20-The Obsessed 1

139 8 0
                                    



"What do you mean?" Napasabunot ng ulo si John nang marinig ang balita mula kay Bong at Rolly nang mag-report ang dalawa sa kanya kinabukasan. Ang araw matapos ang pagkikita nila ni Janessa sa hotel. Naka-check in pa rin sila sa hotel na iyon. Gaya ng plano nila ni Daryl, pagkagising ni John na mag-isa sa kwarto matapos ang setup ay sinubukan niyang ipagtanong sa Hotel Desk kung sino ang nagpareserve ng kwarto na iyon. He had to pretend that he didn't know about the plan just for safety precaution.

"May nakita kaming kotseng puti sa tapat ng bahay na pinagpadalhan ni Daryl ng mga litrato. Nang umalis iyon, sinundan namin. Nakatunog yata na may sumusunod sa kanya. Naabutan kami ng stop light sa isang intersection. Naipit kami sa traffic. Nang makatawid kami ulit, wala na ang kotse. Hindi na namin mahanap," paliwanag ni Bong na nakatokang sundan at bantayan si Janessa.

Naglakad si John mula sa may receiving area ng Suite papunta ng lamesa kung saan may nakapatong na whiskey. Ilang hakbang lang mula sa lamesa ay tinungo niya ang refrigerator at kumuha ng tatlong ice cubes mula roon at inilagay ang mga iyon sa isang babasaging baso. He poured whiskey on the glass and took a sip kahit hindi pa malamig ang likido. He wanted to have a sip to calm his nerves. He twirled the glass softly to melt the ice. The news he received is bordering from bad to worse.

"How about her relatives? Sabi mo nahanap mo ang bahay ng Tiyahin at pinsan ni Nessa? Were you able to talk to them?" Kay Rolly naman bumaling ng tanong si John.

"Ayaw magbigay ng impormasyon ng nakausap kong babae doon sa bahay ng kamag-anak ni Ma'am. Mukhang sanay sa ganoon ang babae dahil hinahanap ang amo ko raw. Kung gusto nyo raw ng impormasyon, kayo mismo ang makipagkita sa kanya."

Napapikit si John at saka huminga ng malalim. Uminom muli ng whiskey at saka napakagat ng ibabang labi.

Sa puntong ito, lahat kakapitan niya para makita si Janessa ngunit hindi ang babaeng iyon. He knew from Janessa's stories kung anong ginawa ng pamilyang iyon sa kanya noon. Kung may alam ang pinsan ni Janessa ay ito dapat ang maunang lumapit kay John.

"Bong, meet with her pretending to be me. Sabihin nyo na lang na former employer tayo and wanted to hire her again but she was using a different home address and number. Don't give her any hint why we're looking for Janessa. Baka gamitin pa niya ito para mang-blackmail sa pinsan niya."

"Okay, Boss. Ano na po ang plano ninyo? Babalik na ba kayo ng New York?"

"Oo. Kailangan ko na munang bumalik. Maiwan muna kayo hanggang hindi pa natutukoy ang location niya. We might lose her again."

Alam ni John na hindi rin makakatulong ang presensiya niya dahil siya ang pangunahing iniiwasan ni Janessa. Bigla niyang naalala ang puntod ng mga magulang ng kasintahan.

"May iniwan ba kayong tao sa Sementeryo? Baka magpunta siya roon."

"Meron, Boss kaso hindi daw nagpunta doon si Ma'am."

John took another sip of his whiskey at nang ubos na iyon ay nagsalin pa muli sa baso.

"This time, huwag ninyong lulubayan ang dalawang lugar na pwede niyang puntahan. Hire more people if needed. Ang sementeryo at ang registered address niya. Sa opisina baka bumalik din siya kaya pabantayan mo rin. I need all of you to be my eyes twenty four seven."

"Yes, Boss," sabay na sagot ng dalawang tauhan.

SAMANTALA, si Janessa naman ay nag-check in sa isang hotel sa Ortigas. Malayo sa Makati kung saan naroon si John. Ibang kotse na ang ipinarada niya sa parking ng hotel, itim na.

Dalawa ang kotse ni Janessa. Lagi siyang may back-up in case na matatagpuan siya muli ng mga humahanap sa kanya. When she realized that she was tricked and was being followed, ginamit ulit niya ang rutang lagi niyang ginagamit kapag masusukol na siya. Nang mailigaw niya ang kotse ng tauhan ni John ay nagpalit siya ng sasakyan mula sa public parking lot ng isang office space malapit sa fake address niya. Nirerentahan niya ang parking space na iyon para lang iparada ang sasakyan. It might be a useless monthly expense for some but it was her lifeline.

Revenge of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon