49-Surprise

89 9 0
                                    



PAGMULAT ng mata ni Janessa ay napamulagat siya sa nakita. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa kaba. Halu-halong emosiyon ang nararamdaman para sa taong iyon at sa lugar kung nasaan sila.

Nang makita ng taong iyon na gising na si Janessa ay nakangiti itong lumapit sa kaniya. Bawat hakbang nito papalapit ay mas bumibilis ang pagbayo ng dibdib niya sa kaba. Paglapit nito ay agad na lumuhod sa harapan ni Janessa at tinutop ang mukha niya gamit ang kanang kamay. Napasinghap si Janessa.

"You're finally awake. Akala ko bukas ka pa ulit gigising. Long time no see, Janessa."

Mukha ng isang anghel ang bumungad sa kaniya. Matangkad iyon at matipuno ang pangangatawan, matangos na ilong, mapungay na mga mata, makapal na mapulang labi at makinis at maputing kutis. Sa ilalim ng gwapo at mala-anghel na mukha ay isa palang bulok na pagkatao. Imbis na angel sa langit ay isa pala iyong anghel ng kadiliman. Nakasuot ito ng lumang synthetic leather jacket na naaagnas na, loose na faded jeans at rubbershoes na mukhang ilang taon nang hindi nalabhan. Malayong-malayo sa dati nitong ayos na malinis at laging nakapustura ng mga mamahaling brand ng damit.

"Rodney--" Hindi niya naituloy ang gustong sabihin dahil sa noon niya napansin ang hawak na maliit na caliber pistol sa kaliwang kamay ng lalaki. Marunong mag target shooting si Janessa noon, naaral niya rin ang mga klase ng baril, kaya't alam niyang nakakasa na ang hawak na pistol ni Rodney at may silencer pa iyon sa dulo.

Nilukuban ng matinding takot si Janessa nang maramdaman ang malamig na dulo ng baril na nakalapat sa kaniyang sentido habang ang isang kamay ng lalaki ay humigpit ang kapit sa panga ni Janessa. Nanginig ang mga labi niya sa pagpigil na mapaungol dahil sa sakit.

Ang kanang kamay ni Rodney ay naglakbay mula sa pisngi ni Janessa pababa ng leeg, dibdib at hanggang paa. Parang kinukutya siya ng kamay na iyon at ng nakangising mukha ng halimaw na nasa harapan niya.

"I am very happy that you still recognizes me. How are you, Janessa?" Nanginig ang katawan ni Janessa nang bumulong si Rodney sa tainga niya. Hindi siya makagalaw. Ang tanaw lang niya sa dulo ng silid ay ang maliit na kama na may nakapatong na sleeping bag na sira-sira. Mukhang nasa isang luma at abandonadong bahay sila. Nakaupo siya sa semento, ang tuhod ay nakadikit sa mga dibdib, nakalapat ang mga paa sa semento, nakasandal at nakatali siya sa isang makapal na poste. Yumuko si Janesa, nagpabaling-baling sa kanan at kaliwa at tiningnang mabuti ang sinasandalan niya. Napagtanto niyang makapal iyon para maging poste, mukha itong parte ng pader ng bahay na gumuho na at ang mahabang biga ng magkakapatong na hollow blocks na may semento na lang ang natira. May nakapalibot na makapal na puting lubid sa katawan niya simula sa braso hanggang sa binti. Ang mga paa naman niya ay may nakaikot na duct tape. Sa itsura ng pagkakatali sa kaniya, kahit milagro niyang makalas ang pagkakatali ng lubid ay hindi siya agad makakatakas dahil sa kapal ng grey na duct tape na nagdidikit sa dalawang paa niyang walang sapin.

Pumikit siya at sinubukang alalahanin kung anong nangyari bago siya mapunta sa lugar na iyon ngunit walang pumapasok sa isip niya. Hindi niya maintindihan kung paano siya nakarating doon. Ilang minuto ring nakatitig lang sa mukha niya si Rodney na nakangisi. She tried to focus and clear her head. Parang binuhusan ng nagyeyelong tubig si Janessa nang maalala kung sino ang kasama niya bago siya magising sa lugar na iyon.

"Bakit ako nandito?" nanlaki ang mga mata ni Janessa, "Rodney, hayop ka! Nasaan si John?!!!" Umalingawngaw ang boses niya habang si Rodney naman ay tumawa ng malakas.

Ang huling natandaan ni Janessa ay sinundo niya si John sa simbahan at sumakay sila ng kotse. Nakatulog siya sa biyahe at nang mamulat ang mga mata niya ay si Rodney na ang kasama niya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit mas diniinan ni Rodney ang pagkakapit sa panga niya.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon