NATIGILAN si Janessa. She could feel her erratic heartbeat dahil sa pangamba na nasundan siya ng humahabol sa kanya.
"Janessa?"
Napakunot ang noo niya nang marinig ang tinig na iyon. Inalis din nito kaagad ang kamay sa balikat niya. Para lang siyang tinapik nito upang mapalingon siya.
Nang mapatingin siya sa lalaking may-ari ng tinig na iyon ay nakilala niya ito kaagad.
"Daryl?"
Lumapad ang ngiti nito nang mabanggit ni Janessa ang pangalan niya. Matangkad si Daryl at matangos ang ilong. Singkit ang mata, mapula ang labi at makinis ang kutis. Kung titingnan ang katawan ay matikas ito na parang pangmodelo. Nakasuot ito ng polo shirt na pula na mas nagpatingkad ng kaputian niya, maong na pantalon at puting sneakers. Kasabay ng pagkilatis niya sa taong iyon ay ang pagbabalik ng mga ala-ala ng buhay niya ilang taon ang nakalipas.
Dahil sa angking katalinuhani ni Janessa, hindi niya kailangang lumipat ng paaralan kahit na nakalipat na siya ng bahay ng Tita Loleng niya. Binuno niya ang isa't kalahating oras na biyahe araw-araw para lang hindi maalis sa private school kung saan siya nakaenroll. Gusto niya ring malayo ang eskwelahan niya para gagabihin siya ng uwi at sandaling oras na lang ang pagtitiisan niya sa bahay ng mga kamag-anak.
"Nessa, ito na ang bayad sa project sa Science. Dinagdagan ko na para may pambili ka ng materyales sa project mo. Siya nga pala, may ipapagawa rin daw si Feliz sayo. Doble ng bayad basta maka-ninety siyang grade."
"Sige. Salamat Daryl sa paghanap ng mga kliyente at sa lagi mong pagpapagawa ng homeworks mo sa'kin," sagot niya habang binibilang ang tigbebente pesos na perang iniabot sa kanya ng kausap. Si Daryl ang isa sa mga parokyano niya simula nang magsimula siyang palihim na tumanggap ng mga paggawa ng projects at assignments ng mga kaklase niya at ng ibang estudyante ng paaralan nila. Kung baga sa bugaw, si Daryl ang taga-hanap ng kliyente niya sa negosyong iyon.
Dahil sa kagustuhan niyang magkapera at hindi umasa sa iba, ginamit niya ang talino niya at kasipagan para magkapera. Ilang beses na siyang nahuli ngunit hindi umaamin ang mga kliyente niya dahil alam niyang pare-parehas silang masisira ang records kapag napatunayan ang ginagawa nila.
"Oo naman. Busy din kasi ako sa mga raket. Ang hirap kumita ng pera." Iyon ang ipinapagtaka ni Janessa kay Daryl. Mukha naman itong mayaman ngunit lagi itong abala sa sinasabing trabaho kaya't walang panahon para mag-aral. Sa klase nga ay nahuhuli pa ito lagi at nasisitang natutulog.
"Malaking pera ba ang nakukuha mo sa trabaho mo?" Hindi napigilang magtanong ni Janessa. Habang tumatagal ay mas gusto na niyang makaipon para makaalis na kaagad sa bahay na kinasusuklaman niyang uwian sa araw-araw.
"Oo naman. Medyo delikado lang talaga pero mabilis ang pera dito. Pagkagraduate ko ng highschool permanente na 'tong raket ko na 'to. Kung kailangan mo ng malakihang pera na mabilis lang, sabihan mo 'ko." Nakangising sabi ni Daryl.
Nagsalubong ang kilay ni Janessa nang marinig na delikado ang trabaho ng kausap. Paano magiging delikado kung modelo lang naman siya? Tanong ni Janessa sa isip.
Iniisip niya noon na baka modelling gig ang trabaho ng lalaki dahil matangkad ito kahit na kinse anyos pa lang sila. Makinis din ang kutis at habulin ng mga babae sa school nila ngunit imbis na maging babaero ito, ilag ito sa mga babaeng may gusto sa kanya. Ang pinapansin lang niya ay si Janessa at ang kababata nito na si Feliz.
"Sige pero sa ngayon, okay naman ako sa paganito-ganito lang." Kumaway na siya kay Daryl bago ito tumalikod at tuluyang umalis.
Sinubukan noon ni Janessa na magtrabaho sa fast food restaurants ngunit masyado pa raw siyang bata kaya't nakaisip siyang maghanap na lang ng mga gagawan ng assignments at projects.
