52-Revenge of the VillaiNESS (FINALE)

162 12 0
                                    



PAKIRAMDAM ni Janessa ay isang mahabang bangungot ang buhay niya. Ang tanging magandang nangyari lang ay ang nakilala niya si John. John was perfect in every way ngunit nalimutan niya iyon at nabalewala dahil sa paninira ng ibang tao.

"Besh, nandito na ang food mo. Tigilan mo na ang kaka-emote mo diyan, wala rin namang mangyayari kahit tumitig ka sa kawalan. Hindi siya darating." Nakakunot ang noong bati ni Anika habang hinihimas ang likuran ng kaibigang namumugto ang mga mata sa pag-iyak.

"I miss him so much. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon na wala na si John, Anika. Please help me," magkakasunod ang paghikbi ni Janessa. Katatahan lang nito ay mukhang paiyak na naman itong muli.

Napapikit si Anika bago niyakap si Janessa. Maya-maya pa ay bumitiw na siya sa kaibigan at saka humugot ng malalim na hininga bago napasigaw.

"Jonna! Ikaw naman dito, please talk to your almost-real-sister-in-law-forever."

Agad namang lumapit si Jonna na may hawak na orange na nakahiwa na at nakalagay sa isang platito. Iniabot niya iyon kay Janessa na agad namang kinuha kahit na tumutulo ang mga luha.

"Ness, hindi ba sabi ni Kuya 'wag kang iiyak kapag wala na siya," malambing na sabi ni Jonna na dumantay sa balikat ni Janessa.

"Paano ko naman gagawin 'yon? Siya lang ang gusto kong makasama."

Nagkatinginan sina Jonna at Anika bago sila sabay na napabuntonghininga. Tumayo si Anika at lumapit kay Janessa. Nagsimula na naman itong umiyak. Tinutop ni Anika ang magkabilang kamay ng kaibigan kahit may hawak itong slice ng orange.

"Ilang beses ba namin ieexplain, bawal nga raw magkita ang ikakasal a day or night before the wedding. Pinayagan na nga namin kayo magkita kanina, hindi ba? Kakauwi nga lang ni John sa kwarto niya pagkatapos ka niyang ipagbalat ng oranges! Hindi namin malaman bakit iba pa ba ang lasa ng orange na siya ang nagbalat kaysa ang sa amin ni Jonna?! Kaya sabi ko hindi na siya babalik. Magkikita naman kayo ilang oras na lang, Besh! Diyos ko naman, Besh! Oo alam ko namang buntis ka pero ang OA ng mood swings mo! Hindi kinakaya ng katawang lupa ng Diyosa mong best friend!"

"--- at ng Diyosa mong real sister in law forever!" dagdag naman ni Jonna. Nagkatawanan si Jonna at Anika at maya-maya pa ay tumatawa na rin si Janessa.

"Sure ka ba na buntis lang 'yang si Nessa? Bakit parang nababaliw na?" bulong ni Anika kay Jonna. Sinipa ni Janessa si Anika kaya't napaupo ito sa sahig.

"Aray, Besh ha!"

"Grabe ka ang bilis mong magbago, last week lang naiiyak ka pa sa saya dahil magkakaroon ka na ng inaanak ulit tapos ngayon--"

"Hindi naman ganyan ang moodswings mo dati-- I mean---"

Tumango si Janessa at mas umiyak pa.

"Anika naman, alam mo naman na mortal sin banggitin--"

"I'm sorry, Besh, kasi naman---"

"Matutulog na 'ko. Ang pangit ko na bukas sa wedding maga-maga ang mata ko. Matulog na rin kayo maaga daw darating ang make-up artists around ten am." Nakasimangot na sabi ni Janessa. Agad namang yumakap si Anika at sumunod rin si Jonna.

"You will still be the most gorgeous bride ever, kahit wala kang make-up!" sabay nilang sabi na para bang nag-practice.

Lumapad ang ngiti ni Janessa at yumakap rin sa dalawang kaibigan. Nagpaalam na siya at pumunta na sa silid niya. Nasa isang Luxury Hotel & Resort sila sa Boracay kung saan gaganapin ang kasal nila ni John. Ang same resort sana na pupuntahan nila matapos niyang itakas si John sa pekeng kasal nito tatlong buwan na ang nakalipas. Sa Villa na iyon ay silang tatlo nina Jonna at Anika na lang ang gising. Ang pinsan ni Janessa ay nasa isang silid din ng bahay na iyon ay maaga natulog.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon