Grabe ka naman sa pagsabi ng 'nanay ko'. Nag-iisang tiyahin mo 'yon! May sakit at matanda na---"
She wanted to scream in anger pero alam niyang siya lang ang mahihirapan dahil sa kapal ng mukha ng pinsan niya ay wala lang iyong epekto.
"So, paano? Anong gusto mong gawin ko ngayon? Dagdagan ko ang ibinibigay ko monthly? Hindi nga ko dapat nagbibigay pero naaawa ako sa nanay mo na kahit papaano kapatid pa rin ng Tatay ko kaya pwede ba tigilan mo nga 'yang kakareklamo mo. Magpasalamat ka na lang may iniiabot pa 'ko sa inyo!" Alam ni Janessa na ang ibinibigay niyang pera ay hindi lahat napupunta sa dapat kalagyan. Lulong sa sugal ang asawa ni Jen. Ang pagkakamali lang ni Janessa ay hindi niya muna ito inalam bago siya nagbigay ng pera sa pamilyang iyon. Huli na nang malaman niya.
"Kulang nga kasi. Baka pwede mong dagdagan o kaya doblehin para naman 'to kay Nanay, alam mo naman na ikaw lang ang---"
"Fuck! Hiwalayan mo na kasi 'yang gagong asawa mo! He's dragging your whole family down!"
"Huy, nagmumura ka na ngayon?! Dati lang hindi ka makabasag pinggan. Parang santa ka sa paningin ng nanay ko. Ikaw na laging magaling, matalino, talented, mabait. Lahat na lang nasa'yo na." Sinadya ni Jen na iwasan ang topic ng asawa dahil alam niyang tama naman si Janessa. Ang asawang sugarol ang nagiging pabigat sa buhay nila ng ina at ng tatlong anak.
Sa sunod na jeepney stop ay nag-hazard siya at pumarada sa tabi. Inunlock ang kotse at saka muling humarap kay Jen. Napansin niyang nasa may dashboard na ang envelope. Marahil inilagay ito ni Jen ng hindi niya namalayan. Kinuha niya iyon at iniabot sa pinsan.
"You should leave. Dalin mo na rin 'to. I don't need this. I'll think about it. 'Wag ngayon. Death anniversary ng mga magulang ko, konting respeto naman sa'kin at sa kanila," napabuntonghininga niyang sabi.
"Kaya nga ngayon ako nagpunta kasi alam ko mas magiging fresh sa ala-ala mo ang mga nagawa namin para sa'yo ngayong araw na ito kaysa sa ibang araw." Inalis na nito ang seat belt ngunit hindi pa rin bumaba ng sasakyan.
Was she trying to provoke her?
"Jen, please leave bago hindi ako makapagpigil. I don't want to hurt someone not even worthy of my time."
"Grabe naman, nagkapera lang---" pabulong ito ngunit alam ni Janessa na ipinaparinig ito sa kanya habang bumababa ng sasakyan.
"May sinasabi ka?"
"Ah, wala. Sige, Nessa. Aasahan ko 'yan ha. Ingat ka sa pag-drive. Luma pa naman itong kotse mo. Bakit hindi ka bumibili ng bago?" sumilip pa ulit si Jen habang hawak ang pintuan.
Gustong magmura ni Janessa ng malakas. Paano siya makakabili ng bago kung may sumasali pa sa mga gastusin niya na hindi naman dapat kasama.
"Close it," mariin niyang sabi. Nang isinara ng malakas ng pinsan ang pintuan ay matulin niyang pinaandar ang sasakyan palayo ng jeepney stop na iyon.
Dahil sa pagdalaw na iyon ni Jen, nagbalik na naman sa ala-ala niya ang mga kaganapan matapos niyang lumipat sa bahay ng Tita Loleng niya.
***Thank you for reading. Please don't forget to like and comment.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...