Noong araw na iyon, ginabi ng uwi si Janessa dahil ginawa pa niya ang ibang assignments at project na pagawa sa kanya kabilang na rin ang sa kanya. Hanggang bukas pa ang library ng school ay naroon lang siya at kung hindi pa siya tapos ay sa isang fast food malapit sa eskwelahan nila naman siya nananatili hanggang sa makatapos siya. Kakilala na siya ng manager doon at ilang staff kaya't kahit na isang softdrinks at burger lang ang order niya kada pumupunta siya ay hindi siya pinapaalis ng mga iyon. Doon din bumibili ng pagkain si Janessa para makaiwas siyang makikain sa mga tinutuluyan.
Pagdating niya ay madilim na ang buong kabahayan. Nagtaka siya dahil alas nueve pa lang. Late nang umuuwi ang pinsan niyang si Jen kaya't laging nakabukas lang ang ilaw ng bahay hanggang hindi pa ito dumarating.
Naka-lock din ang pintuan. Sususian na sana niya nang may magbukas nito mula sa loob.
"Bakit ngayon ka lang?! Wala tayong kuryente. Hindi nakapagbayad si Nanay dahil nasa ospital si Tatay. Ano ka ba dito sa bahay na 'to?! Border?! Dadating at aalis ka kung kailan mo gusto?! Bumili ka ng kandila! Dalian mo! Kanina pa ko nagtitiis sa dilim at init dito!" Hindi alam ni Janessa na nasa ospital na naman ang Tatay ni Jen dahil lagi siyang gabi nang umuuwi. Iniiwasan niya ang mga tao sa bahay na iyon dahil ayaw niya rin ng gulo.
Sanay naman si Janessa na sinisigawan at sinasaktan ni Jen ngunit may dala siyang projects niya at ng mga kliyente niya kaya't ayaw niyang magpaabot dito. Madilim at pwedeng tamaan ang bag niya kung saan nakalagay ang mga iyon. Malulukot iyon at hindi maganda para sa kanyang negosyo.
Umiwas si Janessa mula sa mabibigat na kamay ng pinsan. Umatras siya para hindi siya maabot ni Jen. Ang pinsan naman ay napatid at napasigaw ng malakas nang masubsob palabas ng pintuan.
"Janessa! Lagot ka sa'kin kapag naabutan kita!"
Hindi na naghintay pa si Janessa na habulin pa siya ni Jen. Tumakbo na siya palabas ng gate at pabalik sa fast food chain kung saan siya nanggaling ilang oras lang ang nakalipas.
Pagdating niya ng fastfood ay nakiusap siya sa isa sa mga staff.
"Ma'am Liza, wala po kasing tao sa bahay namin. May sakit ang Tito ko binabantayan po siya roon ngayon ng Tita ko. Hindi nila naiwanan ang susi. Bawal na raw kasi magpunta ng ospital at medyo malayo kaya hindi ko mapuntahan doon. Pwede po ba dito na lang muna ako hanggang umaga? Wala po kasi akong matuluyang iba."
Alam ni Janessa na hindi ang staff ang magdedecide kung hindi ang manager kaya't inulit din niya ang sinabi niya nang dumating ang manager. Twenty four hours ang fast food chain at unang beses pa lang naman niyang makiusap na mag-stay doon hanggang umaga.
"Sige pero kapag mga alas dose na sa loob ng staff room ka na lang muna mag-stay baka kasi may dumating na pulis makwestiyon pa tayo, naka-uniform ka pa naman."
Kahit may pagdududa sa mga mata ng manager ay tinulungan pa rin nila si Janessa. Marahil naisip nilang mas mabuti pa na naroon siya kaysa nagpapakalat-kalat sa kalsada.
"Maraming salamat po," nakangiti niyang tugon.
It was a long night dahil hindi siya natulog. Nagbasa lang siya ng mga librong nasa bag niya habang iniintay na mag-umaga. Ala-sais ng umaga ay pumasok na ng eskwelahan si Janessa. Nagsuklay lang siya at naghilamos sa CR ng school nila. Inamoy niya ang damit niya. Katanggap-tanggap pa naman ang amoy dahil hindi naman siya gaanong pinawisan.
Kahit na lango siya sa antok ay kinaya niyang matapos ang lahat ng klase at maibigay ang mga projects sa mga kliyente.
Nang uuwi na siya noong hapon ay hindi niya inaasahan ang daratnan niya sa bahay na tinutuluyan.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
RomanceROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...