NAPANGISI si Janessa pagkasend niya ng email. Mas napangisi pa siya at tumaas ang isang kilay nang matanggap ang read receipt. Wala pang treinta segundo simula nang ipadala niya ang email ay nabasa na ito kaagad.
"I'll see you guys later sa hotel. Send me a message here when you're already prepared." Iniabot niya kay Daryl ang isang business card na may current mobile number niya at saka nagsimula nang magligpit ng mga gamit na ipinatong niya sa lamesa. When she stood up with her hand bag and laptop bag and ready to go ay tumayo na rin si Daryl at tinapik sa balikat ang kasamang si Fernando.
"Okay. I'll call you later to give you an update. Mga two hours siguro ang pag-setup. Kukunin lang namin ang mga gamit sa HQ, I mean, office."
Napataas ang kilay ni Janessa at saka ngumiti, "HQ?"
"Slip of the tongue--" napakamot ng ulo si Daryl at ngumiti. Umiling si Janessa at saka nagtaas ng isang kamay na bahagyang ikinaway para magpaalam habang naglalakad na palayo sa dalawang kasama.
Palabas na siya ng bookstore nang marealize niyang wala naman siyang nabiling libro. Bumalik siya muli sa loob at nagpunta sa aisle ng mga fiction love stories. Nakita niya kaagad ang librong tungkol sa bampirang umibig sa mortal na tao. She took that bestselling book na ilang beses na niyang nabasa at saka nagpunta ng counter para bayaran ito.
"Thank you, ma'am," nakangiting sabi ng kahera habang ibinabalot sa paper bag ang libro nang magbayad na si Janessa.
"Thank you, too."
She knew she still have some time to kill pero ayaw na niyang umuwi ng bahay dahil baka mapasabak siya sa traffic ay mahuli pa siya sa appointment niya. She decided to go to a nearby mall and buy some things that will help her prepare for that evening. Sa isang mall sa BGC siya nagpunta.
She visited several shops to complete her planned purchases. Papunta na siya ng kotse na ipinarada sa covered parking lot, daladala ang mga pinamili niya nang mag-ring ang phone niya. She knew that ring tone at napabuntonghininga si Janessa. She ignored the call until she got inside her car at nailagay na sa backseat ang mga pinamiling gamit at damit. She locker her car and turned on the ignition. Nang mag-ring muli ang phone niya ay inilagay iyon sa handsfree mode at saka sinimulan nang lumabas ng parking lot.
"Bes, nasaan ka? Bakit ang tagal mo sumagot? You know I hate waiting but still you made me wait! I called you ten times!"
Napairap at napangiti si Janessa sa matinis na boses ng nasa kabilang linya. She maneuvered her way on the ramp palabas ng second parking level na iyon.
"Ang OA mo. Ten rings lang 'yon hindi ten times! Pwera na lang kung kada isang ring inoff mo tapos nag-dial ka ulit," sagot niya habang binubuksan ang headlights dahil may kadiliman ang bababaan niyang parking.
"My point is, you know how I hate waiting! Ako na kaibigan mo pinaghintay mo! Hindi ka ba naawa sa kaibigan mo na ayaw ng naghihintay," suminghot-singhot pa ito na tila umiiyak.
"Ayaw mo ng waiting pero ten years mo nang hinihintay na manligaw sa 'yo yang si Pancho mo. Sino kaya dito sa'tin ang ayaw maghintay."
Malakas ang pagkakahugot ng hininga ng kausap at natawa naman si Janessa. Na-imagine niya kung anong ginagawa ng kausap sa kabilang linya. Siguradong nakahawak ito sa dibdib na parang binaril ang puso.
"Aray naman, Bes! Sapul na sapul naman ang singit ko sa tirada mo. Konting preno naman!"
Malapit na si Janessa sa last level kung saan may booth at magbabayad na siya ng parking fee. Umarangkada siya at saka nagpreno ng malakas. Alam niyang lilikha ng malakas na tunog ang pagpreno niya dahil makintab at madulas ang sahig ng parking space sa mall na iyon.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Villainess
Roman d'amourROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she was 17, she knew that she had to turn her life around. With a goal to marry a rich man, she enrolled a...