PAGKALABAS NI JOHN ng kwarto ay nakita niyang nagdudugo ang mga kamay niya. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng hand towel na pahaba. Sumandal siya sa kitchen counter at saka iniikot ang tuwalya sa kamay na nagdudugo. He winced in pain dahil may parang mas tumusok pa sa kamay niya paglagay niya ng tuwalya. Napabuntonghininga siya at naisip na hindi niya dapat indahin ang sugat ng kamay niya dahil ang babaeng minamahal niya ay mas nasasaktan at nahihirapan. Kumuha siya ng basahang binasa niya ng tap water, tuyong basahan, walis at dustpan mula sa storage ng cleaning supplies sa may corner ng kusina. He then went back to the master's bedroom kung nasaan si Janessa. Naghintay muna siya ng limang minuto bago tuluyang pumasok ng silid. Sinimulan na niyang walisin at linisan mabuti ang sahig. Siniguro niyang wala ng bubog na maaaring matapakan si Janessa.
Matapos niyang magwalis ay nilampaso niya muli ang sahig gamit ang basa at tuyong basahang kinuha niya rin sa kusina. Nang matapos na siya ay ibinalik na niya ang mga gamit panlinis sa lagayan sa kusina. Bumalik siyang muli sa kwarto at nilapitan si Janessa na mahimbing nang natutulog. He looked at her sleeping form. Nakatalikod ito sa kaniya at may yakap na unan. He slowly walked towards her and placed the comforter over her, hanggang balikat. Inadjust rin niya ang thermostat ng aircon unit para masigurong mahimbing ang magiging tulog nito. Bukod sa nakainom ay emotionally drained din si Janessa dahil sa galit at iyak na ibinuhos nito sa kaniya.
He sighed and went out of the room at dumiretso sa receiving area. Nakita niyang nagvivibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesita sa sala. He was about to picku up his phone and answer the call when he saw his bleeding hands. Tumagos na ang dugo sa ibinalot niyang tuwalya. Kahit makapal iyon ay nabasa na ito ng dugo. Marahil dahil sa kakagamit niya ng kamay niya noong nagwalis at nagpunas siya ng sahig ay mas bumuka pa ang sugat. He ignored the call and decided to check on his wound first. Bumalik siya ng kusina at lumapit sa sink. Inalis niya ang telang nakabalot sa nagdudugong kamay at itinapon iyon sa basurahan. Napagtanto niyang hindi lang pala isa ang sugat niya dahil sa bubog, apat iyon at ang isa ay may kalaliman at parang may nakaipit pa sa loob. He tried to remove it ngunit may sugat din ang kabilang daliri niya. Sa ilalim ng faucet ng kitchen sink ay pinatuluan niya ang magkabilang kamay ng running water. He squeezed the glass shards out his fingers. Napangiwi siya nang makitang mas marami pang dugo ang umagos mula sa sugat nang maalis ang bubog. Nakakunot ang noo at nakasalubong ang mga kilay na napahugot siya ng hininga sa sakit nang diinan niya ang sugat na nagdudugo gamit ang kabilang kamay. He groaned nang makitang malalim nga ang isa na parang may matang nakatingin sa kaniya. Nang masigurong wala na ngang bubog at tumigil na ang pagdudugo ay inoff na niya ang gripo at bumalik sa sala kung nasaan ang kaniyang cellphone.
He immediately picked up his phone and looked at the screen. He sighed and dialled his sister's number dahil nakaka-sampung missed calls ito.
"Kmusta?" tanong ni Jonna. Naupo si John sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa center table.
"She's asleep and she really hates me to the core. Mukhang hindi na mawawala ang galit niya sa'kin, sa ating lahat." bulong ni John sa cellphone habang kausap si Jonna. He closed his eyes and massaged his temples using his free hand. Napangiwi siya dahil sa sakit. Nalimutang may sugat ang daliri niya.
Ilang segundo bago muling nagsalita si Jonna.
"I want to believe that she'll pull out of that. I want to believe that she doesn't really hate us to the core. What she hated was what we did. Se hated what we did not do. Pero hindi habang buhay dapat nating ipadala sa kaniya ang galit na iyan, Kuya. You know it's not healthy for her, for you both. Hindi siya nakapag-therapy or counselling after mawala ng baby. Maybe that's what she needs. Acceptance. Mangyayari lang iyan kapag dalawa kayong magkasamang humarap ng sakit at galit."
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
Storie d'amoreROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...