HE reached for her but she wasn't there. Agad na napadilat si John nang mapagtantong wala si Janessa sa tabi niya. He looked around the room. Napabalikwas siya ng bangon at agad na napakapit ng ulo. Sumakit ang ulo sa biglaang kilos. Nakita niya ang tsinelas niya at isinuot iyon. Kinuha ang cellphone at saka nagtungo sa labas ng silid. Pagdaan niya sa Dining Area ay may nakapatong na dalawang paper bag mula sa sikat na restaurant doon sa Tagaytay kung nasaan ang Villa. Pababa na rin ang araw. Eksakto lang ang pagdating ng pagkain. Kailangan lang ay mahanap niya kung nasaan si Janessa. Sunod siyang nagpunta sa Master's Bedroom. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang marinig niya ang paghikbi ni Janessa na may kausap sa loob ng silid. Nakaloudspeaker ito marahil dahil narinig din ni John ang kausap ni Janessa.
"I'm an awful person, Anika. I turned into someone hateful just because I wanted revenge."
Hawak na ni John ang doorknob at gusto niyang pumasok sa loob para sabihin na hindi iyon totoo. Para kay John, naiintindihan niya lahat ng ginawa at ginagawa ni Janessa at hinding-hindi siya magagalit dahil sa mga nangyari.
"You're not an awful person dahil ngayon narerealize mo na ang mga maling ginawa mo. May panahon pa para itama mo lahat ng ito, Nessa. Please stop crying. Nasaan ka ba? Nag-book ako ng flight pauwi diyan sa Pilipinas kaso bukas ng gabi pa ang earliest flight."
Napakunot ang noo niya. Boses iyon ni Anika. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maging advantage para sa kaniya ang pag-uwi ng Pilipinas ng bestfriend ni Janessa.
"I want to be there to support you. Magbakasyon tayo baka sakaling sumikip yang turnilyo sa ulo mo mawala ang pagka-loka loka mo.
Naisip ni John na kung magbabakasyon sila, kailangang malaman ni John ang mga lugar na pupuntahan. Hindi siya magsasayang ng oras. Isang buwan na lang bago ang plano nilang kasal ni Venice Valle.
"So, nasaan ka nga? Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong kong 'yon."
"Nandito ako sa Villa ni John."
Napangiti si John dahil siguradong nagulat si Anika.
"What?! Paano ka napunta diyan? Akala ko ba galit ka at---"
"I guess this was his way of saying goodbye? Hindi ko na rin naiintindihan kung bakit ba talaga ako nandito."
Napabuntonghininga si John. He wanted to make his intentions clear. Ang bahay na iyon ay para kay Janessa. He never intended to marry someone else ngunit kailangan niya iyon gawin para remedyuhan ang ginawa ni Janessang gulo kina Venice Valle at sa nobyo nitong si Oswald Navarro.
"I guess alam mo pero ayaw mo lang aminin. Where is he now?"
"He's in the other room. It's a long story pero ang summary lang ay hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko. Dapat na ba akong umalis dito?"
Napakagat ng labi si John dahil muntikan na siyang mapasigaw ng No!
"Maganda ba ang bahay?"
"Yes. Exactly how I want our house to be."
"Bongga! So hindi mo pa rin alam talaga kung bakit ka nandiyan kahit na ipinakita na sa'yo ng ex-fiance mong sira ulo na magpapakasal sa ibang babae ang Dream House ninyo?"
"Hindi ko nga alam! At sige, ulit-ulitin mo pa na magpapakasal sa ibang babae! Nakakairita ka, Besh. Ano ba ang gagawin ko? Aalis na ba 'ko rito?"
Gustong sumigaw ni John na hindi siya dapat umalis ngunit alam niyang hindi dapat malaman ni Janessa na nag-eavesdrop siya sa usapan nila ng kaibigan.
"'Bahay mo 'yan bakit ka aalis?"
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...